Chapter 8

2.1K 92 1
                                    

Sa tapat ng tindahan na ako ni Aling Jema nagpababa sa tricycle, bumili ako ng bondpaper na kailangan ko sa isang assignment ko. Naglalakad ako pauwi sa aming bahay ng mayroon ako madaanan na grupo ng mga babae na pagkakaalam ko ay taga-dito lang din sa aming baranggay.

"Anak ba iyon ni Danilo?"

"Oo."

"College na pala, buti at nakaya na pag-aralin ni Danilo, magsasaka lang naman iyon."

"Baka tinutulungan magpa-aral ng mga Tita niya." Humigpit ang hawak ko sa bondpaper, binilisan ko na lamang ang aking paglalakad.

I can't understand people like them, gossiping other people they didn't even know the name. Bakit kaya mayroon mga tao na sa halip isipin na lamang ang kanilang buhay ay pinapakialaman pa ang sa iba?

Naabutan ko si Tatay hindi kalayuan sa aming bahay, naka-suot pa siya ng kaniyang pambukid na damit.

"Tatay, saan po kayo pupunta?" tanong ko ng makasalubong na siya.

"Pupuntahan ko lang iyong si Lorenz, tatanungin ko kung anong oras siya magpapatubig bukas."

"Ganoon po ba? Si ate po ba nasa bahay na?" Umiling siya sa akin.

"Pero nakapagpainit na ako ng tubig, magsa-saing na lang. Sige na anak at sabihin mo na lang sa ate mo kung saan ako nagpunta. Pagdating sa bahay ay magpalit ka na agad ng damit mo para hindi ka matuyuan ng pawis." Napa-ngiti ako at tumango.

"Sige po Tatay, mag-ingat po kayo!"

We're not rich, my father is a farmer and I will never say it, as an only, at ito ang isa sa aking ipinagmamalaki. Maybe other people would say that it's because of my wealthy relative why I can still study in college, but they're wrong about that, sariling hirap at pawis ng aking mga magulang ang dahilan kung bakit nakakapag-aral pa rin ako.

Oo at mayroong naitutulong ang ilan kong kamag-anak sa amin, ngunit hindi ko itatanggi na sa paghingi ng tulong sa kanila ay kalakip ng pagpatak ng luha ng aking magulang.

Saksi ako kung paanong minsan lumuha sila dahil sa halos lumuhod na bago pautangin, kung paanong kung minsan bago mapasakamay nila ang pera ay ibibigay iyon pabato sa kanila.

It hurts, everytime I remember moment like that. When I realized how poor we are, ngunit mas pinili ko na maging motibasyon ang lahat ng ito.

Mas lalo ako nagpu-pursigi na maabot ang aking mga pangarap upang mai-ahon ko sa hirap ang aking pamilya. Gusto ko mapatunayan na hindi lamang yaman ang susi para maging isang matagumpay ang isang tao. It's about the motivation and the perseverance.

Kakatapos ko lamang magsaing at ngayon ay nagtitiklop ako sa aking kwarto ng ilang damit ng may marinig akong ingay mula sa sala. Nang tanawin ko iyon ay nakita ko si ate na bahagyang gulo ang buhok at umiiyak, dahilan upang kaagad ko siyang lapitan.

"Bakit ka umiiyak? Ano ang nangyari ate?" Naga-alala na tanong ko sa kaniya.

"Break na kami." Napa-awang ang aking bibig, nabigla pa sa pagtaas ng kaniyang boses.

"He's a fucking cheater! Three years kami tapos ipinagpalit niya lang ako sa mukhang mushroom na iyon!" Umupo ako sa tabi niya. Bumigat ang aking paghinga habang nakikita ang kaniyang pagluha.

"Hindi kita maintindihan, ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko sa kaniya.

"I was about to surprised him, pero ako iyong na surpresa nang makita ko na may kahalikan siya, at pagbukas na pagbukas ko pa talaga ng gate ng bahay nila!"

"Baka naman nagkamali ka lang? What if it's only the girl who's insisting to kiss him?" Sinubukan ko na pagaanin ang loob niya, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now