Kabanata 37

956 23 1
                                        

Bigla naman dumating si Pen kaya napatigil sila sa titigan nilang dalawa at nakahinga naman ako doon dahil parang walang gustong matalo doon.

"Scarlet, Liam. Come to Tita Pen first they will talk." Pag tawag ni Pen sa dalawa.

"Anak mo?" Bungad na sabi ni Kylo.

"No, they are not my kids." Simple kong sabi sakanya.

"Kung hindi sayo kanino?" Tanong nya agad.

"Kay ate." Malungkot kong sabi at nanlaki mata nya.

"Nadiscover nilang dalawa kung paano namatay ang nanay nila." Pag coconclude nya.

"Oo tas ako na guardian nila yung gagong tatay nila hindi sya pinanagutan kaya sabi ko sakanila gawin na nila akong mommy pero wag nilang kakalimutan si ate." pagpapaliwanag ko sakanya.

"Kaya ba depende sagot mo sakin kasi depende sakin kung tatanggapin ko ang dalawang bata?" Tanong nya sakin.

"Oo kaya kapag hindi mo tanggap ang dalawa edi kalimutan nalang natin ang pagmamahalan na meron tayo kasi importante sila sakin. Sila nalang ang natitirang alaala ng ate ko sakin." Diretso kong sagot sakanya.

Yumuko ako kasi kinakabahan ako sa magiging sagot nya syempre mas maganda kung tatanggapin nya pero ayoko namang isipin nya na pinapaako ko ang resposibilidad na maging ama.

"Bakit naman hindi? Parte sila ng buhay mo at wala akong karapatan na ihiwalay sayo. Hear me love tatatanggapin ko sila handa akong magpaka tatay sa kanila. Bast kunin mo na ulit ako." Mahina nyang sabi.

"Sure ka ba dyan? I mean...." Naguguluhan kong sabi sakanya at hinawakan nya ang balikat ko.

"Listen to me first, love. Hindi ako napipilitan. Atsaka alam ko naman kung gaano sila kaimportante sayo kaya ganon rin sakin. Wag ka ng mag isip ng kung ano ano kasi bukal sa loob ko ito gagawin." Malambing nyang sabi.

"Paano mama mo? Pati papa mo?" Nag aalala kong tanong sakanya.

"We'll figure it out, okay? For now, can you introduce me to them?" English nyang sabi sakin at tumango ako.

"Sure why not?" Sabi ko sakanya at ngumiti.

Tinawag ko ang dalawang bata at mabilis naman ito lumapit samin. Excited namang lumapit si Scarlet at nakangiti pa sya kay Kylo. Si Liam naman ay tahimik lang at masungit pa kung titignan pero malambing yan.

"Scarlet. Liam." Tawag ko sakanila at lumapit sila sakin.

"Scarlet. Liam. This is Tito Kylo, he is my boyfriend but he can be your daddy also." Pagpapakilala ko sakanya.

"Daddy, are you a pilot?" Curious na tanong ni Scarlet at yumakap sakanya.

"Yes. You want to fly in the sky?" Tanong ni Kylo sa bata.

"Yes, daddy! I want to go to Hongkong and all of the country." Natutuwang sabi ni Scarlet.

"Hey, daddy are you sure that you will not let mommy cry?" Bossy na sabi ni Liam kay Kylo.

"Yes. I won't." Sure na sagot ni Kylo.

"Prove that to me. I don't want her to cry and get hurt because she experience many things and she doesn't deserve any pain." Panghahamon ni Liam kay Kylo at hindi pa rin sya ngumingiti.

Sobrang strict naman nito kala mo tatay kung makaasta kaya natatawa nalang ako. I didn't know that he has this side but it is cute.

"Tell your mommy first to marry me and I will prove that to you." Nakangiting sabi ni Kylo kay Liam.

"No, she will not marry you until you prove to me that you are worth it." Strict na sabi ni Liam.

"Yes, boss. I will prove myself to you." Nakasalute na sabi ni Kylo.

"Good, Captain. Buti nagkakaintindihan tayo. Mommy we will going to fix our things." Cute na sabi ni Liam at hinalikan ako sa pisnge at umalis sila.

"Damn. Papatunayan ko pa sarili ko sa anak natin? Seryoso yun, love? Di sya nagbibiro?" Pag rarant nya sakin.

"Sabi nya eh sundin mo. Kaya mo pa ba? Kabadong kabado ka." Kibit balikat kong sabi sakanya.

"Kala ko love tatay mo ang kausap mo, anak pala natin. Nawawala confidence ko sakanya. Ang lamig pang magsalita hindi ko masagot." Pag vovoice out nya kaya natawa ako sakanya.

"Simulan mo na kayang patunayan sarili mo dali panonoorin lang kita tas tatawanan." Sabi ko sakanya at ngumisi sakin tsaka sya lumapit.

"Kapag napatunayan ko na sarili ko sa anak natin. Itatali na talaga kita sakin pati sa kama hintayin mo lang." bulong nya sakin at namula ako bigla.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Where stories live. Discover now