Ang sakit ng ulo ko kinabukasan shet hindi ko feel pumasok kaya naisipan ko nalang na magbigay ng excuse letter bukas kasi kung pipilitin ko lang din pumasok ngayon ay wala rin akong matututunan.
Bigla naman tumawag si Pen at sinagot ko naman agad ito kahit nakahawak ako sa ulo ko.
"Dahlia asan ka?" Bungad na tanong nya sakin.
"Duh syempre nasa bahay." Sarcastic kong sabi sakanya.
"Gaga ka iniwan mo ko kagabi." Naiirita nyang sabi sakin.
"Syempre nag eenjoy ka alangan naman na pigilan kita ang saya saya mo." Sabi ko sakanya.
"Ay sorry na wag ka na magalit baka pumuti lalo buhok mo." Natatawa nyang sabi.
Marami kasi akong puting buhok kaya ganyan sya mang asar. Sabi sakin ni nanay kapag tinatanong ko sakanya bakit marami akong puting buhok wala rin syang sagot pero pinaalalahanan nya ako na wag magpakulay ng buhok.
"Sumasakit ulo ko sayo Penny." Naiinis kong sagot sakanya.
"Epekto yan ng ininom mo kagabi." Pagrarason nya sakin.
"Sige na bye na papahinga ako." Pagpapanapos ko sa usapan namin at binaba ko na.
"Gusto mo dalhan kita ng soup para sa hang over mo?" Tanong nya sakin.
"Wala ka bang pasok at ang dami mong time?" Balik kong tanong sakanya.
"Mamaya pa naman akong hapon papasok kaya okay lang. Sige ha punta ako dyan. Eh, ikaw? Ba't wala ka sa school ngayon?" Sagot nya sakin at binababa na nya agad.
"Hindi ko nga kaya. Bye na. Sumasakit nanaman ulo ko."
Nakahiga ako ngayon dito sa kama at pumikit damn ang sakit ng ulo ko. Maya maya ay may kumatok sa pinto ko.
"Sino ba yan ang aga aga?" Naiinis kong sabi at binuksan ang pinto.
"Good Morning Phaedra!" Nakangiting sabi sakin ni Kylo.
"Hi, what are you doing here?" Nagulat kong sabi sakanya.
"Tatambay or labas tayo? My treat" Sabi nya sakin at ngumiti pa sya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Ang daming tanong sa isip ko. Like paano nya nalaman na nandito ako sa bahay? Paano nya nalaman kung anong address ko? Wala ba syang pasok? Bakit ba ang daming time ng mga tao ngayon? Hindi ko na rin maintindihan.
"Labas nalang tayo? Para mawala na rin yung sakit ng ulo ko." Diretso kong sabi at tumango tango sya sakin.
"Go take a bath.I will wait for you here." Nakangiti nyang sabi.
Tumakbo na ko sa cr at mabilis na shower lang ang ginawa ko kasi nakakahiya kay Kylo kung paghihintayin ko pa sya.
"Kylo tara na." Pag aaya ko sakanya pagkalabas ko ng kwarto.
"Ang bilis mo ata." Pagpansin nya.
"Oo para hindi ka maghintay ng matagal nakakahiya naman." medyo natawa kong sabi.
"No problem kung maghintay ako." Nakangiti nyang sabi at kinuha nya bag ko.
"Thank you." Pagpapasalamat ko sakanya.
Sumakay na kami sa kotse nya at naglagay ng seatbelt.
"Kain na muna tayo?" Tanong nya sakin.

YOU ARE READING
Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)
Teen FictionScars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything to reach it. Dahlia is also a breadwinner in her family. When she met Kylo Adair, Her life changed. H...