Chapter 9

51.2K 1.3K 290
                                    

"HOW LONG are we gonna spend our time at the sea?"

Narinig ni Kronack na tanong ni Kalisz sa kanya.

"An hour maybe?" he answered and stepped into his yacht.

Then he lend his hand to help Kalisz to get into the yacht and guided her to settle down on the seat before he goes to the cockpit.

"I want us to be back before lunch." Nilingon niya ito. "I don't want you skipping meals."

"That's so nice of you." Kalisz smiled.

Kronack just shrugged nonchalantly and smiled. "Ready?"

"Yes."

Nang marinig ang sagot ng dalaga ay binuhay niya na ang makina ng yate at umalis na ng marina. Hindi naman sila lalayo.

Ilang minuto nga lang ay pinatay na ni Kronack ang makina ng yate at tinignan si Kalisz na nagmulat ng mata at inilibot ang tingin bago tumayo.

"Let's spend some time here and chill," aniya sa dalaga at may kinuha bago sinundan si Kalisz na pumunta sa harapan ng yate kung saan pwedeng umupo at mahiga.

"What do you have?" Kalisz asked while looking at the paper bag and the cooler he was carrying.

"Beer for me, bottled apple juice, and green tea for you."

Inilapag niya sa paanan nila ang dala bago naupo sa tabi ng dalaga.

"I have also some junk food and sweets," he added.

Inabot niya dito ang paper bag at mabilis itong tinignan ni Kalisz ang laman.

Suminghap ito.

"Pretzels! My favorite!" Kalisz beamed and hugged the paper bag and looked at him happily. "Thank you! Thank you! Your the best!!!" she told him then goes to hug his neck.

Kronack was smiling at how Kalisz was very happy to see the food. Hinawakan niya ang braso nitong nakapulupot sa leeg niya at hinaplos.

Pinanggigilan siya nito na nagpatawa sa kanya ng mahina.

"Babe, you're choking me." Natatawang biro niya dito at pinulupot ang isang braso niya sa bewang nito.

"Thanks again!" Kalisz thanked again joyfully and kissed his cheek.

Parang tumigil ang oras dahil sa ginawa nito. Kronack cussed in his head for feeling giddy. Napailing na lang siya sa sarili at tinignan ang babaeng mukhang walang alam kung paano nito ginugulo ang isipan at puso niya dahil sa hindi mawaring dahilan.

Kronack stared at Kalisz intently who was starting to eat her pretzels. She looks adorable while eating her food. Mukha kasing ang saya-saya nito.

Pasimple niyang hinaplos ang pisngi na pinatakan nito ng mabilis na halik. It was a swift peck but he can still feel the warmness and softness of her lips. Like it's still there.

"Hmm... ang sarap!" Nilingon siya ni Kalisz. "Kronack gusto mo?" Tanong nito sa kanya.

Umiling si Kronack habang nangingiti bago nagbawi ng tingin at kumuha ng beer sa cooler.

"Okay... sabihin mo lang kung gusto mo bibigyan naman kita," anito.

"Feed me then," aniya sa boses na nagbibiro, but deep inside he really wants it.

Tumigil ito sa pagkain at tinitigan siya. He could see that she's checking him if he's kidding or not. Kaya pinaseryoso niya ang mukha.

"Okay..." Kumuha ito ng pretzels. "Here."

Iniumang nito sa kanya ang pagkain at walang pag-aalinlangan niyang kinagat. Sinadya niya ring mahinang kagatin ang daliri nito.

Napasinghap ito dahil sa ginawa niya.

Kronack CrownWhere stories live. Discover now