Chapter 6

2.2K 96 4
                                    

Gumapang ang hiya sa akin, habang pinagtatawanan ng aking mga ka-grupo si Jranillo.

"Seriously, pink ang bag mo Jandred, girly pa talaga ang design?" saad ni Josh.

"Kahit ano naman kulay ng bag ni Jandred ay gwapo siya, pero bakit nga ba pink ang bag mo?"

"Bakit hindi mo iniwan sa apartment mo, at saka may motor ka naman kaya mababalikan mo pa mamaya?" dagdag na tanong pa ni Eileen.

"I carry it for Hulya, nagdala na kasi siya ng bag since hindi naman pwede na umuwi pa siya mamaya." Eileen's eyes darted at me.

"Kaya ko naman na dalhin." Akmang kukunin ko na iyon sa kaniya nang inilihis niya sa akin ang kaniyang balikat. Hindi ko iyon ibinigay sa kaniya, sadyang bigla na lamang niya iyon inagaw sa akin ng akmang isu-sukbit ko na iyon sa aking balikat kanina.

"P.E ba natin ngayon?" tanong ng isa naming ka-grupo sa akin.

"Hindi."

"Bakit nakapang-P.E uniform ka?" tanong ni Eileen sa akin, tila natatawa pa.

I know the answer to her question but I can't find the right words in which I can't put myself into shame.

"May dala ka ba na pamalit para sa gagawin natin na video?" tanong pa niyang muli, dahil sa tanong niya ay napagmasdan ko ang mga suot nila. They're definitely fashionable, I lowered my head, heat crept in my cheeks because of embarrassment.

I have a lot of nice clothes, lalo na at madalas akong bilhan ni Ate at ni Nanay, ngunit hindi ko pinagsisihan na ganito ang mga pinipili kong isuot madalas.

Para sa akin iyon naman ang mahalaga sa kahit anong bagay, iyong komportable ka.

It's like when it comes to a group of friends you're in. Kung pilit lang ang pagsama mo sa kanila, kung nakikisama ka lamang upang hindi maiwan na mag-isa. If you put yourself in a circle of friends you're not really comfortable to be with, you'll feel that there's a limitation in expressing yourself.

"We have the freedom to choose what we want to wear Eileen." Ang tingin ni Jranillo ay muling dumapo sa akin.

"I'm going to carry your bag until we finish this task. Isa pa na agaw mo sa akin ng bag mo, dadalhin ko muna ito sa apartment at ikaw ang kukuha."

For me what he said was really a kind of warning, at hindi ko gugustuhin ang kaniyang sinabi, bukod sa hindi ko alam kung saan ang kaniyang apartment, ay hindi maganda na akong babae ang pupunta roon.

"O-Okay."

"Ano pa ba iyong pwedeng i-video na nagpapakita ng pagmamahal sa wika?" tanong ng isa namin na ka-grupo. Kailangan pa namin ng mga two or three minutes para matapos na ang task namin na ito.

"We can go at the library, pwede tayong magpaalam doon." Napalingon silang lahat sa akin.

"The scene is there's a group of friends that are reading a Filipino book," dagdag ko pa.

"Good idea!" sang-ayon ng lahat maliban lamang kay Eileen.

"How about the last other minutes?" tanong niya, sandaling katahimikan muli ang namayani, hanggang sa nagsalita si Jranillo.

"We're going to act as a student, singing our national anthem." Nakapagpaalam na kami sa nangangasiwa sa library, at ngayon ay nandito ako sa may gilid at naka-upo sa may sofa, sila lang naman kasi ang makikita sa scene, pagkatapos ay si Jranillo ang taga-video dahil maganda ang quality ng phone niya.

"Josh, hanap pa nga kayo ng apat na libro sa itaas kulang pala ito, para may parang design tayo," sabi ng isa namin na ka-grupo, kinalabit naman ako ni Josh, kaya tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now