Chapter 31

47.8K 1.1K 65
                                    

INABOT NI Kalisz ang kamay ni Kronack para makasakay ng yate nito.

"Thanks, cuddlebear."

Kronack just swiftly kissed her on the lips in response and guided her to the main deck of the yacht.

Naupo siya sa sofa na naroon at pinanood ang paligid. Maraming naglalakihan at mga mamahaling yate ang nakapark sa marina. Malaki talaga ang lugar na ito at halatang puro mayayaman ang mga tao.

Maliban sa akin.

Napangiti siya sa naisip. Hindi siya mayaman pero nandito siya.

"What are you smiling, sweet babe?" Pansin sa kanya ni Kronack habang hawak ang cellphone nito.

"I just thought that the people here are mega-rich and can afford except me, but look- I am here," Kalisz said smiling.

"You have me, so why not," tapos ay may itinuro itong yate na kasing ganda at laki rin ng yate na pagmamay-ari ni Kronack. "See that yacht?"

Tumango siya.

"It's Rage yacht. You also have room in that yacht, untouched. And I'm sure Rage will not mind if you borrow his yacht sometimes," anito.

Namangha si Kalisz. Mukhang lagi siyang may espasyo sa lahat ng pagmamay-ari ni kuya. Mas lalo tuloy nilukob ng saya ang puso niya dahil sa mga bagay na ginawa at inilaan para sa kanya ng kapatid.

My brother really loves me.

"And that three yacht." Tinuro naman nito sa tatlong mas malaki na yate. "Is for our employees here in the Crown Island. They can't afford to have the luxury but we made sure to provide them," saad nito.

Wow, ang swerte naman pala ng makakapagtrabaho dito.

Ilang sandali pa ay gumalaw na ang yate at umalis na ng marina.

"Who's driving the yacht?" tanong niya kay Kronack.

"Lust." Tipid nitong sagot at tumabi sa kanya at patagilig siyang niyakap.

"Sino pa kasama natin sa yate?"

"The rest of my friend. They are upstairs," tugon nito at isiniksik ang ulo sa leeg niya at hinalik-halikan iyon.

Humigpit ang hapit ni Kronack sa bewang niya at magaan na kinagat-kagat ang gilid ng leeg niya.

Kalisz moaned in pleasure and the sudden heat that invaded her body.

"Kronack..." Paos niyang tawag sa binata habang kagat ang pang-ibabang labi.

"Babe..." Humugot ito ng malalim na buntong hininga. "I fucking want you so bad."

Sinilip niya ito at nakita niyang mariin itong nakapikit at nagtatagis ang bagang.

"You're horny again." Natatawa niyang komento kahit na nag-iinit din ang pakiramdam niya.

Nangmulat ito ng mata at suplado siyang tinignan.

"Don't laugh, sweet babe. I'll make sure this day will end with you under me, begging for more." Tumaas ang gilid ng labi nito sa isang pilyong ngisi.

Kalisz can't help but pinch his toned abs that earned a wince and groan from him.

"Babe! Aw!" Reklamo nito at hinawakan ang kamay niyang pinangkurot at pabirong kinagat.

"Don't smirk it irritates me," aniya sa binata na nakakunot-noo.

Ngumuso lang ito at iginiya siya para umupo sa kandungan nito. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito, at ipinalibot naman ng binata ang braso sa bewang niya at tahimik nilang pinanood ang dagat.

Kronack CrownWhere stories live. Discover now