Chapter 5

54.9K 1.5K 217
                                    

KALISZ IS rooted in her place; her mind is blank and doesn't know what to do. She knew her eyes widened as she looked back in shock at the homeowner.

The fudge! I'm just wearing my mini silk dress!

What on earth was she thinking going out to look for the kitchen to drink water without wearing a robe or changing her clothes?! How could a person sometimes be so stupid?

And another fudge! Why him?!

Of all people in this house, bakit siya pa! Pwede naman si manang o si Auri.

Tinitigan pa siya ng ilang sandali ng lalaki bago ito nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Sa kabila ng kaba na nararamdaman ay hindi napigilan ni Kalisz na pagmasdan ito.

He's wearing a white loose tank top and dark blue pajama cotton pants. Litaw na litaw ang muscles nito sa braso. Wala itong imik habang lumalapit sa kanya. She also refused to look at his eyes, but she had a glimpse of them. And it seems dark.

Pasempleng pinagkrus ni Kalisz ang dalawang braso sa dibdib para matakpan ang cleavage niya. Bakit ba kasi ang liwanag?! Kalisz feels so bare under the man's sharp gray eyes.

She caught him blowing a loud breath and coughed before asking in a very low and constrained voice.

"You're looking for something?" he asked.

"U-uhm... y-yes." Sagot niya dito habang nakayuko.

Hindi niya ito kayang tingnan. Nakakahiya. Mas nakakahiya pa 'to kesa kanina. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya dahil sa kahihiyan.

Tumikhim ulit ito. "You're looking for the kitchen?"

Tumango si Kalisz bilang sagot.

Narinig niya itong bumunot ng hininga.

"Come. I'll show you the kitchen," yaya nito.

Nagpatiuna na itong lumakad at walang nagawa si Kalisz kundi ang sumunod. Kung kaya niya lang, kakaripas na siya ng takbo pabalik ng silid niya. Kaya lang baka ano isipin ng lalaki. Siya pa naman may-ari ng bahay na 'to. Dalawang beses na siyang napahiya sa lalaking 'to, kung tatakbo siya ngayon dagdag na naman 'yon.

Kalisz mentally groaned.

Parang pagtumakbo siya pabalik ng silid niya magmumukha siyang pusa na hinahabol ng aso. Napalabi si Kalisz sa naisip. Ang layo naman ng lalaki sa aso.

Kalisz gritted her teeth to contain herself from groaning out of frustration. This situation is so stressful that her thoughts are getting stranger.

When they reached the kitchen, he turned around to face her, and Kalisz abruptly stopped.

"What do you want?"

Tumikhim si Kalisz bago sumagot. "W-water."

Tumango ito at lumapit sa ref. Ilinabas nito ang isang pitsel ng tubig bago kumuha sa cupboard ng baso. Ito na rin ang nagsalin ng tubig bago nito iyon inabot sa kanya.

"S-salamat." Medyo nanginginig ang kamay niya ng inabot ang baso ng tubig.

Buong pag-iingat siyang uminom dahil sa takot na masamid at muling mapahiya. Hindi rin nakatulong ang pakiramdam na pinapanood siya nito. Matapos uminom ay ibinalik niya dito ang baso na ng walang laman.

"Do you want more?"

Umiling siya bilang sagot.

Tumango ito at muling nagsalin ng tubig sa baso at ito naman ang uminom. Pigil ni Kalisz ang mapaawang ang labi dahil sa ginawa nito.

Kronack CrownWhere stories live. Discover now