Chapter 14

1.4K 56 0
                                    

I was silently sitting in front of my study table, kanina ko pa hawak ang aking libro na babasahin ko sana, ngunit tila nakalutang lamang ang aking isipan. I took a deep sighed, as I heard the sound of a cricket.

"It's so frustrating!" I pouted my lips, tumunog ang aking cellphone dahilan upang mapatingin ako doon. It's Jranillo, who's calling. Matagal pa akong napatitig bago doon ko iyon sinagot.

"Hello?" pagsasalita ko, tahimik naman ang kaniyang linya, ilang sandali lamang ay narinig ko ang kaniyang pagtikhim.

"Hmm. Good evening Hulya."

"Same too you," mahinang tugon ko.

"Papasok ka bukas?" Napa-isip pa ako, may nababalitaan kasi ako na mayroon daw meeting bukas ang mga faculty staff, ngunit papasok pa din naman ako dahil hindi naman sigurado iyon.

"Oo," tugon ko sa kaniya.

"Good, hihintayin kita bukas. And if there's no class I just want to invite you to come in my apartment, kung okay lang sa iyo. Pwede mo naman isama si Chelsea." I sense the happiness on his voice.

Napatitig ako sa maliit na ilaw na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng aking kama. Back when I was in highschool life, it really pissed me of when my crush was being nice to me, tila ang nagiging dating kasi sa akin ay paasa sila, but at the end I realized that I was wrong. Hindi naman nila kasalanan na kagusto-gusto sila at ako ay hindi, kaya naman inilalayo ko ang loob ko kay Jranillo, dahil ayokong dumating ang araw na magalit pa ako sa kaniya at may masabing hindi maganda. Ayokong dumating ang pagkakataon na maisumbat ko sa kaniya ang hindi magandang epekto ng sobra niyang pagiging pala-kaibigan.

"Jandred, may pabor sana ako."

"Hmm, okay. What is it?"

"Huwag mo na kasi akong hinihintay." I feel that my heart wrenched when I said those words.

"But it's my choice to wait you, kung ini-isip mo na magiging pabigat lang ito sa akin ay nagkakamali ka," he insisted.

"Huwag na nga," giit ko.

"Give me enough reason then." My throat tightened, hindi ako nakapagsalita agad, ramdam na ramdam ko kung paano magkasalungat ang idinidikta ng aking isip at ang isini-sigaw ng aking puso.

"Hihintayin pa rin kita, kapag wala ka naibigay na sapat na rason, Hulya." Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Ayokong kasabay ka." Madiin akong napakagat sa aking pang-ibaba na labi at napapikit ng mariin matapos kong masabi ang mga salitang iyon sa kaniya.

Silence filled our line, habang dito sa amin ay mas lalong umingay ang mga kuliglig, siguro ay pinagtatawanan ako ng mga ito. Ako ba naman kasi ang may gusto sa isang tao, ngunit ako pa ang nagtataboy sa kaniya palayo sa akin.

"Hmm..." My lips became half-open, sa aking kalooban ay tila gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa kaniya.

"Okay, thank you for your time. Goodnight Hulya." Masigla naman ang kaniyang boses, ngunit may kung anong nagpapabagabag sa akin.

The next day, Chelsea texted me that she's going to wait for me at the front of the campus waiting area. Nang dumating ako sa Sumacab ay naabutan ko siya na umiinom ng tubig, isinara niya kaagad ang takip ng plastic bottle ng mineral water ng makita ako, inilagay niya iyon sa kaniyang bag, pagkatapos ay sinalubong ako.

"Hulya, tara na umuwi!" natatawang bungad niya sa akin.

"Ano na naman iyang sinasabi mo?" tanong ko, hinawakan niya ang aking kamay, and we walked in holding hands, bagay na madalas ay ginagawa namin.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now