CHAPTER 11(His Past)

629 20 0
                                    


Iyana's POV

" Sige pero uuwi tayo before 8 pm ok? " tipid itong ngumiti sakin

"Sure, thank you"

After 1000 hours

Nandito kami sa isang park, pero mukhang private siya kasi napakalinis ng paligid.

Naunang humiga si cyrus sa damuhan kaya umupo narin ako sa tabi niya.

" Ok ka lang ba? " tanong ko dito.

"Yeah" nakapikit na saad nito

"As usual nagsisinungaling ka pa rin" walang ganang saad ko

" Wala namang magbabago kahit sabihin ko sayo at tsaka ayokong kaawaan ng ibang tao ang kalagayan ko dahil matapang ang pagkakakilala nila sakin kumpara sa tunay na ako"
Saad nito at saka dumilat at tumingin sa kawalan

" Sabihin mo sakin dahil hindi naman matapang ang tingin ko sayo kundi isang duwag na lalaking na nagtatago sa sarili niyang maskara"

"Alam mo ba isa ka sa mga taong nakasilip ng totoong ako? Unang tingin mo sakin alam mong hindi ito ang totoong ako na siyang nakakuha ng atensiyon ko " saad nito at tipid na ngumiti.

" Madaling mabasa ang gaya mo Cyrus, manhid lang ang hindi makakakita sa maskarang suot mo" malamig na saad ko saka tumingin sa kalangitan

"Akala ko ba date niyo ni dark ngayon? " tanong nito

Oo nga pala, sinabi ko nga pala yun na may date kami ngayon.

Hindi naman seryoso ang sinabi ko eh -,-

"U-uhm, busy kasi ako ngayon kaya nawalan na kami ng oras" sige lang iyana, ipush mo lang ang kasinungalingan na yan.

"I see"

" Ok kana ba?" tanong ko

" Nope" tipid na sagot nito ba ikinagulat ko.

Himala nagsabi siya ng totoo.

" Gusto kong alisin ang maskara na to kahit ngayon lang, gusto kong makita mo ang totoong ako sa gabing ito " seryosong saad nito

"Hindi kaba natatakot na baka isa rin ako sa mga taong hindi mo dapat pagkatiwalaan? " saad ko dito ngunit simpleng ngiti lang ang isinagot niya.

"Takot. Yeah naranasan kona din yan " walang kabuhay buhay na saad nito

"Siguro kung hindi tayo nagkakilala sa ganitong pagkakataon isa siguro ako sa mga taong handang ingatan ka" saad ko at ngimiti ng tipid.

"Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Sa kahit anong paraan pa yan, masaya parin ako dahil nakilala kita"

"Sige na magkwento kana makikinig ako" saad ko sabay higa rin sa tabi niya

Huminga ito ng malalim bago magsalita.

"May isang bata na ubod ng bait kahit kulang sa atensyon at pagmamahal mula sa mga magulang niya ay nanatili parin siyang masunurin at mapagbigay"

Parang alam kona ending neto ahh.

" Years passed nawala ang mama niya at itinakwil siya ng papa niya dahil nakahanap na ito ng bagong asawa"

Ouch naman, mali pala hula ko -,-

"Halos naranasan ng bata ang lahat ng hirap pero ang nasa isip niya parin ay ang ama niya, paano niya mapapasaya ang nag iisang taong naiwan sa kanya"

Shems naiiyak ako. >Δ<

"Nagsikap ang batang yon at nagtrabaho para mabalikan ang papa niya , dahil nais niyang makita muli ang papa niya. "

My Naughty Girl Where stories live. Discover now