XIII - False Alarm

631 69 24
                                    

It's been two days since the last time I met them all. Well, I heard that Hunter's squad was busy because they are receiving several mock battles. And one of the main reasons kaya hindi pa rin kami nagkakausap ulit.

I know what I did wrong kaya naman pinipilit ko siyang macontact noong mga nakaraang araw ngunit kada na lamang tatawag ako sa kanya ay nasa labanan sila. Palagi na lamang akong wrong timing.

Pero makikita ko sila mamaya dahil magkakaroon kami ng meeting about sa isang event sa laro, it's been two days na rin simula noong inumpisahan kong hanapin ang mga nakalaro namin sa unang mock battle ngunit kahit isang anino ng miyembro nila ay wala akong nahagilap. I'm actually curious about their shadow chaser, nais kong malaman kung anong nangyari rito.

"Ma'am, hindi po hayop 'yang carbonara para patayin niyo." Napaangat ako nang tingin dahil sa nagsalita, nahihiya ko naman na nabitawan ang tinidor na gamit ko sa pagkain. "Hindi pa rin kayo nakakapagsorry, Ma'am?" she asked.

"Alam mo, Mae, nananapak ako ng chismosang nurse." I jeered. Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko't nilapag ang isang makapal na patong ng mga papel sa 'king table saka umupo sa aking harapan.

"Minsan kasi ibaba rin ang pride, hindi ka naman detergent." Isang inis na tingin ang binigay ko sa kanya. Kinuha niya ang tinidor ko at sumubo sa carbonara na kinakain ko kanina, "Ba't iba ang lasa?" She asked.

"Ganyan talaga raw pagmakapal ang mukha ng kumakain," Tugon ko sa tanong n'ya. Muli na naman siyang natawa sa 'kin at binuksan ang isang pile ng mga papel na pinatong n'ya sa lamesa.

"Balita ko puro mock battle ang squad nina Hunter ngayon? Ang taas na siguro ng mga skills level nila." She said. Mae is actually one of my classmates in Phantom Academy, siya rin ang madalas kong kasama sa department namin before we graduated at ang ungas na ito ay sumunod din sa' kin. She even applied as my assistant. "So, who's the kid in their squad? I heard from my guildmates na may bagong mukha sa kanila."

"A new player, hindi ko rin naman masyadong nakakausap and the only thing that I know is her name.".

Umangat ang tingin n'ya sa 'kin, "Name?"

"Maerie Moissanite," I mumbled.

"Moissanite? Kapatid ni Eric."

"Kingina, sino si Eric?" Natatawa kong tanong, hinampas ni Mae ang braso ko at sinubuan ako bigla ng carbonara.

"Iyong lalaking nakapamboso sa'yo noon sa Danima." This time it was her turn to laugh. Inis na tingin ang muli kong binigay sa kanya habang humahagalpak siya.

"Saya ka 'te?" I grumpily asked.

She suddenly stops laughing when I angrily devour the food, "Ang laugh trip kasi, binugbog daw s'ya ng mga Zodiacs dahil nasa banyo siya noong bigla ka na lamang naligo."

"So, may contact ka sa kanya?" I asked.

"Wala, matagal na s'yang nasa abroad at do'n siya nagtatrabaho. Pero susubukan ko kung makakahanap ako ng info about sa kanya at ibibigay ko kaagad sa'yo."

"Okay, thank you,"

Saglit niya akong tinaasan ng kilay saka s'ya tumikhim, "Hoy, ha, swerte ka na kay Hunter. H'wag ka na humanap ng fling."

"What the hell are you saying?" I asked.

"Sabi ko kako ang swerte-swerte mo na kay Hunter—"

"Sinasabi mo bang hindi s'ya swerte sa' kin?" I asked. She suddenly pouted and awkwardly avoided my eyes. "Babawasan ko ang sweldo mo,"

"Pikon ka. Ubusin mo na 'yang carbonara mo para makapunta ka na sa meeting n'yo." Sambit n'ya. Mabilis ko naman na inubos ang kinakain ko saka inayos ang mga gamit ko, sa Celestial Kingdom pa rin naman kami magkikita-kita dahil do'n natutulog sina Maerie at Shan maging si Darren.

"Send me the report later, okay?" Paalala ko kay Mae. Tumango naman s'ya sa akin kaya't hinagis ko sa kanya ang susi ng opisina ko bago ako umalis.

Abala akong hinahanap ang susi ng sasakyan ko nang mapansin ko ang pamilyar na sasakyan, nakasandal din dito ang pamilyar na gwapong lalaki na malalim ang tingin sa akin. Naestatwa ata ako sa 'king pwesto dahil hindi ko magawang humakbang palapit sa kanya hanggang sa napansin n'ya iyon at kusa na siyang lumapit sa 'kin.

