XXIII - Zircon's Secret

550 53 6
                                    

All of a sudden, we were filled with deafening silence. Her soft eyes were looking at me while smiling sweetly.

"Then, who the hell are you?" I asked. She suddenly snapped her fingers, and the surrounding suddenly shifted with different colors, and then she awkwardly laughed.

"Well, I don't have much power in the system right now. 'Yon lang ang kaya kong gawin sa ngayon." She whispered. Sinabi n'ya na siya si Hyazinth pero hindi ang bloody zircon and the only thing that I could think of— "Yes, dalawa kaming Hyazinth. I am the Hyazinth trapped inside the Danima, and the other Hyazinth is the corrupted one,"

"Corrupted?" I asked. Hindi ako ganoong kagaling sa mga technology para maintindihan ang bawat slang na ginagamit nila— Darren and Richard are the only geeks in our squad."Yes, I wasn't affected by the virus because I have protection,"

"Nakacondom ka, girl?" I joked. Bigla na lamang naging seryoso ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin, "Sorry, bad joke."

Tumikhin s'ya at muling bumaling sa akin, mas lalong naging seryoso ang mukha niya habang tagos ang tingin sa akin, "Are you doubting Darren?" she asked.

Iniwasan ko ang mga mata n'ya at tumingin sa walang katapusan na kulay putting pader, "I can prove his innocence,"

"How can I trust you? You are Hyazinth." I emphasizes the word 'Hyazinth' for her to understand what I'm trying to tell her. Pero ngumiti lamang s'ya sa akin, and it was softer than before.Hindi s'ya nagpapaawa sa akin, I can easily read people's trait, and she's clearly not asking for my sympathy. She was asking for my full attention upang tingnan ang mga detalye na nais niyang ibigay sa akin.

"Zircon Castle. The last room at the end of the left-wing, you'll find the answer, and it will also prove his innocence." She stated. Hindi ko alam kung magaling s'yang magsinungaling o sadyang tunay ang sinasabi n'ya.

She was asking me to sneak inside the Zircon Castle. I bit my lower lip. What lies in that room will answer most of my questions, and I can't let the chance slip away.

"The other Hyazinth... Alam mo ba kung anong itsura n'ya?" I asked.

Bigla siyang sumimangot sa akin saka pinagkrus ang dalawa niyang kamay, "I am here, remember? I'm not nasa labas. Stupid,"

Hindi ko alam pero agad akong nairita dahil sa pagtataray n'ya. Nais kong sampalin ang matabil n'yang bibig, "Ah, I remembered. The system was in your folder kaya ikaw ang nakatanggap ng text ko dati though it wasn't supposed to be sent to you." Text? I wryly smiled and remembered something, it was her and not Richard.

"Really..." I whispered.

"Ah, right, I have a clue about the other Hyazinth."

"What?"

"She's always watching—"

I wasn't able to hear what she was going to say when everything turned black.

The same bothersome feeling, nahihilo ako at nais kong magsuka. I wanted to curse everyone dahil sa kakaibang pakiramdam. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko habang may malakas na tumatapik sa aking gilid.

"Scarlett? Tangina ka," Richard scowled while looking at me. Ang isang palad n'ya ay nakalagay sa noo ko, "May sakit ka pero dahil makulit ka gumala ka pa rin. Nice one,"

"Tsk." Inayos ko ang sarili ko at sinimangutan s'ya. Kahit saang anggulo talaga ay napakapangit niya. "Kilala ko na kung sino 'yung nag-text sa 'kin dati."

"Who?" He asked. Hindi ko s'ya pinansin saka ako tumalon sa bintana ng kwarto n'ya. Narinig ko pa ang sunod-sunod na tawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko iyon pinansin at tinungo ko ang motor ni Zeus.

I checked it first bago ko ito pinaandar dahil lagot ako kay Zeus kapag nagasgasan ang minamahal n'yang motor, naalala ko bigla ang kaniyang paboritong plato na hindi ko sinasadyang mabasag. Ilang araw niya akong pinaringgan dahil sa pagsira ko sa plato— isang buwan din siyang hindi umimik niyon pagkatapos namin magkaayos dahil lagpas daw s'ya sa quota niya. Stupid.

Nang makarating ako malapit sa tapat ng bahay nina Darren ay kakaibang kaba ang sumakop sa dibdib ko. Umaga ngayon at alam kong hindi ganoong matibay ang security ng mga Zircon tuwing umaga. Tinago ko pa sa damuhan ang sasakyan upang hindi ito makita.

Nang makita ko ang gate ng Zircon Castle, may dalawang guwardya ang nando'n at tila abala sila sa pag-uusap. Alam kong walang asong security ang mga Zircon dahil allergy ang nanay ni Darren sa aso, mabilis ang ginawa kong pag-akyat sa gate na parang isang akyat bahay. Muntik pang sumabit ang pantalon ko sa gate, mabuti na lamang ay malupit ako at nakatalon ako paalis agad do'n.

Dumikit ako sa pader ng pamamahay nila hanggang sa makarating ako sa left wing ng Zircon Castle. Napansin kong nakabukas nang kaunti ang bintana sa huling kwarto, lumingon muna ako sa paligid bago ko muling ginamit ang powers ni Spiderman. Madalas naiisip ko na akyatbahay talaga ang profession ko kung hindi ako grumaduate.

At nang tuluyan na akong makaakyat ay ang madilim na kwarto lamang ang bumungad sakin. Napangiwi ako nang maalala kong wala akong dalang cellphone, hindi ko rin naman pwedeng buksan ang ilaw rito dahil malalagot ako.

Agad kong tinago ang sarili ko nang marinig akong boses sa hindi kalayuan bukod do'n ay may naririnig din akong ingay ng computer. I unknowingly walked to its direction and saw a door. Nawala ang boses dahilan upang dahan-dahan kong buksan ang pinto upang makita kung anong nasa loob.

I was stunned at my place habang nakahawak ang kamay ko sa aking bibig. Nakikita ko sa aking harap ang babaeng nakita ko sa loob ng Danima. She was sitting with many cords attached to her body, and a metal headgear was also attached to her head.Crystal Dawn Zircon.

It was written on her chair. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaction, this might prove Darren's innocence but... I can no longer think that a human is capable of doing this to his sister. He made his sister as some sort of experiment.

May narinig akong pagbagsak ng gamit sa gilid dahilan para mapalingon ako ro'n. Parehas kaming gulat na nakatingin sa isa't-isa ngunit nangibabaw sa aking mga mata ang pagkadismaya.

Hyazinth is always watching me.

That is what she was trying to tell me. And now, the woman who was always watching her is standing in front of me.

"Hyazinth..."

Shan Marfori.#

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon