XVII - Suspects

539 50 8
                                    

I can feel the pang inside my head. I slowly opened my eyes and noticed that I was in a perfect, cleaned room. I looked and saw an electronic clock attached to the wall, and it was already 1 o'clock in the morning. I've been out for almost 12 hours. Beside my bed was Mae's unconscious body.

I heaved a sigh. Hindi ko magawang makapagisip nang maayos lalo na't alam kong kakaibang laro ang nais ni Hyazinth. I know that Maddie was whom I saw before I passed out, but I cannot point her out. I don't have enough shreds of evidence to prove my claim.

Gusto ko rin malaman kung nasaan ang tunay na Raynald, alam kong tunay na tao ang nakakausap ko noong mga nakaraang araw. And now, I have three suspects— Darren, Raynald, and Maddie. Ang sakit isipin na maaaring isa sa kanila si Hyazinth, I don't want to doubt any of them, but I needed to be cautious.

"Ms. Flint?" I looked up when someone opens the door and switches on the light. "How are you feeling?" The doctor asked. I massaged my head and glanced in Mae's direction.

"Here," He handed me a glass of water, which I drink.

"What happened?" I asked.

May inabot siyang iba't-ibang litrato sa 'kin saka umupo sa silya sa tabi ng aking kama, "Those are the photographs at the scene earlier. It was a piece of classified information but knowing who you are alam kong mahalaga 'yan."

Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na nagrehistro sa 'king isip kung sino s'ya. He's one of Mae's guildmates. "Raynald De Guzman is missing, the authorities are now looking for him. Alam namin na hindi s'ya mentally stable pero he assaulted four people."

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya, palihim din naman s'yang sumisilay sa pwesto ni Mae. Tiningnan ko ang mga litrato na binigay n'ya sa 'kin and then fear began to lurk inside me. My trembling won't stop while looking at the photographs, hindi ko alam na gumawa pa s'ya nang pasabog pagkatapos namin mawalan ng malay ni Mae. The word 'Hyazinth' was written on the wall multiple times, it was not any ordinary ink. It was written with blood.

"It was your blood... Pati na rin ang dugo ni Mae at dalawang nurse na kasama n'yo." He stated. He was pointing to my arm, and it was covered with bandages.

I pursed my lips. Hindi ako makapag isip nang maayos at tila namanhid na rin ako upang maradaman ko ang kirot sa katawan ko.

"Are you scared?" He asked.

Marahan kong pinikit ang mga mata ko, hindi ako makapagisip ng tama ngayon. Everything looks surreal, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Here is your phone, hindi ko alam kung bakit nakapatay 'yan. Your friends might be worried about you by now." He handed me my phone, and then something popped into my mind, "Hey, Kristoff." I called.

"Hmm?"

"Scalpel? May nakita ba kayo sa scene kanina?" I asked. Kinuha n'ya sa akin ang mga litrato at pinakita ro'n ang isa at tinuro ang scalpel na may dugo.

"This one?" He asked, and I nodded. "If you are going to ask about a fingerprint or any DNA, iyong DNA n'yo lamang apat ang nandito dahil ito ang ginamit para sugatan kayo."

I frustratingly bit my lip. Walang kahit anong gloves s'yang suot, paanong mangyayari na walang ibang DNA bukod sa DNA namin?

"You should take a rest again," Suggestion n'ya ngunit umiling lamang ako. Hindi ko rin magagawang makapagpahinga kung ganito karami ang nasa isip ko ngayon at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin oras na madagdagan na naman ang problema ko.

"What is your class?" I asked.

"Sura,"

Bahagya akong natawa, "Kinareer mo talaga ang pagiging doktor," I joked. Pilit kong pinagagaan ang pakiramdam ko kahit malabong mangyari iyon.

"Are you confused? I mean, I know the rumors about this Hyazinth who stole the game... You must be confused right now pero don't dwell with it lalo na't isa sa side effect ng Ativan 'yan." I gently smiled and turned my cellphone on, saktong may tumatawag dito. Saglit akong nagexcuse kay Kristoff na bumaling naman kay Mae bago ko sinagot ang tawag.

"Hello—"

"Oh, fuck, finally!"

"Hunter—"

"What happened? Where are you? Damn, kanina pa kami tumatawag sa'yo pero nakapatay ang cellphone mo. Mababaliw na ata ako—"

"Nasa hospital ako," I stated.

"Inform me if you are going to work overtime—"

"I am the patient, Hunter." Pagkasabi ko niyon ay tiningnan ko kung on-going pa ang tawag dahil walang nagsasalita sa kabilang linya pero on-going pa rin naman ito. "Hunter?"

"What happened? Let me get my keys first! Hoy, Zach! Sumama ka sa 'kin!" Hunter said in the other line. I faintly smiled and gestured for Kristoff to tell me the room number.

"What?! Gagala tayo? Dude—"

"Pupuntahan ko ang fiance ko! Nasa hospital!"

"Hala, bobo na s'ya. Sa hospital nagtatrabaho si Scarlett-chan." Zach argued. Gusto ko talagang matawa sa kanila dahil napakaingay nila kahit madaling araw pa lang.

"She's the patient, now move!" Hunter commanded, naririnig ko ang mabibigat n'yang paghinga sa kabilang linya dahil para mapangiti ako. "Hi, baby, sorry for the commotion. Napakabobo kasi ni Zach."

"That's okay," I whispered. Sinandal ko ang sarili ko sa headboard ng hospital bed saka muling pumikit.

"Ipagdadrive ka na nga tapos sasabihan mo pa akong bobo," Zach hissed sa kabilang linya. "Ask her the room number,"

At bago pa magtanong si Hunter ay nagsalita na ako, "West wing, room 213."

"Baby, I'm coming—"

"Ugh, dude, language, please? Pati ba naman sa phone nagsesex—"

"Can you make Zach shut up?" I grumpily asked. Sobrang cute nila dati ni Zayn kaya favorite ko sila noon among all the Zodiacs pero habang tumatanda kami ay napapansin ko kung gaano sila kasakit sa ulo.

Ilang minuto ang hinintay ko bago nakadating sina Hunter sa hospital room namin, they even saw Kristoff and Zach greeted him. Mabilis naman akong sinugod ni Hunter sa nang isang maghigpit na yakap. "Fuck, I'm so worried." He exclaimed.

Bumaling si Hunter kay Kristoff, "What happened, Toff? Kung kay Scarlett ako magtatanong ay alam kong hindi sasagot 'yan nang maayos." Pinanliitan n'ya pa ako ng mata upang iparamdam ang mga salita niya.

"De Guzman attacked them," Kristoff stated. Tangina, hindi ko pa nasasabi kay Hunter na pasiyente ko ang isang 'yon.

Naguguluhan na tumingin sa akin si Zach ang Hunter dahilan upang iwasan ko ang mga mata nila, "Scarlett-chan?" Zach called.

I crooked. "Scarlett," Seryosong sabi ni Hunter, umupo siya sa higaan ko at pilit akong pinatingin sa mga mata niya.

Alam ko kung gaano s'ya kaseryos ngayon, his eyes were piercing as he looks at me. "Explain," at ngayon ay tipid na rin s'ya magsalita katulad ni Zeus.

"He... he is my patient..." I mumbled. Nabalot kami nang katahimikan pagkatapos kong magsalita, isang mahabang buntong hininga kumawala kay Hunter bago niya ipatong ang ulo ko sa balikat n'ya.

"Stop doing that. You have me, okay?"

"But what shall we do?"

#

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon