"Sino yun?" Curious nyang tanong at nanlamig ako.
Napapikit ako dahil di ko alam ang sasabihin ko para akong may ginawa na krimen kahit wala naman talaga.
"Wala ka na don." Malamig kong sabi at lalampasan ko na sana sya kaso hinila nya ulit ako.
"Ano ba talagang nangyari satin? Nagising nalang ako na hindi na kita nakakausap? May kulang ba ko?" Basag na boses nyang sabi at napatakip ako sa bibig ko.
"Hindi sinabi sayo ni Shane?" Tanong ko sakanya.
"Anong sasabihin nya?" Pagbabalik nya sakin ng tanong.
Tinignan ko sya at huminga ako ng malalim. Siguro eto na yung tamang panahon para malaman nya lahat. Hindi naman talaga maiiwasan ito atsaka matagal ko ng pinaghandaan ang pagtatagpo namin na ito.
Hindi pala ganon kadali kasi kapag nandyan na sa harap mo ay mapapatameme ka nalang at hindi mo alam kung saan ka magsisimula
"December 25, tumawag ako sayo ng gabi at babatiin kita sana kaso si Shane sumagot sabi nya sya daw girlfriend mo at pinaglalaruan mo lang ako pero hindi ako naniwala kasi alam mong may tiwala ako sayo." Pagkwekwento ko sakanya.
"That's not true." Napapailing nyang sabi at humakbang sya pero umatras ako.
"Listen to me first I am not done yet. Don't step forward please. Tapos tumawag ako sa mama mo baka lang alam nya kung anong ginagawa mo na baka na misplaced mo phone mo pero sinagot ng mama ni Shane tas narinig ko si Shane na sinabi na nagproposed ka na sakanya." Naiiyak kong sabi sakanya.
"Fuck sabi ko na nga ba sayo nanggaling yun hindi sa kaibigan ni Dustin kasi wala syang kakilala don." sabi nya sakin.
"Pero alam mo yung pinakamasakit Kylo kinabukasan si mama at ate pinatay dahil hindi sila nakapagbayad ng utang nila tangina lang kasi sabay sila ubos na ubos na ko ng mga panahon na yan. Hindi ko alam kung sino lalapitan ko nung mga panahon na yun. Di ko alam kung anong ginawa kong masama to deserve all the pain." tuluyan ng tumulo luha ko tas napaupo ako sa sahig.
Naalala ko nanaman yung panahon na nakita ko ang katawan ni nanay at ate na walang malay. Malamig ang mga kamay nila. Habang ako hindi ko alam ang gagawin ko.
"Love..." Nahihirapan nyang sabi at namumula na ang mat nya.
"Alam mo kung sino pa yung pinagkukunan ko ng lakas sya pa yung iiwan ako." Nakatingin kong sabi sakanya.
"I didn't know kung sana alam ko umuwi ako dito." Malungkot nyang sabi.
"But I will not let you go home I told you right reach your dreams even I am not beside you, you promise me." Umiiyak kong sabi.
"Pero paano naman ikaw? Palagi mo nalang akong iniisip at nakakalimutan mo ang sarili mo. Nandito naman kasi ako bakit ayaw mong sabihin lahat ng sakit at problema mo sabi ko naman sayo diba problema mo problema ko rin ang hirap bang intindihin yun Dahlia." Naiiyak na din nyang sabi.
"It's okay. Tapos na yun." Sagot ko nalang sakanya.
"I want to know. Kahit hindi na tayo matulog buong araw basta makwento mo lang okay na sakin." Sabi nya sakin.
Pareho na kaming nakaupo sa lapag habang magkatabi kami.
"Nung araw na pumasok ako sa med school ko may tumawag na police sakin ang sabi ay may pumatay kay nanay at ate dahil may utang daw sila. It is so cruel. Gusto kong ipakulong ang may gawa kaso ang sabi ay malinis daw ang pagkagawa ng plano atsaka nung mga panahon na yun walang wala din ako." Mahina kong sabi sakanya.
"Hindi ako magdadalawang isip na umuwi sayo kasi mas kailangan mo ako. The two important person in your life died. You are so strong, love." Nakangiti nyang sabi sakin at hinaplos nya ang pisngi ko.
"I will not let you go home. Pangarap mo nakasalalay dun paano kung nalaman mo edi hindi ka naging pilot? That is your dream. Look at you now I am proud of you. Being a pilot and you glow in the sky now because you love doing that." Pinilit kong ngumiti sakanya.
"I reached my dream but I lost you, it is useless. Bawat pasok ko ng school sa france I am always think about you kasi ikaw inspiration ko sabi ko sa sarili ko ikaw unang pasahero ko kapag naging pilot ako." Tumulo na rin luha nya.
"Congratulations, my captain!" ngumiti ng konti sakanya.
" Congratulations my flight attendant. I am so proud of you!" Salute nyang sabi sakin.
"Hindi ko tinuloy ang pag dodoctor ko kasi kailangan ko agad magkaroon ng trabaho kaya kinuha ko na ang panagarap kong kurso." Pagkwekwento ko sakanya at nakatingin lang sya sakin.
"I know, baby. Update about your life is my only motivation para ipagpatuloy ang pangarap ko. Okay na ba tayo?" Maingat nyang tanong sakin.
"Depende kung matatanggap mo yung makikita mo bukas." Mabilis kong sabi sakanya at kumunot noo nya.

YOU ARE READING
Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)
Teen FictionScars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything to reach it. Dahlia is also a breadwinner in her family. When she met Kylo Adair, Her life changed. H...