Chapter 9

2K 85 4
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag para tingnan kung anong oras na. It's already seven-thirty-five in the morning. Umupo na muna ako sa may waiting shed dito sa labas ng campus, bawat bumababa sa jeep ay tinitingnan ko kung si Chelsea na ba iyon.

Sa kabilang kalsada ay nahagip ng aking paningin si Jranillo, he's driving his Honda ADV150. Bumilis na lamang bigla ang tibok ng aking puso, mula sa akin kinau-upuan ay pinagmasdan ko siya na lumingon sa magkabilang gilid ng kalsada, bago tuluyang paandarin muli ang kaniyang motor.

I folded my hands in my lap and turned my face away from where he is. Tiningnan ko ang bagong text sa akin ni Chelsea, ayon dito ay na-traffic siya sa pagbaba ng tulay ng Sta.Rosa, nag-isip naman ako ng itu-tugon sa kaniya.

I was busy typing a message for Chelsea, when I heard a voice calling my name, and I know that it's Jranillo. I took a deep breath before looking at him, ngumiti siya pagkatapos ay mabilis na itinabi ang kaniyang motor sa isang gilid kung saan hindi ito makakasagabal sa ibang dumadaan.

Bahagya pa akong napahawak sa aking dibdib, sa tuwing alam ko na magkakalapit kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapakali.

"Hey! Bakit nandito ka pa?" He put his motorcycle's key inside the pocket of his pants, and there's not even a minute when he's already sitting beside me.

"Hinihintay ko pa si Chelsea, na-traffic daw siya sa may Sta. Rosa sa may pagbaba ng tulay," tugon ko sa kaniya habang hindi pa rin maiwasan na mailang. He tilted his head and eyed me, naging malikot naman ang aking mga mata.

"Kanina ka pa rito o kakadating mo lang?"

"Medyo kanina pa." Pinili ko na lamang na ituon ang aking paningin sa ilang estudyante na pababa sa may overpass.

"Dapat sana ay nag-chat ka sa akin o nag-text, para nasamahan kita rito, malapit lang naman dito iyong apartment ko." Napatingin ako sa kaniya.

"H-Hindi ko na kasi naisip iyon. It's not your responsibility to accompany me. At saka, wala naman akong number mo." Bahagya siya tumawa at sumandal sa upuan.

"Then, can I get your number?" Hindi ako nakapag-salita. Napagmasdan ko pa kung paano siya ngumisi.

"You can't say, you don't want." He leaned closer to me, my breath quicken, tila hindi ko na mahabol pa ang tibok ng aking puso. Every time I gaze at his eyes it feels like I'm floating.

"O-Okay, Ita-type ko sa phone mo." His lips curled into a smile. Kahit paano ay nakahinga na ako ng mabuti ng hindi na siya masiyadong malapit sa akin. Tinanggap ko ang cellphone niya ng iabot niya iyon sa akin.

"Here." Pagkatapos i-type ang numero ko roon ay ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone.

"Thanks. So your name in my contacts would be..." Tiningnan ko kung ano ang ilalagay niya.

"Babe." My jaw dropped, when I saw it, ipinakita niya pa talaga iyon sa akin.

"I didn't know that you're insane." He chuckled, habang ako naman ay nagpapasalamat at hindi ako nautal.

"Why? What's wrong with that?" I saw an amused smile of him, bahagyang naningkit ang aking mga mata.

"Okay, it's just an abbreviation." The corner of my lips turned up, halos matawa ako sa sinabi niya.

"Really, abbreviation? Masiyado naman na ang epekto sa iyo ng major natin." Tumawa siya.

"Sort Of."

"It's an abbreviation of what, then?"

"Hmm, babaeng beautiful." Napatitig ako sa kaniya, tumalikod ako at tinakpan ng panyo ang kalahati ng aking mukha.

"Napaka-baliw mo, Jandred!" Mas lumakas ang kaniyang pagtawa, then I felt his arms on the top of my shoulder, tila ba dumaloy ang kuryente sa aking buong katawan.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now