Kabanata 11

902 24 0
                                        

Pagkatapos kong umiyak kagabi ay nakatulog na ko dito sa upuan lang kaya medyo nangalay ang aking ulo kaya minasahe ko nalang ito gamit ang kamay ko para paano ay matanggal ang sakit.

"Anak hindi ka pa ba uuwi ng manila?" Bungad na tanong sakin ni mama.

"Next week nalang po." Magalang kong tanong at tumayo.

"Hindi pwede diba nag aaral ka tas may trabaho ka pa?" Pagpapaalala nya sakin.

Napaisip din ako dahil sa sinabi nya kaya sa huli ay napapapayag nya ako kahit nagpumilit ako na manatili muna ako dito. Buti nga binanggit nya ang pag uwi ko sa manila dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko alam kung saan ako magsisimula. 

"Ate uuwi na ko mamaya." Pagpapaalam ko kay ate pagkapasok ko ng kwarto nya dito sa ospital.

"Mabuti pa nga at bumalik ka sayang ang pag aaral mo. Lia tandaan mo kahit anong mangyari nandito lang ako palagi sayo. Kahit hindi mo ko kasama hindi pa rin kita iiwan. Kapag naman malungkot ka pikit ka lang at tumingin ka sa langit at gagaan ang iyong damdamin. Mahal na mahal ka ni ate tandaan mo yan." Dirediretso nyang sabi at napaiyak ako.

"Ate naman para ka namang mamaalam hindi ka naman mamatay at hindi ko hahayaan na mamatay ka gagawan natin ng paraan para mabuhay kayo pareho ng mga pamangkin ko tawag lang kayo saakin ni mama kung may kailangan kayo mahal ko kayong dalawa." Pinipilit kong buuin ang boses ko kahit alam ko na mababasag na ito kahit ano mang oras.

Lumabas na ko ng kwarto ni ate at sinamahan na ko ni mama. Gusto pa nga nya ako ihatid sa sakayan ng bus pero hindi na ako pumayag kasi baka kailanganin sya ni Ate.

"Anak salamat sa pagpunta mo dito alam kong hindi madali sayo ang pagpunta dito." Sabi ni mama at ngumiti sakin.

"Mama, wala yon basta kapag kailangan mo ng pera at kung ano wag kayong mahiyang magsabi sakin." Nakangiti kong sabi sakanya.

Pagkatapos non ay nagpaalam na ko at naghintay ako ng jeep at tsaka sumakay ng bus. Pagkaupo ko ay binuksan ko ang akong cellphone saktong tumawag si Pen.

"Pen?" Bungad na sabi ko.

"Gaga ka talaga bat hindi ka nagparamdam samin ng 2 araw." naiiyak nyang sabi at napangiti ako.

"Mami eto na oh pauwi na ko wag ka na sad." Masaya kong sabi sakanya.

"Uwi ka na dito yung jowa mo eto panay panay aral badtrip simula ng umalis ka hindi ka daw kasi nagpapaalam tas di mo sinasagot text nya." Pagkwekwento ni Pen sakin.

Totoo yun nung nag tetext at tumatawag si Kylo sakin hindi ko talaga sinagot dahil iniisip ko si ate at mama.

Nakaisip naman agad ako ng kalokohan at naiisip ko na kung ano ang magiging tugon nya. Alam naman ni Pen yung tungkol samin dahil nakita nya kaming magkasama.

"Pen sabihin mo kay Kylo may susunduin kayo sa terminal ng bus." Natatawa kong sabi sakanya.

"Sige sige wait loudspeaker ko." Sabi nya at maya maya ay narinig ko na ang background.

"Kylo tara sama ka may susunduin ako." Pag aaya ni Pen kay Kylo.

"Hindi pwede nag aaral ako diba?" Masungit nyang sabi.

Natawa ako ng mahina. Sorry na baby bawi ako sayo eto na nga uuwi na ko sayo.

"Sungit mo naman, kuya." Alam kong nakanguso si Pen habang sinasabi nya yon.

Natatawa ako sakanila ayaw kasi syang pansinin kasi nag aaral daw sya. Maniwala ako dyan. Wala naman na silang gagawin kasi binigyan sila ng pahinga.

"Ako bahala mapapasama ko to see you later." sabi nya at binaba na nya ang tawag.

Pagkatapos ng ilang oras ay nakarating na kami ng terminal at pagkababa ko hinanap ko agad sila Pen. Medyo maraming tao kaya nahirapan akong hanapin sila

"Dahlia!" Sigaw ni Pen kung saan kaya hinanap ko sya.

Napatigil ako kasi nakita ko na si Kylo nanlaki ang mata nya at niyakap nya ako bigla kaya napangiti agad ako sakanya. Hinahagod ko din ang likod nya.

"Ang sama mo talaga iniwan mo ko ng 'di nagpapaalam." sabi nya at binaon nya ang ulo nya sa leeg ko.

"Namiss mo ko love?" Pang aasar ko sakanya at ngumuso sya sakin.

"Oo sobra pa nag aaral na nga lang ako. Hindi kasi sinasagot lahat ng tawag at text ko kala ko naman may nagawa akong mali." Sumbong nya sakin.

Awww miss na talaga ako ng baby ko. Babawi nalang ako sakanya.

"Sorry kung hindi ako nagpaalam sayo. May biglang emergency kasi sa bahay namin sa probinsya. Na ospital si ate kaya kailangan kong tulungan si mama." Pag eexplain ko sakanya at nakatitig na sya sakin. 

"Okay na ba sya? Or may kailangan pa?" Tanong nya at kita ko naman ang pag-aalala sakanya 

"Okay na sya. Pwede na nga syang makalabas. Sadyang umuwi na ako kasi diba may pasok pa edi ang dami ko ng liban baka ma drop na ako nyan." Natatawa ko namang sabi para naman gumaan loob nya. 

"Uwi na tayo?" Tanong nya at nilahad nya ang kamay nya sa akin.

"Tara na lets go home na. Napagod ako sa byahe." pag aaya ko sakanya pero nakayakap pa rin sya sakin.

"Ehem! Nandito pa ako lovebirds. Nakakasama na talaga ng loob ah. Buti pa si Kylo may lambing pagkatapos mag-aral ba't ako wala nag-aaral din naman ako." Singit ni Pen.

"You're my home." bulong nya sakin at pinamulahan agad ako shet namiss ko tong feeling na to.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Where stories live. Discover now