Chapter 16

47K 1.3K 71
                                    

INILAPAG NI Kalisz ang bag na dala sa sun bed bago naupo. Tapos ay tinanggal niya ang salamin na suot at itinago sa loob ng bag.

"Where do you want to swim Kalisz?" Tanong ni Auri habang hinuhubad nito ang suot na cover-up.

Kalisz glanced at the beach and then at the nearest pool. "Parang mas gusto ko sa dagat," sagot niya.

Parang ang sarap kasing magtampisaw doon dahil sa paroot-paritong alon.

"It's beach then. Iwan na lang natin gamit natin dito," wika nito at nag-apply na ng sunscreen lotion.

Tumango si Kalisz. Tinanggal niya na rin ang contact lens sa kanang mata at pasimpleng isinuyod ang tingin sa lugar kung marami bang tao at kung ano ginagawa nila.

Hmm...mukha namang may sariling mundo ang mga tao dito.

Kaya naman hinubad niya na ang suot na cover-up at nag-apply na rin ng lotion. Matapos ay sabay naming tinungo ni Auri ang dagat. Kahit maraming babae ang naka bikini sa resort ay hindi pa rin maiwasan ni Kalisz na mailang.

Nararamdaman niya ang pag-iinit ng batok niya, senyales na merong nakatingin sa kanilang dalawa ni Au.

"Come on Kalisz, relax," ani Auri nang mapansin ang pagkailang niya.

Inirapan niya ito. "Easy for you to say but hard for me to do."

Ngumiti lang ito bago nagkibit balikat at hinila siya patakbo.

Unti-unting nawala ang pagkailang na nararamdaman ni Kalisz ng tumagal na sila sa paglalangoy sa dagat. Ipinagpapasalat niyang walang lumalapit sa kanila ni Auri.

"Kumusta kayo ni kuya Kronack?" Maya-maya ay tanong ni Auri sa kanya nang umahon sila.

Napatigil si Kalisz sa paglalakad at napabuntong-hininga.

"I..." she trailed.

Kumusta nga ba sila?

"Fine, I guess." Nasabi niya na lang dahil sa hindi niya rin alam ang isasagot.

Tumaas ang isang kilay nito at tinignan siya ng may nangbabasang tingin. Dahil siguro sa hindi niya suot ang contact lens niya sa kanang mata ay nakikita nito ang lungkot niya.

The second reason she hated showing her real right eye colour. Madali kasi itong mabasa at mahirap magtago ng emosyon.

After a while, Auri sighed and her shoulder sagged.

"Sorry Kalisz, I can't help you with kuya Kron." Malungkot itong ngumiti. "Sarili ko, hindi ko rin matulungan pagdating kay Rage." Yumuko ito. "Masakit na nga Kalisz." Nababasag ang boses na wika nito.

Niyakap niya ito habang naiiyak para sa kaibigan at sa sarili niyang nalulungkot dahil sa pambabalewala sa kanya ni Kronack.

"Okay lang, Au. Hindi ko naman kailangan ng tulong." Mahinang boses na turan niya. "Saka wala naman kami ni Kronack. Mag...magkaibigan lang kami." Dagdag niya pa sa mababang boses.

"Pero may nararamdaman ka na para sa kanya," Auri certainly said.

Humiwalay siya ng yakap dito. "Maybe..."

"And you're hurting."

Mapait siyang ngumiti at tinignan sa mata si Auri. "Pain is my constant companion, Au. I'm used to it."

Tinitigan siya ni Auri pabalik.

"You told me that twice alread." Komento nito. "Pero ni minsan hindi mo naikwento sa akin ang dahilan ng sakit na lagi mong kasama."

"Darating din ang araw na 'yan, Au. Kung kaya ko na mag kwento." Tipid niya itong nginitian. "Halika na, we are here to enjoy, right? So, what's with the drama?" Biro niya dito para pagaanin ang sitwasyon.

Kronack CrownWhere stories live. Discover now