CHAPTER 19 (memories to keep)

543 24 1
                                    

Iyana's POV

"xy" tawag ng isang boses sa likod ko na natitiyak kong si knight ito.

"nandiyan ka pala, kumusta ang lakad mo?" tanong ko dito at binigyan ito ng pwestong mauupuan. Nandito kami sa malaking batong inuupuan namin dati

"ok naman" simpleng sagot nito.

"gusto mo magbasa? " tanong ko dito na ikinakunot ng ulo

"no thanks" tanggi nito na ikinatawa ko

"why?" natatawang tanong ko na mas ikinakunot ng noo nito.

"I just don't want. Why do I need to read those books if I can make it happen for real? " saad nito na ikina pula ko.

Ang bastos ng utak mo iyana!! >Δ<

"wag ka nga wala pa akong nakita sa reality gaya ng mga nababasa ko sa wattpad books" saad ko at nilihis ang tingin ko.

Kase naman eh! >Δ<

"do you want me to prove it xyra? " nakangising saad nito at lumapit sakin

"h-hoy! Tsansing ka! " kinakabahang sigaw ko na ikinatawa nito.

"you're always the iyana I used to know, alam mo if hindi ko nakita ang keychain I won't believe that you are the little clumsy princess before" natatawang saad nito

"I'm not a princess, sa fairytale lang ang meron non" nakangusong saad ko

"but for me, you are" saad nito na ikina ngiti ko.

"come" saad nito at nilahad ang kamay niya

"huh? Saan tayo pupunta? Maggagabi na kayo" nakakunot noong tanong ko.

"trust me my princess xyra" saad nito at kinindatan ako na ikinatawa ko

"sa pagkakaalam ko hindi marunong ngumiti at kumindat si Mr. Weiller kaya san mo natutunan yan? " natatawang tanong ko kasi naman ang cute niya >Δ<

" Si chenchen ang kaharap mo kaya kahit papano kiligin ka naman" nakakunot noong saad nito na ikinatawa ko ng malakas.

"hindi lang kasi ako sanay na laging corny ka pero dahil ikaw si chenchen sige sasama ako kahit saan pa yan" nakangiting saad ko at tinanggap ang kamay nito.

Madilim na ang paligid pero patuloy parin kami sa paglalakad sa dalampasigan.

" gusto mo bang mapuntahan ang dulo nito? Kanina pa kaya tayo naglalakad" natatawang tanong ko.

"hindi, hindi tayo makakaabot sa dulo nito dahil ano mang oras bibitawan ko rin ang kamay mo pero hanggat wala pa tayo sa dulo susulitin muna natin ang bawat sandaling magkasama sina xyra at chenchen" nakangiting saad nito pero yung luha ko pabagsak na sa katotohanang tama siya.

Makakaya ko kayang bitawan ka chenchen kung sa bawat oras na magkasama tayong dalawa ang tanging hiling ng puso ko ay sana tumigil ang mundo dahil alam ko bibitawan mo rin ang kamay ko.

Maya maya pa ay tuluyan ng dumilim ang paligid at tanging mga bituwin ang saksi na sa oras na to na mahigpit ko paring hawak ang kamay niya nagbabakasakaling hindi niya na ito bitawan pa.

Mayamaya pa ay tumigil ito

"xyra, gusto kong makasama ka hanggat nandito ka pa dahil alam ko darating
Ang oras na iiwan mo ako at magpapakasal kana sa kanya pero gusto kong maranasan mo na ang chenchen na nakilala mo ay hindi ka nakalimutan kahit kailan" nakangiting saad nito at itinaas ang isang kamay niya.

Sa isang iglap ay biglang nagliwanag ang paligid, bumungad sa mata ko ang isang tent na nakalatag at napapaligiran ng mga unan at mga nagkikislapang mga maliliit na ilaw.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now