"Ma'am bakit nyo po ako pinatawag?" Magalang kong sabi sa prof ko sa harapan ko.
"Anong nangyari sayo nung nakaraang araw iha? Nagsimula na kasi yung practice saka bukas na yung contest pero kaya mo naman yon kasi beauty and brain ka naman." Mahinahong sabi ng prof ko at napangiti ako sa compliment nya sakin sa dulo.
"Na ospital po kasi si ate kaya kailangan ko pong umuwi sa probinsya namin." Magalang kong sabi.
"Kamusta naman sya ngayon?" Nag aalala nyang tanong habang nakatingin sakin.
"Okay na po sya nakalabas na po sya sa ospital." Sabi ko at ngumiti sakanya.
"Buti naman kung ganon salamat iha balik ka na sa klase mo." Pagpapanapos nyang sabi sakin at hudyat na iyon para umalis na.
Habang naglalakad ako ay hindi ko alam kung bakit sila nakatingin pero pinabayaan ko nalang.Pagdating ko sa classroom ay nagtakbuhan sa direksyon ko si Kyla at Ysabella.
"Gaga ka pano ka napadpad sa building nila?"Bungad na tanong sakin ni Kyla.
"Paano nyo nalaman ang layo naman ng nararating ng mata nyo?" Balik na tanong ko sakanila.
"Hello may mata at tenga kami atsaka sikat si Kylo dito sa University na to." Sabi nya sakin at nanlaki mata ko.
"Ang dami nyong nalalaman paano yon?" Nakatingin kong sabi sakanila.
"Try mong maging chismosa gurl." Pagsusuggest nya at ngumiti sakin.
Gaga talaga to ang pangit ng suggestion parang tanga ayoko maging chismosa pero minsan oo kapag interesting. Hindi mo naman maiiwasan yun.
"Pass sa chismosa." Sabi ko at pumasok na sa room.
"Valedictorian kaya jowa mo nung Senior High." Pagbibigay impormasyon nya sakin.
"Seryoso?" Nagulat kong tanong sakanya.
"Oo te ang swerte mo wag mo na pakawalan yan." sabi sakin ni Kyla at ngumiti sya sakin.
Pagkatapos ng chikahan namin tungkol kay Kylo ay dumating na din prof namin at as usual lutang nanaman ako kaya ang bilis lang natapos ang araw para sakin.
"Tara na sa hall Dahlia may practice ka pa diba?"Pagaalala sakin ni Ysabella.
" Oo nga shemay na malagkit bat ngayon nyo lang sinabi." Nagmamadali kong sabi sabay tayo at tumakbo na ko.
Pagkarating ko sa hall ay buti naman ay hindi marami ang tao kaya hindi na ko masyadong kinabahan.
"Hi you are Dahlia right?" English na sabi ng nasa tabi ko.
"Yeah." Simple kong sabi sakanya.
"Okay go to your position right now." Utos samin ng instructor kaya umakyat na rin ako ng stage.
"Iha bago ka?" Tanong saakin ng instructor at napatingin ako sakanya.
"Opo." Nahihiya kong sabi at ngumiti sya sakin.
"Don't worry makaka catch up ka naman kasi sa tulad mo madali mo lang masusundan." Nakangiti nyang sabi kaya napa buntong hininga ako sa sobrang kaba.
" Ok let's start." Sabi ng instructor namin.
Tinuturuan lang kami kung paano yung tamang paglalakad at ang daming kailangang gawin pero sinusundan ko lang kung paano kaya madali para sakin.
"Beatrice ano ba yan kagahapon pa kita tinitignan mali mali ginagawa mo paano ka na bukas nyan." Sermon sa kanya ni Ms. Ira.
"Sorry po, miss." Mahina nyang sagot at nakayuko na sya.
After 2 hours of rehearsal ay natapos na rin sobrang sakit ng paa ko tas katawan ko.
"Ma'am nandito si Kylo Adair." Pagsasabi ng isang estudyante sa instructor namin.
"Oh anong ginagawa mo dito?" Bungad na sabi ni Ms. Ira at nalaglag panga ko dahil doon.
"Hi, tita ganda!" Bati naman ni Kylo at bumeso kay Ms. Ira.
"Bat ka nandito? Ateneo ka di ba? Sa pagkakaalam ko UST 'to." Pang uusisa ni Ms. Ira kay Kylo.
"Tita ganda, may susunduin lang." Nakangiting sabi ni Kylo kay Ms. Ira.
"So taga UST pala pinopormahan mo, sino naman yan?" Natatawang tanong ni Ms. Ira sakanya.
"Kasali sa contest bukas, tita ganda." Sabi ni Kylo at nanlaki mata ni Ms. Ira.
Naglakad na ko papunta sakanila at kinuha naman ni Kylo yung bag ko tsaka nya ako nginitan agad. Gusto pa nga ako akbayan ng loko pero pinalakihan ko sya ng mata.
"Si miss beauty queen pala ang sadya wag mo na pakawalan yan Kylo kung hindi sasapakin kita." Pananakot ng Tita nya sakanya.
"Tita baka nga ako pa iwan nito eh." Natatawa nyang sabi at inakbayan pa nya ako.
Ang bigat ng kamay netong lalaki na to panay panay kasi gym.
"Sige na iuwi mo na girlfriend mo." Nakangiting sabi ni Ms. Ira at namula mukha ko dahil doon.
"Nanliligaw pa lang po." Pagsisingit ko at natawa si Ms. Ira.
"Hina mo naman, Kylo" Pang aasar ni Ms. Ira kay Kylo at ngumuso ang katabi ko.
"Babe oh inaaway ako ni tita." Nakanguso nyang sumbong sakin tsaka ko sya tinignan.
"Ano gagawin ko?" Nakataas kong kilay na tanong sakanya at sinamaan nya ko ng tingin.
"Bahala kayo dyan pinagtutulungan nyo ko." Nagtatampo nya sakin kaya sasabayan ko sya.
"Sige magtampo ka di kita sususyuin." Malamig kong sabi sakanya at napanganga naman sya.
Ganyan kami mag usap minsan. Pagod na din kasi ako and I want to feel my bed right now. I lean on to Kylo tas binulungan ko sya.
"Tara love uwi na tayo. I am tired na." Mahina kong sabi sakanya at pumikit na.
"Tita una na kami napagod na alaga ko." Malambing na sabi ni Kylo kay Ms. Ira.
"Go now. Kylo bisitahin mo kami ng tito mo kapag free ka sama mo na rin si Dahlia right?" Nakangiti nyang sabi at tumango ako.
"Yes po bye tita." Pagpapaalam nya kay Ms. Ira at humalik sa noo nito ang sweet nito.
Lumabas na kami ng hall at pumunta na kami sa kotse nya at dumiretso na sa bahay ko.
"Love sama ka sakin sa loob yakapin mo ko." Pambata na boses kong sabi.
"Tara dito baby syempre sasamahan kita." Sweet nyang sabi at hinalikan ako sa noo.
Pumasok na ko sa bahay at dumiretso sa kwarto. Sinamahan nya ako sa kwarto at inayos ang hihigaan ko pati ako ay pinag sisilbihan nya.
"Love sapatos mo tanggalin mo muna." Pang uutos nyang tanong sakin.
"Babe ikaw na pagod na ko tas bukas na agad contest namin can you come?" Tanong ko sakanya,
"Love, I will try kasi may class ako bukas." Sabi nya sakin at napangiti ako sa sinabi nya.
"Thank you kaya love kita eh." Pang uuto ko sakanya at tumawa.
"Lakas mong mang uto. Tulog ka na antok ka lang." Pag susuggest nya sakin.
"Okay babe goodnight. I love you" Natatawa kong sabi sakanya.
Humiga na ako at umupo sya sa tabi ko habang pinaglalaruan ang buhok ko kaya mas lalo akong inantok.
"Babe bantayan mo ko yakap kita." Pambata kong sabi at tumawa sya.
"Cute naman ng baby ko kapag nagbabay talk." Pang aasar nyang sabi.
"Tulog na ko see you tomorrow. I love you sagad." Sabi ko sakanya at humalik sya sa pisngi ko.
Pinikit ko na rin ang mata ko at pinaparamdam ang antok ko.
"I love you too love. No matter what happen I will always here for you even the world gives up on you I will be your number one supporter and your pillow." Huling narinig ko sakanya bago ako lamunin ng antok ko,

YOU ARE READING
Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)
Teen FictionScars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything to reach it. Dahlia is also a breadwinner in her family. When she met Kylo Adair, Her life changed. H...