Nahihiya akong napaiwas nang tingin sa kanya nang ilapat niya ang kanyang labi sa 'king noo, "I'm sorry for not answering your calls properly." He whispered.

Nanggigilid ang mga luha ko nang bigla n'ya na lamang pisilin ang dalawang pisnge ko at pilit na hinarap sa kanya, "I love you," Hunter mumbled. Tangina, ang swerte ko nga.

"I'm sorry, nasaktan kita two days ago." I whispered. Mahina siyang tumawa at muli niyang hinalikan ang aking noo, "And I love you more,"

"Let's go?" He asked. I nodded, kinuha n'ya ang bag ko at gamit ang isang kamay niya ay hinawakan niya ang kamay ko.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng sasakyan, "Condo tayo later, pwede? Miss na kita at pagod na ako sa sunod sunod na mock battle na 'yan."

"Sure, basta ipagluluto mo ako,"

He suddenly pouted and began to drive, "Dapat ikaw ang nagluluto dahil may kasalanan ka sa' kin."

"Fine. I'll cook." I sighed. Alam kong hindi siya magpapatalo dahil ganoon siya kakulit.

Nang makarating kami sa Phantom Academy ay agad kaming dumiretso sa Celestial Kingdom, wala pa ang dalawang estudyante dahil may klase pa sila. Limang taon ang tanda namin kina Maerie at Shan. Si Shan ay nagtetake ng Computer Science samantalang si Maerie ay Accountancy. Sigurado akong nakakasundo ni Maerie sina Hunter dahil galing ito sa kursong iyon.

"Penge akong number n'ya!" Rinig kong maktol ni Zayn kay Travis, paulit-ulit niyang hinahampas ang ulo nito dahil sa gigil n'ya rito.

"Edi hingiin mo sa kanya," Travis said.

"E nekekeheye keye..." Gusto kong hampasin si Zayn ng bamboo tree dahil kaartihan n'ya. At kahit wala pang binabanggit na pangalan ay alam kong number ni Shan ang pinaguusapan nila, kinuha kasi ni Shan ang number namin at madalas namin siyang nakakatext.

"Kaso ekis ka pala kay Shan," Travis smirked. Naguguluhan na tumingin sa kanya si Zayn dahilan upang mapangisi rin ako, "Nevermind," pahabol pa nito.

Nagsorry naman sa 'kin sina Anikka dahil sa nangyari noong nakaraan at habang humihingi sila nang tawag sa akin ay hindi ko mapigilan ang pagngiwi ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa katawan ko.

At kasabay nang pagdating nina Shan ay ang pagtakbo ko sa C.R. hindi ko alam kung bakit sa toilet ako dumiretso upang iluwa ang kakaibang namumuo sa t'yan ko.

Ilang beses pa akong umubo hanggang sa masuka muli.

"OMG! ARE YOU BUNTIS?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Shan mula sa likuran ko. Trip n'ya talagang sinusundan ako e.

Hindi ko s'ya magawang masagot dahil nangangasim talaga sikmura ko ngayon at wala akong lakas upang makipagasaran sa kanya.

Narinig ko na lamang ang pag martsa ni Shan palabas sa banyo at nang umayos na ang t'yan ko ay nagtoothbrush muna ako bago lumabas sa rito. Nagtatakha akong nakatingin sa mga kaibigan ko dahil ang karamihan sa mga babae ay nanggigil ang luha.

"Ayos lang kayo?" I asked.

My eyes even caught Hunter's unexplainable expression. I wryly smiled at them, "Ayos lang ba kayo?" I asked.

Muli akong bumalik sa pwesto ko ngunit lahat sila ay pinapanood ang kilos ko, "Kaya pala ang grumpy mo noong nakaraan. Huhu," Thalia cried. Huh? Sinasabi n'ya?

"Plokplok pa more," Hallie cheered.

"Hindi kayo nakatiis," Austin joked.

"Basta ninong ako." This time it was Noah who spoke.

I tilted my head, I'm still dazed and confused. Kinuha ko ang cellphone ko dahil narinig ko na may nagtext dito.

"Scarlett, gumawa ako ng appointment sa hospital," Keigo said. He was darkly looking at Hunter, who was only pouting beside me.

Hindi ko sila gets.

It was a text message from Mae.

Mae:

Tangina mo, panis 'yung carbonarang kinakain mo kanina! Ang sakit ng t'yan ko. Hinayupak!

#

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon