"Good morning, baby!" Bati ni Kylo pagkabukas ko ng pinto.
Nakapang tulog pa nga ako wearing my shorts and sando buti nalang nasanay ako na nagsusuot ng bra kapag lalabas.
"Bakit ang aga mo?" Sabi ko at nag yawn pa.
"Gusto kitang ihatid sa school." Sagot nya sakin.
"Ano ako bata?" Natatawa kong sabi.
"Mahal lang kita kaya ganon." Smooth nyang sabi.
Pinamulahan naman ako ng mukha. Sinamahan nya akong kumain ng breakfast and he patiently wait for me.
"Ready, my passenger queen?" Nakangisi pa sya.
"Paandarin mo na. Bolero ka talaga." Sabi ko pero nakangiti ako sakanya.
Pagkarating namin sa school ay nakita ko agad si Bela na naghihintay sa labas ng school at nung napansin nya ako ay nilapitan nya agad ako.
"Dahlia bakit ang aga mo pumasok nakakapanibago ah." Bungad na sabi ni Ysabella.
Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko habang papunta ako sa classroom.
"Nakita mo ba yung nasa likod ko ayan yung may dahilan." Naiinis kong sabi at naguluhan sya pero tumingin pa rin sya sa likod ko.
Pumunta kasi sya sa apartment ko tapos sabi nya sabay daw kaming pumasok tapos inaantok pa kasi ako dahil sakanya. Text kasi sya ng text kagabi kaya ayun nirereplayan ko din.
"Hi Kylo kaya pala ganyan mukha ng kaibigan ko kasi maagang pumasok ginulo mo buhay nya." Pambibiro nyang sabi kay Kylo.
"Araw araw ko na tong guguluhin di ko na nga bibitawan." Diretso nyang sabi at habang ang kaibigan ko kinikilig sa sinasabi ng bwisit na lalaki to.
"Paano ka pala naka pasok dito?" Natatakang tanong ni Den na kakarating.
"Kaclose ko yung guard." Simpleng sabi ni Kylo habang hawak nya bag ko.
Kinukuha ko na sakanya ang bag ko kasi hawak rin nya ang kanya kaya naisipan ko baka nabibigatan sya sa dala nya pero ayaw nyang bigay saakin. Sabi ko nga wag na ewan ko dito bida bida.
"Paano mo naging kaclose yon ang layo layo ng school mo samin?" Curious tanong ni Ysabella kay Kylo.
"Dito ako nag aaral dati bibibsitahin ko rin mga kaibigan ko dito kaya sinama ko na tong babaeng makupad." Natatawang sabi ni Kylo at tumawa rin ang mga kaibigan ko.
"Sige salamat nalang sa lahat." Sabi ko sakanila.
Shet hindi nila ako pinapansin nakatayo lang ako sa tabi habang sinasandal ang ulo sa braso ni Kylo at medyo pumipikit kaya naiinis na ko kaya nauna na ko maglakad para medyo magising ang katawan ko.
" Una na kami tinotoyo nanaman kaibigan nyo." Pang aasar na sabi ni Kylo at sinamaan ko sya ng tingin.
"Bahala ka dyan bwisit ka!" Nakanguso kong sabi sakanya at tumalikod na pero bago ako makalayo hinila nya ako sa kanya.
Nanlaki mata ko sa ginawa nya damn niyakap nya ko sa gitna ng quadrangle namin kaya binaon ko ulo ko sa leeg nya bigla tuloy nawala ang antok ko sakanya napaka PDA nya kasi nasa school kami.
"Nahihiya baby ko." Natatawa nyang sabi at sinamaan ko sya ng tingin.
"Tara na punta na tayo sa mga kaibigan mo para makalayas ka na." Sabi ko sakanya at hinila ko na sya.
"Pinapalayas mo na ko? Kunwari ka pa mamimiss mo din ako mamaya itetext mo ko ng "babe miss na kita'' tas papapuntahin mo ko dito ano ba yan Phaedra ako lang 'to." Mahangin nyang sabi at namilog ang mata ko sakanya.
Hindi ko na sya sinagot mamaya talaga papatapon ko na to ang dami nyang sinasabi grabe hindi ako sanay. Nung una ko syang nakita hindi man lang nya ang pinansin. Nahawa na ata sya sakin ng kadaldalan ko.
"Tara dito Kylo pasapak isa." Naiinis kong sabi sakanya at binump fist nya yung kamao kong nakatapat sakanya.
"Tara na dito love wag ka na magalit susuyuin na kita." Sabi nya habang natatawa.
"Letse ka sagad wala ka talagang kasweet sweet sa katawan noh." Sarcastic kong sabi at iniwan ko sya don.
Niloloko ko lang naman sya kasi sweet yan kahit ganyan yan biglang yayakap yan sasabihin nyang teddy bear nya ako. Tapos ang daming kwento kaya love ko na sya. Nakarating na din kami sa classrom ng mga tropa nya sa kabilang building pa iyon kasi iba course nila sakin.
"Hoy pre bat ka napadpad dito?" Bungad na sabi sakanya ng isa.
"Ano Blake ayaw mo na ko makita?" Tanong ni Kylo at inakbayan nya si Blake.
"Walangya ka Kylo bat ngayon ka lang nagparamdam? Ang ingay mo na rin. Wow bago." Tanong naman ng isa habang nang aasar.
"Masyadong busy pero miss kita Rome." Simple nyang sabi at napatingin sila sakin.
"Dahlia bat ka nandito?" Nagulat na tanong sakin ni Blake.
"Di ba sa kabila building nyo?" Sunod naman na tanong ni Rome.
"Hinihintay ko si Kylo." Naaawkwardan kong sabi at nalaglag panga nila.
"Ay sorry Dahlia pero study first tong kaibigan ko walang balak tong magjowa mababasted ka lang." Pagpapaalala sakin ni Blake.
"Oo wag na muna kaibigan namin wala kang pag-asa dito" Pagtutuloy ni Rome.
"Thank you sa information pasabi sa kaibigan nyo basted na sya." Natatawa kong sabi at nanlaki mata nila lalo na si Kylo.
"Gago talaga kayo pag ako binasted talaga ni Dahlia. Susuntukin ko kayo isa-isa." Pagbabanta nyang sabi sa mga kaibigan nya kahit alam kong biro lang yun.
"Huh?" Naguguluhang tanong ni Rome.
"Hotdog." Pang aasar ni Blake.
"Nililigawan ako nyan." Sabi ko at tinuro si Kylo.
"Pre binata ka na." Natatawang sabi nilang dalawa at sinamaan sila ng tingin ni Kylo.
Habang nagkwekwentuhan kami ay may biglang tumawag sakin.
"Dahlia pinapatawag ka ni ma'am punta ka daw sa office nila at bat ka nandito nasa kabila building natin?" Hinhingal nyang sabi at nagpunas pa ng pawis.
"Sige wait lang."sabi ko at tumango sya.
Tumakbo ulit ako papunta kila Kylo at kinuha ko sakanya ang bag ko tsaka ulit humarap sakanya.
"Ky pinapatawag daw ako ng prof ko stay ka nalang dito para makapag catch up kayo ng mga kaibigan mo." Mahina kong sabi sakanya at ngumiti.
"Are you sure?" Malambing nyang sabi at binigay nya sakin bag ko.
"Yes. See you later?" Tanong ko sakanya.
"See you later!" Malambing nyang sabi at hinalikan nya ako sa noo.
Maya-maya naririnig ko na mga kaibigan nya na inaasar nanaman sya pero wala lang kay Kylo yun kasi naririnig ko syang nakikiasar din.
"Sweet naman ni Kylo sana all may jowa." sabay na sabi ni Blake at Rome.
Natawa nalang kami at umalis na ko tsaka pinuntahan si Camille.
"Kaya pala nandito ka ah pilot pala ang nais libre na palagi flight mo pero ang cute ng combination pilot tas doctor." Mangha nyang sabi at marami pa syang sinabi habang naglalakad kami.

YOU ARE READING
Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)
Teen FictionScars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything to reach it. Dahlia is also a breadwinner in her family. When she met Kylo Adair, Her life changed. H...