CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)

727 22 0
                                    

Iyana's POV

Ano gagawin ko dito?

Ahhh alam ko na.
Nung bata ako lagi akong binibaby para kumain eh

Sabagay mapait kasi panlasa ko non kapag may sakit ako.

"Knight, kain kana. Sige na, say ahh" mahinahong saad ko.

Bigla naman niyang kinuha sa kamay ko ang kutsara at pinipilit na sumobong mag isa .

Ok mapilit siya eh.

Pagkatapos niyang kumain ay pinainom kona ito ng gamot at dinala na sa kusina ang pinagkainan niya.

Ang hirap mag alaga ng may sakit! -,-

Bumalik ako sa kwarto niya after ng ilang minuto para tingnan ang kalagayan niya.

Binuksan ko ang ilaw para mas makita ko siya.

Alangan naman kapain ko lang yan -,-

"Huy knight ok kana? " saad ko at tiningnan ang kalagayan niya.

Shems! Bakit ganon?

Mas tumaas ang lagnat niya at mas nanginig ito sa lamig.

Sabi ko na nga ba!!

Sabi kona masama ang instant eh!

Ang kulit kasi yan tuloy.

"Yan tigas ng ulo" saad ko sa nakapikit na si knight

Naalala ko dati pinagluluto ako ni mama ng lugaw para mas madali akong makarecover.

Sige na nga!

Magluluto na ko!

Pasalamat ka mabait ako kung hindi nako!!

Bumaba ako sa kusina para magluto ng lugaw.

Hmm, kinuha ko ung bigas at nilagay sa kawali.

Wala akong makitang rice cooker kaya kawali nalang.

Ganon nakita ko nung minsan na dumaan ako dati sa kitchen ng restaurant ko eh.

Tapos, ano pa kaya?

Ahhh oo tubig!

Wait? Tubig ba yon o mantika?

Haist edi parehas nalang, magpapastress pa ko -,-

Kasi naman fried rice lang natutunan ko kay yayeng eh!

Tapos nasa office ko lang ako kapag nasa restaurant, kakatamad pumunta ng kitchen -,-

Malay ko ba -,-

Nilagyan ko ng isang baso ng mantika at isang baso ng tubig ang bigas.

Hmm, asin ! Maalat kasi ung lugaw na pinakain sakin ni mommy kaya may asin yon.

Hinanap ko ang asin kaso wala akong makita.

Ano ba naman to, parang asin lang eh -,-

Toyo ang nakita ko kaya yun nalang ang nilagay ko at kalahating kutsara ng paminta.

Pinainit kona ito pero a
Maya maya pa ay nagtalsikan na ang mga bigas .

Shems!! Ano ba namang buhay to.

Dali dali kong pinatay ang stove.

Haist konti nalang ang natira , nagtalsikan na lahat.

Sabagay kumain na naman si knight ng porridge kanina kaya siguro ok na to, dadamihan ko nalang ang sabaw.

Sumandok ako ng isang bowl ng sabaw kasabay ng natirang kanin.

Medyo weird itsura niya guys pero siguro ok na to.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now