Chapter 25

1.9K 43 1
                                    

Tahimik akong kumakain sa may kusina habang pinagmamasdan sina Ate na nagtatawanan dahil kay Britanny, anak nila ni Kuya Marco.

Dumaan sa akin ang lungkot. It's one of my dream, to have my own family with him. Itinatak ko na noon sa aking isipan na siya na ang lalaki na aking papakasalan, but then it happened. Ang mga ikakasal na nga lang ay naghihiwalay pa, kami pa kaya na magda-dalawang taon pa lang.

"Tita, dalian mong kumain maglalaro tayo!" Binuhat ni Ate ang dalawang taon niyang anak, pakuwari'y ito ang nagsasalita. Napa-ngiti ako habang pinagmamasdan sila.

"Syempre naman dadalian ni Tita, I want to play with my adorable Britanny."

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam na sina Ate at Kuya Marco. Ngayon ay kakatapos ko lamang tingnan kung sino ang aking mga estudyante na may kulang sa mga activity na aking ipinagawa.

"Hello," pagsagot ko nang makitang tumatawag sa akin si Raldon.

"Thanks, you answered "

"Are you busy?" Kaagad naman akong naka-sagot sa kaniyang tanong.

"No, why?"

"Hmm. Magpapatulong sana ako magdecorate dito sa bahay, ayos lang ba?" Pumasok sa aking isipan si Jranillo, marahil ay magkita kami doon kung papayag ako.

"Sure! It's okay." Sa dulo ay ito din ang naging tugon ko.

Siya lamang ang taga-abot sa akin at ako ang tagalagay kung saan parte ng Christmas tree ilalagay ang mga palamuti.

"I didn't really expect that you're going." Napalingon ako sa kaniya.

"Bakit naman?"

"Jranillo's here, kaya naman ang nasa isip ko ay tatanggi ka, para maka-iwas na naman," he said honestly, dahilan na din upang hindi ako maka-tugon.

"I'm so upset the day I left without saying goodbye to you." Inabot niya sa akin ang Christmas ball.

"Alam ko na magkaibigan ang turingan natin noon, and I know that you're anti-social, that's why imagining you back to being alone again, gave me pain. Sana ay nandoon pa din ako nang panahon na mayroong mga nangbu-bully sa iyo." Napatitig ako sa kakasabit ko pa lamang na palamuti.

"Magulo ang sitwasyon noon, kaya hindi ko nagawang magpaalam, but I want you to know that I'm really glad that we met again, 'cause after a year you never left my heart, you have a special part in my life." His lips set in a grim line.

"I know it's too early yet too late, but yeah, I like you since then. I thought it was Astley Erica but no, it's you."

"Pero alam ko naman na kahit ligawan kita ay hindi ako ang pipiliin mo, I just going to make things more complicated for the both of you," he said in a bleak tone, marahan niyang hinawakan ang aking kamay.

"Hindi mo naman kailangan na sabihin pa Hulya, your feelings with my step-brother is like a wind, tahimik man na umihip, nararamdaman pa din, it's too obvious." He smiled at me, but he can't hide the sadness in his eyes.

Hindi ko maiwasan na isipin. Paano kung siya na lang, at hindi si Jranillo ang aking minahal ng sobra, masasaktan pa din kaya ako?

Dahan-dahan niyang ibinaba ang aking kamay, sabay kaming napalingon kay Jranillo na pababa pa lamang ng hagdan.

He have this frosty looked, his jaw clinched at a sight, then he suddenly begone.

"He's begone for annoyance." My eyes darted at Raldon, again when I heard his chuckles.

It's quarter to three when we finished decorating some of the stuff in their home. Raldon, go upstairs to change his clothes, ako naman ay naiwan dito sa ibaba.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon