Chapter 2

57K 1.4K 14
                                    

HALOS WALONG oras din ang itinagal ng biyahe ni Kalisz bago siya nakarating ng Maynila, kaya naman hapon na't nasa estasyon pa rin siya ng bus. She already felt tired and her body is craving for a bed.
 
"Saan na kaya 'yon," mahina niyang bulong sa sarili.
 
Mag lalabing-limang minuto na siyang nasa bus station at hinahanap ang dapat ay susundo sa kanya.
 
Kalisz is starting to get uncomfortable and annoyed with the people around her. Especially when few of them are looking at her brazenly. Some are looking at her with a grimace showing in their faces and others with amazement... 
 
Amazement in a contemptuous way just because of how she looks and dresses.
 
Hooman. Kalisz thought.
 
She could stare at them too. Contest with their nonsensical staring but she's too tired to do so.
 
Kalisz took a deep sigh and scan the area again looking for that person that would match the description given to her of the man named Kronack.
 
And to her joy and surprise, she saw someone. 
 
Isang lalaking matangkad at mukhang may lahing banyaga. May hawak itong placard at nakasulat doon ang initial ng unang pangalan at ang buong apelyido niya.
 
Ugh. Buti naman nakita ko na.
 
Mabilis siyang lumakad palapit dito habang hila-hila ang dalawang bagahe niya. Hindi na siya nag-abala pang pansinin ang mga taong nakukuha niya ang atensyon.
 
"Kuya, ako po si Kalisz Roman," pagpapakilala niya sa lalaki nang makalapit siya.
 
Tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa tapos ay ibinalik nito ang tingin sa mukha niya. Napakunot ang noo nito at sandaling natigilan bago ito nagtanong.
 
"May ID ka ba diyan, miss? Passport perhaps?" tanong nito. "I just want to make sure," he added.
 
Tumango si Kalisz at ibinigay dito ang ID niya.
 
Pinapanood ito ni Kalisz habang tinitignan nito ang ID niya. Agaw pansin ito sa lugar. Matangkad at gwapo ang lalaki. Matangos ang ilong nito at mapaghahalatang hindi ito purong Pilipino. Seryoso din ang mga mata nito at walang kangiti-ngiti ang labi. Pero sa kabila ng masungit na dating ng mukha nito ay marami pa rin babae ang mukhang interesado itong iuwi.
 
Hindi niya maiwasang mapangiwi ng makita ang ibang babae na parang sinisilihan at hindi mapakali. But what makes the scene funny to her is that the man seems oblivious to the attention. Or... he's used to it. Whatever it is, Kalisz doesn't care.
 
"Okay... come," he told her after checking her ID. 
 
He keeps the placard in his left hand and helped her with her baggage. "I'll bring this one. Follow me," anito at lumakad na.
 
Tahimik si Kalisz na sumunod dito. She could feel the envy glances from women as they walk towards the car that was parked not far from the bus station. It was an expensive car from a well-known automaker company— the Crown. A brand that sells multi-million dollars' worth of cars— mostly limited edition.
 
Hindi mapigilan ni Kalisz ang mapabuntong hininga dahil sa atensyon na nasa kanila. Aside from that, she's annoyed. Gahol siyang makasabay sa lalaki dahil matangkad ito at mahahaba ang biyas nito. Kumpara sa kanya na nasa 5'4 lang ang height.
 
When they reached the car he stopped beside the car trunk, opened it, and put her two traveling bags. Matapos nitong ilagay doon ang bagahe niya ay iginiya siya nito sa harapan at pinagbuksan siya ng pintuan sa passenger seat.
 
"By the way, we're not going to travel tonight to Crown Island. It's already late for that. It will take us five hours just to reach the pier by car and another thirty minutes to reach the island by Roro. We'll be staying in the Laventis hotel, don't worry about the charges it's already taken care of," mahabang paliwanag nito sa kanya.
 
"Okay... salamat," sagot ni Kalisz at isinara na nito ang pinto bago umikot papunta sa driver's seat.
 
Hindi siya kinausap ng lalaki habang nasa biyahe sila. Tahimik lang ito habang nagmamaneho. 
 
Walang kaso sa kanya, sanay siyang hindi nagsasalita lalong-lalo na kung hindi niya kilala ang kasama. The silence of someone who's stranger to her is something Kalisz always appreciates. Most often, people would try to start a conversation when left in a close area for a long period. But it seems like the man— just like her, doesn't find the reason to start a conversation.
 
Hanggang sa makarating sila sa sinasabing hotel ay nanatiling tahimik ang kasama niya. 
 
Hindi mapigilan ni Kalisz ang humanga sa hotel na pinadalhan sa kanya ng lalaki. 
 
In front of her is an enormously tall and beautiful building. She estimates it to have about ninety to one-hundred floors. From the outside, it looks very expensive and prestigious that Kalisz has a second thought if the charges are really not on her.
 
"Uhm... sigurado ka ba wala akong babayaran?" tanong niya sa lalaki.
 
Kalisz has to make sure. Well, she has the money but she's definitely not spending it on an expensive hotel. Specifically, a hotel that could cost every penny in her account.
 
"Yes, naka book na ang kuwarto mo. Tanungin mo na lang yung receptionist kung saan," he replied while searching something in his wallet at ng makita nito ang hinahanap ay inabot nito iyon sa kanya. "Here, give this to the receptionist."
 
He gave her a silver card. May koronang kulay gold na nakaguhit doon at numerong nakasulat.
 
"We'll leave your things here but bring what you think is important," pagpapatuloy nito at lumabas na ng sasakyan.
 
Umibis na rin si Kalisz ng sasakyan at tinungo ang trunk ng kotse na nakabukas na. Hinila niya ang isang traveling bag na naglalaman ng mga importanteng gamit bago niya binalingan ang lalaking nasa tabi lang at nakatingin sa cellphone nito.
 
"This is all that I want to take to my room," imporma niya dito.
 
"Mm-hmm," tugon nito.
 
Ilang sandali ang lumipas bago ito nag-angat ng tingin.
 
"Mauna ka na pumasok sa loob. Mamaya pa ako at may pupuntahan pa ako," saad nito.
 
Tumango si Kalisz. 
 
Hawak ang ibinigay nitong card ay tinungo ni Kalisz ang entrance ng hotel habang hila ang traveling bag niya. Nakita niya agad ang reception area ng hotel pagkapasok.
 
"Good evening, ma'am! How may I help you?" masiglang bati kay Kalisz ng babaeng receptionist. 
 
Tipid na ngumiti si Kalisz sa babae at inabot dito ang card na hawak. Kinuha ito ng babae at sandaling tinignan bago nito iyon i-sinwipe sa device na nakakonekta sa komputer nito.
 
"May I have your ID, ma'am?" 
 
Ibinigay ni Kalisz ang ID at mabilis rin nito iyong ibinalik.
 
"Okey ma'am. Sa 25th floor po, room 2515," inabot nito ang isang bagong card. "Your key to your room ma'am."
 
"Thank you, miss," Kalisz smiled kindly.
 
"You're welcome."
 
Mabilis siyang nagtungo sa elevator at pinindot ang 25th button ng makapasok. 
 
Exhausted Kalisz leaned against the wall while waiting for the lift to reach the 25th floor. And when it did, she weakly exited the lift and looked for her room which she found instantly. 
 
Kalisz swiped the card key and entered the room. And just like what she had guessed, the room looks expensive for a person that only earns a few thousand a month like her.
 
It has a one queen size bed facing the big glass wall overlooking the city of Manila. May tv din at L-shaped sofa with a coffee table in the center.
 
Linapag ni Kalisz ang gamit na dala. Maliligo muna siya bago matulog. Ang lagkit na ng pakiramdam niya.
 
She then took a short maroon-colored satin slip dress. Yup! It's clothing that is very unusual to find in someone's closet that has a fashion sense of someone's grandma. 
 
But the dress is very comfortable and light. It was too hard for her not to wear it for sleeping. Basta gusto niya ganito ang suot pagmatutulog siya. Wala namang makakakita sa kanya.
 
Kalisz was after bath and almost ready to call it a night when she heard her phone ring. Agad niya itong kinuha sa bag.
 
Auri calling...
 
"Hello Au," she greeted, tiredness lacing her voice.
 
"Hey Kalisz, are you already in the hotel?" Auri asked.
 
"Oo, katatapos ko lang maligo," sagot niya dito habang tinutuyo ang buhok gamit ang towel.
 
"Sino sumundo sayo?" narinig niya ang pagpalatak nito bago ulit nagsalita. "Nalasing pala si kuya kaya hindi ka nasundo. Sorry about it," anito.
 
"Okay lang may sumundo naman sa akin, hindi ko nga lang alam kung ano pangalan niya," imporma niya kay Auri.
 
"Baka si Lust."
 
Kalisz frowned. "Huh? Lust?"
 
"Yup! Yung sumundo sayo Lust pangalan no'n," sagot nito. "As in si pagnanasa," dagdag pa nito na natatawa.
 
"Aah..."
 
Kalisz was speechless. Sa lahat ba naman ng ipapangalan ng magulang 'yon talaga. 
 
Weird parents.
 
Mas lumakas ang tawa ng kaibigan niya sa kabilang linya. 
 
"Hulaan ko, hindi na naman nagpakilala yung lalaki na 'yon noh?"
 
"Hindi eh."
 
"Tsk. Tsk. Yung isang 'yon talaga."
 
"Okay lang naman. Hindi ko rin naman siya tinanong," aniya sa kaibigan.
 
"Hmm... alam ko naman di ka magtatanong. So... matutulog ka na ba?" maya-maya ay tanong nito.
 
"Oo eh, napagod ako sa biyahe at maaga ata kaming aalis bukas," Kalisz replied, yawning.
 
"Okay, okay. Good night. I could hear your yawn. Tumawag lang ako para kumustahin ka. Hintayin kita dito sa villa bukas, okay?"
 
"Sige, good night."
 
Nahiga na siya matapos niyang makipagusap kay Auri. Nag set muna siya ng alarm bago niya hinayaan ang sariling kainin ng pagod at antok.
 

Kronack CrownWhere stories live. Discover now