Chapter 38

44K 1.1K 340
                                    

KANINA PA hindi maiwasang hindi mapabusangot si Kronack. Mula ng dumating ang bubwit na bata ay kinalimutan na siya ni Kalisz.

Kasamang dumating ng bata sina Auri at Rage, na sobrang nasiyahang makita na gising na si Kalisz. Si Auri na rin ang nagpakain kay Kalisz at matapos itong kumain ay ibinigay na nito lahat ng atensyon kay Vegas.

"Tita Kalisz balik ka na ng Sundust," ani ng bubwit kay Kalisz.

"Nope. That's not gonna happen," Kronack can't help but intrude.

"Why not?" Kunot ang noo na tanong nito sa kanya.

"Because she's my wife already and we have our home here in the Crown," he reasoned out.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito tapos ay tinignan ang kamay ni Kalisz.

Fuck!

"Wala naman siyang singsing ah," the boy remarked and squinted his eyes on him.

"Well, boy, you see. A ring is a sign that a person is married, but it doesn't mean a person is not wearing one, she or he is not married. And it doesn't mean too that everyone who wears a ring in their ring finger is married," Kronack explained.

Ilang sandali itong tumitig sa kanya bago ibinalik ang atensyon kay Kalisz.

"Are you married, tita Kalisz?" tanong nito kay Kalisz na nakangiti.

Umiling si Kalisz bilang sagot sa tanong ng bata.

"Babe!" Reklamo ni Kronack.

"Hindi naman talaga. Why should I lie?" Anito.

"Hmp! Nangaangkin ka ng hindi sayo!" Supladong wika ng bata sa kanya.

Kinunutan niya ito ng noo. "Akin naman talaga siya ah!"

Tsk. Isasako ko na ito eh. Ang kulit ng batang 'to. Nasaan ba ang magulang nito?

"Kronack, what have you been sniffing lately?" Rage butted in.

"What the f-ck-"

"Kronack! May bata dito!" Saway sa kanya ni Kalisz.

Sinulyapan niya ang batang nakatingin sa kanya tapos ay ibinalik ang atensyon kay Kalisz.

"Sweet babe, mukha namang hindi bata 'yan kung makipag-usap," pagrarason niya.

Kahit noong nagpunta siya ng Sundust, parang hindi apat na taong gulang kung makipag-usap ito. He wouldn't answer him directly what he knew about Kalisz. Instead, he keeps on twisting the conversation that sometimes Kronack ended up being interviewed than the other way around.

"Well, kuyang imbistigador, it doesn't mean I'm a child, I don't know things. Just like, it doesn't mean your all grown-ups you know everything," tumaas ang gilid ng labi nito. "Diba kaya ka nagpunta ng Sundust para malama-mmh"

Mabilis na tumayo si Kronack at tinakpan ang bibig ng bata at nag-aalalang tumingin kay Kalisz. Who's now looking at him emphatically and questioning.

F-ck... this... Kinakabahang turan niya sa isipan.

"Cuddlebear..." Kalisz called him sweetly but in a way that sends chill.

Shit! I'm so dead.

Tinignan niya ang batang hawak na nakatingin lang din sa kanya.

Isako ko na kaya 'to?

"Let him talk," pagtatapos ni Kalisz.

Nag-aatubiling binitawan niya ang bata, pero habang ginagawa iyon ay mariin niya itong tinitigan sa mata. Warning him silently, using his eyes, not to divulge anything more than necessary. But it looks like it was ineffective when thereafter, the child started his story of the past like it was a f-cking action story.

Kronack CrownWhere stories live. Discover now