Chapter 34

40.3K 1K 103
                                    

"HELLO PO tita," bati ni Kalisz sa ina ni Kronack.

Sinalubong siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Kumusta? Hindi ba ako nakakaabala?"

Umiling si Kalisz. "Hindi po tita. Ano po sa 'tin?"

"Yayayain sana kitang samahan ako magshopping. Nabuburyo na ako sa bahay at wala akong mahila sa mga anak ko dahil busy sila," anito tapos ay nailing. "And they hate shopping."

"Pwede ko po kayo samahan wala naman ho akong ginagawa."

Dahil sa sinabi niya ay malawak itong napangiti at agad siyang hinawakan sa kamay at iginiya palabas ng bahay. Pinagbuksan sila ng tauhan ng ina ni Kronack nang makarating sa sasakyan. Isasara na sana ng isang tauhan nito ang pinto nang lumabas si Prius at tinawag siya.

"Tita sorry po. Pero saan kayo pupunta?" Prius asked Kronack's mother when he reached the car.

"Magsha-shopping lang iho. Bakit?" Nagtataka nitong tanong.

"Samahan ko na kayo," saad nito na ipinagtaka naming dalawa ng ginang.

"Why?"

"Raison de sécurité, 'ta," "Security reasons, 'ta," sagot ni Prius sa ginang at binigyan siya ng mabilis na tingin bago nito ibinalik ang atensyon sa kay tita Aleandra.

"Okay. I understand. Hop in then," wika ni tita Aleandra.

Nagtataka man at nag-iisip sa kung ano ang sinabi ni Prius ay hindi na nagtanong si Kalisz.

Pagkarating ng mall ay agad siyang hinila ni tita Aleandra patungo sa shop para sa mga babae. Tahimik naman si Prius na nakasunod sa kanila habang nagpaiwan naman ang tauhan ng ina ni Kronack sa sasakyan.

Two salespeople immediately assisted them when they entered the shop.

"Pili ka iha kung ano gusto mo." Binalingan nito ang isang sales lady. "Show her the best clothes you have," utos ni tita Aleandra sa babae.

Hinawakan ni Kalisz sa braso si tita Aleandra.

"Teka lang tita, wala po akong pera at hindi ko naman po kailangan ang bagong damit," nahihiya niyang wika sa ginang.

Hinawakan nito ang kamay niya at tinapik-tapik.

"Don't worry about it. Just look around and see if you will love something. And when you do find something we'll take it," nakangiti nitong sagot sa kanya.

"If you don't want from tita you can put it on Kron-"

Prius butted in but stopped mid-sentence when tita Aleandra gave him a sharp look.

"I took her here and I am paying everything for her," anito kay Prius na walang nagawa kundi magkamot na lang ng batok.

"Sige na iha mamili ka na. 'Wag kang mahihiya. Parte ka na ng pamilya. Kapatid ka ni Rage at inaangkin ka na rin ni Kronack," natawa ito sa huling sinabi na nagpangiti naman kay Kalisz.

"Sige po tita, kung 'yan ang gusto niyo," Kalisz conceded and followed the sales lady while tita Aleandra was assisted to another part of the shop.

Tinulungan siya ng babae na mamili ng damit. Paminsan-minsan ay hinahanap niya ang ina ni Kronack para tignan kung ayos lang ba ito.

Samantalang si Prius ay kanina pa nakaupo sa upuan na ibinigay ng manager ng shop habang tahimik na nagmamasid sa lugar hindi nito alintana ang mga babaeng nakatingin dito.

As Kalisz flips on the clothes that were displayed on the rocks she heard her phone ring. Nang kunin niya ito sa bulsa ng pantalon ay agad siyang napangiti ng makita niyang si Kronack ang tumatawag.

Kronack CrownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