Kabanata 12

935 28 0
                                        

"Ano magyayakapan nalang kayo dyan?" Naiinis na sabi ni Penny at nakalimutan kong may kasama pala kami.

"Hi, Penny miss you na." Malambing kong sabi sakanya habang si Kylo nakayakap pa rin sakin.

"Ang sakit nyo sa mata hoy mga lalaki kunin nyo nga tong kaibigan nyo." Utos ni Pen sa mga kasama nila at tinignan ko sila I remembered him sa coffee shop.

Nagulat naman ako dahil kala ko silang dalawa lang ang magsusundo sakin pero may kasama pa pala silang iba. Sumunod naman silang 4 na nasa likod ni Pen at hinila palayo sakin si Kylo. Kaya naiinis sya sa mga kaibigan nya.

"Tara mall tayo libre ni Kylo." Paladesisyon na sabi ni Penny at kunot noo tinignan ni Kylo ito.

"Anong libre ko?" Naguguluhan tanong ni Kylo.

"Wala libre ni Kylo tara na." Sabi ni Pen at hinila na ko sa kamay.

Habang ang mga lalaki ay nagtatawanan sa likuran namin at nakaakbay kay Kylo. Hindi sya yung tipong lalaki na nababasa ko sa libro kapag may libreng oras ako, yung malamig ang pakikitungo sa iba pero sya mabait talaga kung kailangan mo ng tulong at kaya nya ay gagawin nya talaga.

"Sinong uupo sa harap?" Tanong ng isa nyang kaibigan di ko alam name.

"Si Kylo sa harap." Mabilis na sabi ni Penny at sinamaan naman sya ng tingin ni Kylo.

"Tara na, parechong." sabi ng isa sya ata mag dridrive at hinawakan pa kamay ni Kylo.

Inaasar kasi nila si Kylo kasi nga diba tatlong araw kaming di nagkita at sabi nya sakin ay gusto nya akong katabi pero sya ata ang trip ng mga kaibigan nya kaya ayan.

"Gago ka Dashiell bakla ka na ba talaga? Crush mo na ko?" Natatawang sabi ni Kylo at hindi pa rin sya binibitawan ni Dashiell.

"Paano pag sinabi kong oo? I love you Kylo!" Pinabakla nyang boses na sabi.

"Tangina Dashiell lumayo ka sakin kinikilabutan ako sayo." Naiinis na sabi ni Kylo at mas lalong hinigpitan ang hawak ni Dashiell kay Kylo.

"Ano mag uusap lang tayo dito sa labas?" Naiiritang sabi ni Penny.

"Tara na nga." Sabi ng nasa likod ko at nauna na syang pumasok sa loob.

Sumunod naman kami sa kanya at umalis na rin ang sasakyan pero napapiling nalang ako sa kakulitan nilang magkakaibigan.

"Hi I am Dashiell." Panimulang bati sa akin ni Dashiell at nginitian nya ako.

"Tristan. " Malamig na sabi ng nasa likod ko.

Damn ramdam ko yung lamig ng boses nya shet. Hindi ko alam kung kakayanin ko kasama yung ganyang kalamig ang boses baka matitigan lang kami buong araw.

"Hi I am Elijah." Masayang sabi ng katabi ni Penny.

Kung ano naman ang kalamig boses ni Tristan eto naman ang kabaliktaran nya. Nararamdaman ko na friedly sya.

"Payton" Sabi ng katabi ni Kylo at nakapikit pa ito.

"Ako pala si—" hindi ko natapos ng sumigaw si Tristan.

"Kilala ka na namin Dahlia Phaedra Addison." Banggit nya sa buong pangalan ko at nagulat ako don.

"Paano nyo nalaman?" Natataka kong tanong at nakatinginan silang lahat.

"Iniistalk ka ni Kylo." Panunumbong ni Dashiell saakin.

Si Kylo naman naka earphone siguro nagpapatugtog.

"Ayan hindi nakikinig si Kylo dapat dito binubuking." Malakas na sabi ni Payton at alam kong rinig iyon ni Kylo.

"Diba naaalala mo yung sa coffee shop?" Panimula ni Dashiell.

"Kami yung bumili specifically ako." Pagtutuloy naman ni Payton.

"Tas pangalan mo nakalagay kung iisipin mong aksidente lang na "Lia" pinalagay ko ay nagkakamali ka." Pagbubuking ni Elijah.

"Plano ko talaga yon gusto ko kasing asarin nun si Kylo at alam mo ba namula ang gago kong kaibigan ano ginawa mo dito patay na patay sayo." Natatawang sabi ni Dashiell at nagsitawanan na silang lahat.

"Happy? Happy? Happy? Happy?" Biglang salita ni Kylo at humarap samin tsaka itinaas ang thumbs up nya.

"Oo happy may magagawa ka ba?" Masungit kong sabi at tinaasan sya ng kilay kaya ngumuso nalang sya.

"Wala ka pala eh." Asar ng mga kaibigan nya sakanya.

"Pagpasensyahan nyo na si Kylo gutom ata yan." Natatawa kong sabi sakanya.

Tinawanan namin sya pagkatapos non at mabilis na rin kaming nakarating sa kakainan.

"Ayan nanaman po sila opo sakit nila sa mata." Pagpaparinig ni Pen at naunang naglakad samin.

Nakahawak kasi si Kylo sa bewang ko sanay na ko dyan kala mo naman ay palagi ako nawawala sakanya.

"Wag mo ng pansinin si Kylo baka bawiin libre natin." Pagpapaalala ni Dashiell kay Penny.

" Sige ituloy nyo yan hanap na rin kayo upuan tsaka kayo maglambingan." Paguutos samin ni Penny at tumango nalang kami.

Madali makahanap dito dahil wala masyadong pumupunta at maya maya ay nandito na din sila.

"Ano kayo?" Tanong ni Dashiell.

"Tao." Confident na sagot ni Kylo sa tabi ko at tsaka umakbay sa upuan ko.

"Friends." Sagot ko rin at nanlaki mata nila at tumawa ng malakas.

"Baka naman more than friends without label." Sabi ni Penny at nakatitig samin.

"Ewan ko dyan sa kaibigan mo ayaw pa rin akong sagutin alam ko naman na mahal na nya ako." Sunod sunod na sabi nya at namula mukha ko.

"Kapal naman ng mukha mo. Ang hangin mo." Sabi ko nalang pero totoo naman sinabi nya para lang hindi halata.

"Nanliligaw palang? Kala ko kayo na kung umasta kayo parang magjowa." Natatawa nyang sabi.

Marami kaming pinag usapan habang hinihintay ang pagkain at tawa ako ng tawa sa kakulitan nila.

"Ang swerte nyo sa isa't isa kasi nagpapakatotoo kayo sa sarili nyo hindi kayo katulad ng iba na manliligaw palang puro mabubulaklak ang mga sinasabi tapos puro bigay ng regalo." Mahaba nyang sabi at na touched ako dun.

"Kapag nagmahal ka dapat ipakita mo lahat ng bad sides mo dun mo malalaman kung mahal ka nya talaga." Sabi ko sakanya at ngumiti.

"Bakit naman?" Nagtataka nyang tanong sakin.

"Kasi hindi nya lang dapat good side mo ang tanggap nya at dapat both. Kapag hindi ka nyan iniwan mahal ka talaga nyan." Sabi ko sakanya.

Humigpit ang yakap ni Kylo sakin nakapatong kasi ulo nya sa balikat ko tas natutulog sya. Nabalitaan ko kasi ay nag aaral sya this fast few days siguro lilipat sya ng school pero di ko pa natatanong.

"Sana all may Kylo pero seryoso bagay kayo sa isa't isa sana kahit may malaking problema kayong pagdaanan pag usapan nyo at kapag nawalan na ng spark ang relasyon nyo magsimula ulit kayo wag kayong bibitaw alalahanin nyo kung paano kayo nagsimula hanggang sa bumalik." Seryoso nyang sabi at lumambot puso ko don.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Where stories live. Discover now