Epilogue

71.3K 2.1K 478
                                    

PIGIL NI Kronack ang sariling pangigilan ang pisngi ng asawa niya ng mamula ito matapos ang sinabi niya. Nakaawang din ang labi nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Damn, she's really beautiful.

Napatingin siya kay Prius nang umungol ito na parang nagrereklamo.

"Seriously people?" Hindi makapaniwalang turan nito sa aming dalawa ni Kalisz bago naiiling na bumalik ng kusina.

"Y-you didn't say that..." Usal ni Kalisz sa kanya ng ibalik niya tingin dito.

Kronack smugly chuckles. "I did—"

Fuck! Dammit!

Napamura si Kronack sa isipan nang kurutin na naman siya ni Kalisz sa tagiliran. Tapos ay tumayo ito at pinagpapalo siya.

"Babe— aw! Babe stop! Shit!"

Mabilis niya itong niyakap at inalalayan dahil baka mawalan ito ng balanse dahil sa kakapalo sa kanya.

"Kronack nakakainis ka!" Inis na saad sa kanya ni Kalisz na yumakap na lang sa bewang niya matapos niya ito yakapin.

Mahina siyang natawa bago niya tinignan ang mukha nitong namumula sa hiya.

"Ugh! Nakakainis ka talaga! Nakakahiya kay Prius!" Ulit nito sa kanya at isiniksik ang mukha nito sa dibdib niya.

Hindi maiwasan ni Kronack ang mapangiti na lang.

"Don't mind him, babe. So... are you sleeping here in our house or Rage?" Tanong niya dito.

Pinalo nito ang tiyan niya bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at bumalik ulit sa pagkakaupo.

"May magagawa ba ako?" Inirapan siya nito. "Nakakahiya kina kuya at sa mga kaibigan niyo. Hmph!"

Kronack smiled widely. "Good to hear that." Niyakap niya ito mula sa likuran habang nakaupo ito at nag-umpisa ng kumain. "I love you very much, sweet babe," he said, kissing her covered shoulder a few times before planting one kiss on her cheek.

Binitawan nito ang hawak na kutsilyo at hinaplos ang panga niya.

"I love you so much, cuddlebear." Tumingin ito sa kanya. "Hindi ka ba kakain?"

Umiling si Kronack at naupo sa kanang bahagi ni Kalisz.

"Kakakain ko lang bago umuwi."

Tumaas ang isang kilay ni Kalisz sa sinabi niya.

"Saan?"

Agad na napangiti si Kronack ng maalala si Vegas.

"Niyaya ako ni Vegas sa McJolli. Nilibre niya kaming lahat. Uubusin niya raw pera ng kapatid ko." Natatawa niyang kwento kay Kalisz na mahinang natawa sa sinabi niya.

"Si Vegas talaga. Akala niya naman mauubus niya pera ng ama niya sa ganong paraan." Umiiling na saad nito.

Nagpatuloy ang pag-uusap nila hanggang sa matapos itong kumain. Agad niyang kinuha ang pinagkainan ni Kalisz at siya na ang naghugas niyon bago siya bumalik sa asawa na nakatingin na sa cellphone nito. Niyakap niya ulit ito mula sa likuran at ipinatong ang baba niya sa balikat nito.

Sumilip siya kung sino ka-chat nito at nakitang si Auri iyon at sinasabing medyo ma-lilate ang sundo nito dahil kay Rage.

Lihim siyang napangiti sa nabasa at tinignan si Kalisz na seryosong nagtitipa ng reply kay Auri.

Nang basahin niya ang reply nito ay nagtatanong ito kung anong oras makakarating si Auri.

It didn't take a while for Auri to reply, telling his sweet babe in two hours or so. That made Kronack grin in excitement.

Kronack CrownWhere stories live. Discover now