Kabanata 26

715 24 0
                                        

Nandito na kami sa Ateneo kasama ko ang parents ni Kylo habang nakikinig ng ceremony maya maya ay pinapila na sila.

"Kylo Adair, Top 1 in his batch." Announce ng prof nila.

Naglakad siya kasama sila tita at nakangiti sya habang pumupunta sa harapan at tinaas pa nya ang diploma nya at ngumiti bumaba naman ito agad pagkatapos.

Pagkatapos tawagin lahat ay iaanounce na ang Magna Cum Laude at Summa Cum Laude.

"For our Magna Cum Laude we have Kylo Adair!" Sabi ng prof nya at pumalakpak ako.

Proud na proud ako dyan kasi may time na sinabi sakin ni Kylo na baka matanggal sya sa Cum Laude kasi nabobother sya sa grade nya kaya pinagsikapan talaga nya talaga.

"Dahlia samahan mo si Kylo ikaw magsabit ng medal nya." Pagbibigay permiso sakin ni Tita at nanlaki ang mata ko.

"Okay lang po sainyo?" Tanong ko sakanila.

Hindi naman sa ayaw ko syempre magulang sila and that is their right atsaka parents din nya yan kaya dapat sila but if they permitted me to do so. I gladly agree with it.

"Oo naman every year naman namin sinasabitan yan nung high school kays okay lang." Sagot naman ni Tito.

Lumapit na ko kay Kylo at hinawakan sya sa kamay kaya nanlaki ang mata nya pero ngumiti sakin.

"Ikaw magsasabit sakin?" Gulat nyang tanong sakin.

"Ayaw mo ba?" Nakanguso kong tanong.

"Syempre, love gusto ko. Ikaw kaya naging inspiration ko ngayon." Nakangiti nyang sabi.

"Tara na akyat na tayo daming sinasabi." Sinabi ko lang yon kasi namumula na talaga ako.

"Kinikilig ka lang love aminin mo na." Natatawa nyang sabi at di ko nalang sya pinansin.

"Congratulations, Kylo!" Sabi ng prof nya sakanya.

"Thank you po." pagpapasalamat nya at ngumiti dito.

Humarap kami at sinuot ko sakanya ang medal nya. Pero nakatitig pa rin sya sakin at namula na ang mukha ko.

"I am so proud of you I will never get tired of saying that to you." Nakangiti kong sabi sakanya.

"I love you." Bulong nya sakin.

Bumaba na kami at bumalik ako sa pwesto ko katulad ng ceremony kahapon sa school ko ay mabilis lang din natapos ang sakanila.

"Tara na Kylo baka malate tayo sa flight." Pagpapaalala ni Tita kay Kylo.

"Yes po Ma, papicture muna kami." Sabi ni Kylo at binigay nya ang phone nya.

Pinicturan kami ni tita at ginawa namin ang pose namin kahapon ang kinaibahan lang ay nakasuot sakin ang toga.

"Love, kamay mo" Natatawa kong sabi at inabot nya parin.

"Gaya gaya ka talaga wala kang originality." Pang aasar nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay

"Syempee naman idol kaya kita." Pang hahamon ko sakanya.

"Sabi ko na nga ba eh feel ko talaga idol mo ko." Magalang nyang sabi at hinawakan na ko kamay nya.

Pagkatapos ko syang picturan ay lumapit sya sakin tsaka nya pinisil ang kamay ko.

"This hand I am holding, In the future you will be holding a control wheel, my captain." Sweet kong sabi sakanya at ngumiti sya sakin.

"Tara na nga sa bahay love baka malate kami." Sabi nya sakin at hinili na nya ako.

Nakarating na kami sa bahay nila at kumpleto mga kaibigan nya mga sasama yan sa airport di ko alam kung anong ambag nila.

"Dahlia, see you soon." Sabi ni Tita at Tito sakin.

"Ate Dahlia, let's play together again when we come back." English na sabi ng kapatid ni Kylo sakin.

"Yeah, sure." Nakangiti kong sabi at pinat ulo nya.

"Tara na punta na tayo airport." pag aaya ni tita.

May dalang sariling van sila Rome kaya nagpaalam ni Kylo kung pwede syang sumama samin kaya pinayagan na sya.

"Hoy, Kylo subukan mong ipagpalit si Dahlia don wala ka ng uuwiang kaibigan." Pagbabanta ni Penny.

"Ano ako baliw? Bakit ko naman ipagpapalit ito kahit palagi akong inaaway nito mahal ko 'to." Sabi nya sa kanyang kaibigan at inakbayan ako.

"Pag aaral pinunta mo dun pre hindi babae." Pagpapaalala ni Dashiell sakanya.

"Grabe naman kayo sakin mukha ba akong babaero." Nakangusong sabi ni Kylo.

"Oo, kasi napaka harot mo." Confident kong sabi at tumawa sila.

Siniksik nya ang ulo nya sa leeg ko kaya nakikiliti ako dahil sa hininga nya.

"Grabe yun love di mo man lang ako pinagtanggol." Sabi nya sakin.

"Sorry na paano kita ipagtatanggol kung obvious na." Pangangatwiran ko.

Nakarating na kami sa airport at nandon na sila Tita. Binigyan nya kami ng last 20 minutes para makausap si Kylo.

"Kylo, tara na." Sabi ni Tita at hudyat na iyon para magpaalam.

Nagpaalam na sila Penny at Rome sakanya at huli nya akong pinuntahan pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ano? Tititigan mo nalang ako? " Mahinahon nyang sabi at yumakap ako sakanya.

"Kala ko ready na ko kapag umalis ka na pero hindi pala." Iyak ko sabi sakanya.

"Love wag naman ganito ang hirap umalis lalo na umiiyak ka you know what kapag umiiyak ka nasasaktan rin ako. Sinabi ko na sayo diba? " Bulong nyang sabi .

"Sige na umalis ka na. Alagaan mo sarili mo dun tas wag mo kong ipagpapalit kung hindi di mo na ko macocotact at makikita sinasabi ko sayo." pananakot ko sakanya.

"Grabe love natakot ako pero seryoso pag aaral ko pinunta ko dun and after that I will fly into the sky with you." Nakangiti nyang sabi.

"I will wait for that time, my captain!" Sabi ko sakanya at sumaludo pa sakanya

"Ikaw mag iingat dito. I love you sige na baka mahuli na kami sa flight." Malambing nyang sabi at hinalikan ako.

"I love you. Have a safe flight!" Mahinahon kong sabi at kumaway sakanya.

Pumasok na sila at naiwan kami dito. Nung nawala na sila sa paningin ko ay umalis na kami.

"Ano tara na? Kain na muna tayo?" Pag aaya ni Rome at sumang ayon kaming lahat

Napadpad kami sa isang fastfood chain para malapit na lang.

"Ako na maghahanap bg upuan." pagprepresenta ko.

"Okay!" Pagsagot ni Penny.

Pagkahanap ko ay umupo na ko sa upuan at binuksan ko ang aking cellphone.

Kylo,

Reach your dreams in France and do not worry about me because I will support you whatever decision you made. I am always here when you need someone to hold on. I can't wait to you flying an airplaine. I love you. Glow in the sky, my captain.

Love,
Dahlia Phaedra

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora