Kabanata 4

1.8K 46 0
                                        

Sa sobrang kaba ko dahil sa text ni manager sakin kagabi ay maaga akong pumunta sa coffee shop at malamam kung bakit nya ako pinapatawag dito.

"Sir, ano pong problema?" Magalang kong tanong sakanya.

"Diba kahapon ay nanghihingi ka saakin ng pabor na pwedeng maaga kunin ang iyong sweldo?" Pagkukumpirma nya.

" Opo. Bakit po?" Curious kong tanong sakanya at may nilabas syang sobre.

Lapad palang ng sobre alam ko ng pera ang laman pero hindi ko sya pinangunahan. Hinintay ko sya na magsalita.

"10,000 yung laman nyang nasa loob sana ay makatulong yan." Mahinahon nyang sabi at namilog naman ang mata ko dahil sa lakiz

10,000?! Masyadong malaki yan parang ilang buwan ko na rin yang sweldo dito sa coffee shop. Baka nagkakami lang sya at hindi naman talaga para sakin iyon.

"Manager, malaki ata yang binibigay nyo saakin na pera." Nahihiyang kong sabi sakanya.

"Ewan ko ba sa pamangkin ko ang galante at ang galing mag first move." Pabulong nyang sabi at hindi ko naintidihan.

Napakunot ako sa sinabi nya dahil ang naintindihan ko lang ay ang galante pero di ko maintindihan ang sinabi nya dahil mahina ito

"Po? Ano yon?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala, iha kahit kailan pwede mo yan bayaran ikaw bahala basta ba ay nakaluwag luwag ka na." Mahinahon nyang sabi kaya napangiti ako ng tuluyan.

"Sigurado po ba kayo dyan? Hindi po ba tayo malulugi sa laki ng pera na pinapahiram mo sakin?" Dahan-dahan kong sabi.

"Sigurado ako. Gusto rin kasi talaga na matulungan kita." Nakangiti naman nyang tugon sakin

"Thank you po talaga." Masaya kong sabi sakanya at yumuko sakanya

"Sige na iha salamat sa pagpunta." Pagpapanapos nya ng usapan at ayon na rin ang sign para ako ay umalis

Kahit medyo naguluhan ako sa sinabi nya kanina ay nagpasalamat nalang ako tsaka ako lumabas ng nakangiti. Thank you po Lord, alam kong hindi mo kami pababayaan.

Hindi naman ako nag aksaya ng panahon ay dumiretso agad ako sa may padalahan ng pera. Ayoko kasi tumagal pa sa kamay ko ang pera baka mawala ko pa at problemahin ko pa.

"Good morning, miss!" pagbati saakin pagkapasok ko sa padalahan.

"Magpapadala po ako ng pera." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Paki fill-up nalang po ng form." Sabi nya at tumango naman ako.

Binigay ko na ang address na pagdadalhan ng pera at tinext ko na rin si mama para aware sya na nagpadala na ko. Bigla naman tumawag sakin si Pen pagkalabas ko ng pagdadalhan ng pera.

"Dahlia saan ka ngayon?" Pambungad na tanong ni Pen sakin.

"Nasa Pilipinas bakit?" Pilosopo kong sagot sakanya.

"Punta ka dito sa address na isesend ko sayo may birthday celebration iniinvite kita." Pagpapaliwanag nya kaya nanlaki mata ko.

"Bakit birthday mo ba? Sa pagkakaalam ko matagal pa bago ka mag birthday?" Nagtataka kong tanong

Gusto ko ngang matawa kasi hindi naman nya birthday pero sya pa ang nag-aaya sakin. Diba ang mag-aaya dapat ang may birthday? Baliktad na ba ngayon?

"Basta pumunta ka na ngayon na okay na yang suot mo ngayon tas tawagan mo ko kapag nasa lobby ka na bye punta na now na." Bossy nyang sabi kaya inirapan ko sya kahit di nya nakikita at binaba ko na.

Sumakay na ko ng taxi pinakita ko ang address at nagulat ako dahil isa sa mga pinakamahal na condo ang may birthday well they are all in upper class ako lang ang lower sakanila

Tinawagan ko agad si Penny para di ko na kailangan maghintay

"Pen, nandito na 'ko." Pagbibigay alam ko sakanya habang katawagan ko sya.

"Okay wait a minute pababa na 'ko." Sabi nya at narinig ko na ang tunog ng elevator.

Nilibot ko ang tanggapan ng condo at ang ganda ng interior nya halatang mamahalin talaga. Simpleng patalon at blouse na sleeveless lang ang suot ko tapos naka doll shoes lang ako.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita ko na ang aking kaibigan na naglalakad naka suot ng mamahaling dress naka suot ng alahas at make up

"Tara na ma akyat na tayo sa taas." Pag-yaya nya saakin kaya wala na akong nagawa.

"Sino nga ang may birthday? Wala naman akong dalang regalo tapos kain lang naman ang gagawin ko dito." Sabi ko sakanya at humawak sa braso nya.

"Pumunta ka lang sa birthday nya masaya na sya." Bulong nya pero di ko naintindihan.

Bat ba ganito ang mga tao ngayon hindi ko naiintindihan. Sumasakit utak ko sakanila. Bulong ba naman kasi ng bulong paano kami magkakaintindihan nyan.

Habang nakasakay kami ng elevator ay kinulit kulit ko sya kung sino ang may birthday pero secret na ngayon ang sinagot sakin habang kanina ay ang haba ng sinabi

"Tara na, nandito na tayo sa tamang floor."Sabi nya saakin at nauna na syang naglakad.

Pumasok sya sa isang unit na amoy agad ang pinaghalong amoy ng pabango at mga alak. Ang dami ring tao. Halatang maraming inimbita ang may birthday.

"Tara Dahlia upo ka dito." Pag aaya nya sa sofa kaya sumunod nalang ako sakanya at umupo sa tabi nya.

Maya maya ay nakita ko si Kylo at nagtama ang mata namin umiwas ako ng tingin.

"Bakit nandito si Ky—" Hindi pa ako tapos magsalita ng may sumigaw sa malapit sa amin.

"HAPPY BIRTHDAY BRO!" Sigaw ng lalaki at hindi ko naman nakita kung sino binati nya.

Napalunok ako dahil sa kaba ilang linggo ko rin sya hindi nakita tapos ngayon napakalapit namin sa isa't isa. Hindi malabong di kami magkasalubong.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Where stories live. Discover now