Chapter 24

1.4K 42 4
                                    

Do you ever been in a place where your heart is in between you want the person who hurt you in your arms again, but at the same time, you don't want that person to come back in your life again, because you're afraid to hurt yourself more?

"Simula talaga ngayon ay dito na kami sa canteen ng COED magla-lunch para naman magkasabay na tayo," pagsasalita ni Emmalyn. Magkatabi sila ni Jranillo, at kami naman ni Jen.

"Mabuti naman, ito naman kasing si Hulya, ayaw sa canteen ng Engineering magawi."

"Bakit naman, may iniiwasan ka ba na tao doon? Ex boyfriend mo Ma'am?" Mula sa pagkain ay napa-angat ang aking tingin, they're both staring at me, ang pagkakaiba lamang ay walang emosyon na makikita sa mga mata ni Jranillo.

"Si Ma'am hindi maka-sagot, ikaw nga magtanong Sir Jandred, may ex pala itong si Ma'am." Nakita ko kung paano nilingon ni Jranillo si Emmalyn na biglaan na lamang natawa. Tumikhim ako bago magsalita.

"I don't have an ex boyfriend there." Ibinaba ko sa aking pagkain ang aking tingin.

"Ayon naman pala, Sir Jandred." Emmalyn laughed again.

Papasok na kaming muli sa COED building, hinihintay na lamang namin sina Jen at Emmalyn na mayroon pa daw bibilhin.

"Ano ba ang iniiwasan mo sa canteen ng Engineering?" tanong ni Jranillo. Inipit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga, dahil tumatabing iyon sa aking mata.

"Curious?" Ngumisi ako at nagtaas ng tingin sa kaniya. Nagmumukha akong mushroom dahil sa kaniya.

"Kahit noon pa naman ay hindi ako kumakain sa canteen ng Engineering, we have our own canteen, tinatangkilik ko lang." His brows lift up, there's an amused smile forming on her lips.

"What's your plan this coming Christmas?" tanong niya.

"I'm just going to celebrate it with my family. How about you?"

"Same." Nagpatuloy kami sa pagu-usap ng hindi ko namamalayan na parang normal lang ito, walang sakit na sumasagi sa aking puso. And I wish that he never cheated on me.

"Deep conversation?" Lumayo ako ng bahagya kay Jranillo nang makitang paparating na ang dalawa na tila binibigyan pa ng malisya ang naabutan na pagu-usap namin.

I looked at the full mirror in my room, my hair is in a waterfall braid. I'm wearing a plain white criss-cross t-shirt crop top, black stretchable high waist trousers, and black open toe strappy sandals. I pick my phone in the sling bag chain I'm using now when I feel it vibrating.

"Hello," bungad ko.

"Hulya, are you sure you're going? May kasama ka ba na papunta dito?" Bahagya akong natawa.

"Susunduin ako ni Raldon, tsaka wala naman akong gagawin ngayon, kaya pupunta na lang din ako diyan sa live performance ng paborito mong banda."

"I'm so excited na nga! We're already here, hintayin ka nalang namin ni Marco, sa may parking lot ng SM."

"Okay. See you later!" Ibinalik ko na sa loob ng sling bag ang aking cellphone na saktong pagkarinig ko naman ng busina.

"Hulya, si Raldon na ata iyon!" pagtawag sa akin ni Nanay, kaagad naman na akong lumabas ng kwarto, at nagpaalam na sa kanila.

Tilian at hiyawan ang namayani ng lumabas na ang banda sa stage, halos matawa ako ng lingunin ko si Jen na bakas sa mukha ang tuwa.

"Hulya, okay lang ba kung dito ka muna? Pupunta lang kami sa bandang harap baka sakaling makapagpa-autograph o gusto niyo tara doon!" I laughed a bit.

"No, dito nalang ako. Tsaka andito naman si Raldon."

"Are you sure?" Tumango ako at nilingon ko si Raldon, nang pumunta na sa bandang harapan sina Jen at Marco.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon