Chapter 16

1.6K 58 2
                                    

Pagkatapos magpalit ng uniform ay sandali kaming umupo sa baitang ng hagdan dito sa may gilid ng open-gym. Ilang sandali lamang ay lumapit sa aming gawi si Paul.

"Kamusta, ilan ang nadakma mong palaka, Paul?" Humagikgik si Chelsea, tila nanga-asar pa.

"Bakit ba kasi nangyari iyong kanina?" tanong ko naman.

"Seriously, hindi mo alam Hulya?"

"Pwedeng napalakas iyong suntok ni Esguerra, pwede din naman na sinadya niya." Tumayo si Chelsea mula sa kaniyang pagkakaupo.

"At bakit si Jandred, ang sinisisi mo huh?" Paul tilted his head, pagkatapos ay isang ngisi ang sumilay sa kaniyang labi ng magtama ang paningin nila ni Chelsea.

"What's with you and Jandred, Chelsea? In fairness palagi ka kampi sa kaniya." Napatitig ako kay Chelsea.

"You, crazy man!" Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo at inawat si Chelsea.

"Magkakasakitan na naman kayo dahil sa asaran niyo." Bahagyang ngumiti sa akin si Paul ng magawi sa akin ang kaniyang tingin.

"Just forget it Juliana, sige at aalis na ako. Iwasan mo ang pagiging mainit ang ulo, Chelsea. Mas lalo lang ako nahuhulog sa iyo." Napamaang si Chelsea, habang ako naman ay unti-unting lumapad ang ngisi sa aking labi.

"Kahit kailan talaga ay pinapakulo niya ang dugo ko!" Humalukipkip siya, salubong ang kaniyang mga kilay habang hinahabol ng tingin si Paul.

"At bakit ka nakangisi diyan?" She looked at me with irritation in her eyes, nagkibit-balikat na lamang ako.

"Huwag ka agad naniniwala sa sinasabi ng lalaki na iyon, hindi kapani-paniwala." Mahina akong natawa, napatitig ako sa kaniya.

"Pero, hindi ba siya tama?" Napalingon siya sa akin.

"Tama saan?"

"Iyong mayroon sa inyo ni, Jandred." Nag-iwas ako ng tingin, kaagad kong naramdaman ang paghampas niya sa aking braso.

"Gusto mo ba tawagin ko si Jandred ng malaman mo ang sagot diyan?" Malalim ang kaniyang naging pagbuntong-hininga.

"Hulya, ini-stress mo ako. Bwisit kasi iyong Paul Rul na iyon, dapat lang sa kaniya iyon, dapat nga ay nilakasan pa ni Jandred, iyong hindi na siya makakalakad pa."

"Parang mali naman ata." Napa-irap siya.

"Kung ako sa iyo ay iwasan mo si Paul, kasi mapagi-initan talaga iyon ni Jandred, syempre magseselos." Napa-iling ako, natawa sa kaniyang sinabi.

"Jandred!" May kinawayan siya sa aking bandang likod.

"Hindi pa ba kayo babalik sa COED building?" tanong niya.

"Babalik na din," tugon ni Chelsea, nagtama ang aming paningin, ngunit ang nasa isip ko, ay ang katanungan kung sadya niya kaya ang nangyari kanina?

"Sinadya mo ba iyong nangyari kanina?" Hindi ko napigilan na lumabas sa aking bibig ang katanungan na ito, his lips became half-open, naging malamig din ang kaniyang tingin, na naging dahilan naman upang mapalunok ako bigla.

"I-I mean..." Kumapit sa aking braso si Chelsea, akala ko ay tutulungan niya akong makalusot ngunit hindi.

"Oo nga, nakita ko kasi napalakas talaga iyong suntok mo, kung wala nga suot na head gear si Paul ay baka may pasa iyon sa mukha." Mahinang natawa si Chelsea.

"Yeah, sinadya ko." Nabigla ako sa sinabi niya.

"Oh, dapat nga ay nilakasan mo pa, nakakainis kaya iyon." Bahagya kong siniko si Chelsea.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon