CHAPTER 10(Bestfriend)

624 24 1
                                    

Author's POV

"Princess Blythe Samana?!" gulat na saad ni iyana sa babaeng kaharap

"Omyghad!! Iyana Xyra! Ikaw nga!!!Wahhh besprennnn!! I miss youu! "
Saad ni Blythe at saka tumakbo sa direksyon ni iyana.

Niyakap nito ng sobrang higpit ang matalik na kaibigan na hindi nakita sa mahabang panahon.

"G-goshh, B-Blythe h-hindi a-ako m-makahinga"

"sorry sissy, namis kasi kita ng sobra "
Saad nito saka kinalas ang pagkakayakap sa matalik na kaibigan.

"Ako din, ang tagal mong nawala ahh. Ok ka na ba? "
Nag aalalang tanong ng dalaga

"Yes, I'm totally fine. "
Nakangiting saad ni Blythe kay iyana

"Mabuti naman, sobra akong nag alala sayo eh. Nagkita naba kayo ng gumawa sayo niyan? " seryosong saad ni iyana

" Hindi pa, Im here for a revenge sissy. That bastard need to pay me bigtime. T*gina niya" saad nito na puno ng pagkamuhi

"Princess Blythe! Bunganga mo! " panermon ni iyana

"Opss sorry sissy" saad nito habang naka peace sign

"At san ka natutong magmura?! Ni hindi mo nga yan masambit noon ah!! " saad ni iyana na tila dragon habang sinisermonan ang kaibigan

"Wahh sorry na sissy, nasanay na ehh!! Tsaka I've changed the old Blythe doesn't exist now. I've changed cause that's the right thing" malungkot na saad nito na ikina lungkot ng kaibigan

"EHEM! " putol ni knight sa kanila dahil tila nawili sa isat isa ang dalawang dalaga.

"Sorry sir" saad ni iyana sabay peace sign kay knight

"Sir? Empleyado ka niya?! " gulat na saad ng kaibigan

"Yes, I'm his secretary " nakangiting saad ng dalaga

"Seriously?! Nakooo that's a good start sissy hihihi. " natutuwang saad ni Blythe at saka binalingan si knight

"I'll accept the offer Mr. Weiller" nakangiting saad ni blythe kay knight

" How come you've changed your mind in just a minutes? " nagtatakang tanong ng binata

" Nahhh shatap. Let's go sissy, matagal tayong di makapagbond hihihi"

"P-pero si s-sir-" hindi natapos ang sasabihin nito ng biglang nagsalita si knight

"You can go now iyana" malamig na saad ng binata.

"See?! Tara na sissy marami akong ikukwento sayo!! "

Excited na umalis ang magkaibigan para makasama ang isa't isa

Iyana's POV

Nandito kami sa mall at nagbabad buong hapon

" Kain muna tayo tara" saad ni blythe sakin kaya nagpa dala nalang ako

Nakakapagtaka dahil parang kabisado niya ang lugar na ito

Nandito kami sa isang fast food restaurant at as usual fried chicken order neto.

Oo, siguro nga nagbago na siya pero may mga parte parin sa kanya ang hindi mababago ng sarili niya at isa na don ang mga paborito niya.

Sobrang nasaktan ang babaitang to sa nangyari sa kanya sa nakaraan.

Swerte ng lalaki hindi ko siya nakita kundi baka san kami umabot.

"Blythe san ka ba namalagi? " saad ko sa kanya

"Dito lang, hindi ako umalis ng bansa. Nandito lang ako all these years. Nakamove on narin ako sa gagong yun kaya handa na ulit akong humarap sa hinayupak" walang kabuhay buhay na saad nito.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now