Epilogue

1.1K 73 11
                                    

EPILOGUE

NIANA'S POV






PAANO MO masasabing naging maganda ang buhay mo at naging magandang halimbawa ka sa ibang tao? Kapag ba naging kuntento ka sa mga bagay na meron ka? Kapag ba natuto kang maging masaya kahit sobrang hirap ng mga pinagdaanan mo? Kapag nakilala ka bilang mabuti tao?

Kailan mo masasabing successful ka na? Kapag ba natupad mo na ang mga pangarap mo? O kapag nakuha mo na 'yong mga bagay na akala mo imposible mong makuha?

The universe may remain constant in expanding over centuries, but time will always be limited.

Everything we see today is not guaranteed to be here tomorrow. Lahat ng bagay may expiration date. Kahit gaano mo pa gustong ma-delay ang oras, hindi mo na 'yon mapipigilan dahil nakatakda na ang panahon kung kailan 'yon titigil. Kaya habang may panahon ka pa, gawin mo na lahat ng kailangan at gusto mong gawin dahil kapag na-miss mo na ang lahat ng chances, tsaka mo lang maiisip na sayang.

Life is too short to work hard over little things. 'Wag mong pagurin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman dapat inaatupag. 'Wag mong gawing excuse ang pagiging mahirap kaya hindi mo nakuha ang mga pangarap mo. Hindi rin sapat ang pagiging mayaman dahil hindi nabibili ng pera ang pinaka-importanteng bagay sa mundo—ang oras.

Pagkatapos kong makita ang lahat ng mga mangyayari sa hinaharap, hindi ko alam kung paano i-eexpress ang mga nararamdaman ko. Mas nangingibabaw 'yong awa ko kaysa sa kaba.

Awa para sa mga taong maaapektuhan no'n.

Awa para sa mga taong masasawi, mawawalan ng mga mahal sa buhay, at babawian ng karapatan sa tahimik na pamumuhay.

Naaawa ako para sa mga sanggol na hindi na isisilang. Hindi na nila makikita ang mga lugar na nakikita ko ngayon. Hindi na nila mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin, hindi na nila magagawang tikman ang lahat ng pagkaing nanaisin nila, at hindi na nila mararanasang tumapak sa mundo.

Everything feels surreal for me.

But I don't have a choice.

Totoo man o hindi ang mga nakita ko, paniguradong isa sa mga 'yon ay mangyayari balang araw.

"Niana, are you okay?" Marahan akong tumingin kay mama bago tumango. "You can sleep if you want to. Mukhang napagod ka ngayong araw sa school," nakangiting aniya. Pilit akong ngumiti bago muling isinandal sa salamin ang ulo ko.

Nanatili akong nakatingin sa labas ng kotse habang umaandar ito.

Kanina pa lumubog ang araw kaya kanina pa ako nakatingin sa liwanag na nagmumula sa mga kotseng kasabay naming umaandar, sa mga nagtataasang buildings, at poste ng mga ilaw.

Kung tutuusin, ngayon ko na lang ulit nakasama ang mga magulang ko. Masaya ako kasi napunan na 'yong puwang sa puso ko. Nabawasan 'yong pangungulila ko sa ama. Pakiramdam ko, ito na 'yong pinakamasayang araw sa buhay ko dahil sa wakas nagkaro'n din ng oras para sa akin ang mga magulang ko.

Pero hindi ko kayang ngumiti. Hindi siguro sapat 'yong saya para magkaro'n ng kurba sa labi ko.

Tama.

Paano nga ba ako makakangiti kung alam kong ngayong gabi na matatapos ang buhay ko?

Ilang beses akong napapikit nang may ilang patak ng tubig na tumama sa salamin ng kotse. No'ng una, kaunti lang 'yon, hanggang sa dumami nang dumami.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon