"Dahlia, inom ka muna." Sabi ng kakarating lang ni Penny mula sa kusina at may dalang dalawang drinks.
Inabot nya sakin ang drinks at lumingon lingon nawala na agad sa paningin ko si Kylo siguro nakihabilo na ito sa ibang tao.
"Hindi 'to hard ha may pasok pa ako bukas." Pagpapaala ko sakanya.
" Oo 'di yan hard maniwala ka sa kaibigan mong maganda." Natatawa nyang sabi.
"Penny, sino pala ang may birthday para namang walang bumabati o cake na hihipan ang taong may kaarawan ngayon?" Nagtataka kong tanong sakanya.
"Hulaan mo kung sino basta kilala mo promise and after this party you will thank me kasi sinama kita dito." Mahaba nyang explanation kaya napakunot naman ako ng noo sakanya.
Why would I thank her because she invite me here nakakahiya nga kasi wala man lang akong dalang regalo sa may birthday ngayon tas tong kaibigan ko na to hindi man lang sinabi ng maaga.
"Dahlia yung pera palang hinihiram mo saakin eto na."Pambabasag nya ng katahimikan at may kinuha sa mamahalin nyang bag.
"Pen hindi 'ko na kailangan ng pera kasi pinahiram na 'ko ng boss 'ko tapos ang bait nya kasi sabi nya anytime ko daw pwedeng bayaran." Pagkwekwento ko sakanya.
" Magkano pinahiram sayo ng boss mo?" Curious na tanong sakin ni Penny habang ang buong atensyon nya ay nasa akin.
"10,000 sobra sobra pa nga yan di ko alam bat ganyan kalaki sobrang bait nya."Nagtataka kong sabi sakanya at nanlaki naman ang mga mata nya.
"Ang galante nga naman ng gago kala ko yung isa lang yung in demand pareho lang pala." Nababaliw nyang sabi at tumawa pa.
Sana po okay pa si Penny. Hindi naman sya kulang sa aruga nandito naman ako mahal naman sya nila Tita.
"Hoy nababaliw ka na ba? Okay ka lang? Ano bang sinasabi mo dyan?" Naguguluhan kong tanong sakanya at umuling nalang sya.
Nagpatuloy ang party dito at lalong nagiging wild habang gumagabi dahil na rin sa maraming dumadating na mga bisita siguro maraming kaibigan yung may birthday kaya ganito.
"Penny baba lang ako punta ako sa garden." Pagpapaalam ko sakanya habang may kausap sya at mukhang schoolmate nya ito.
Napalingon naman sya sakin. Medyo namumula na rin sya kasi mas malakas pa syang uminom saakin pero halata sa mukha nya na sanay na sanay na sya sa mga ganito.
"Alam mo ba kung saan yung garden?" Tanong nya sakin at ngumiti ako sakanya sabay tango.
"Nadaanan ko sya kanina bago ako pumasok kanina" Sabi ko sakanya at tumango tango sya at senyales na yon para lumabas na ko.
Buti nalang memorize ko yung dinaanan namin kanina. Medyo malayo layo ito pero keri lang tour na rin ito nang makarating na ko sa baba ay dumiretso na ko sa garden at saktong may bench na walang tao nakaupo I can have time for myself.
Habang nagmumuni muni ako ay may biglang umupo sa gilid ko at napalunok ako kasi hindi ko sya inaasahan na nandito sya.
" Hi bakit ka bumaba dito?" Nagulat ako sa pagtatanong nya at napatingin sya sakin kaya nag iwas ako ng tingin sakanya.
"Hindi ako sanay sa maingay at sa mga party na ganito. Gusto ko rin kasi mag isip isip dahil sa mga nagdaang araw napagod ako di lang physically also mentally." Pagkwekwento ko sakanya.

YOU ARE READING
Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)
Teen FictionScars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything to reach it. Dahlia is also a breadwinner in her family. When she met Kylo Adair, Her life changed. H...