Chapter 21

1.2K 80 23
                                    

Chapter 21


"Keep close to me," bulong sa akin ni Cashel habang ang kamay niya ay mariing nakahawak sa balikat ko at pilit na idinidikit ang sarili ko sa kanya. Todo dikit din naman ako sa kanya at project sa camera at sa utos ng photographer. 

Might be the reason why Cashel pushes me closer to him ay dahil pinanonood kami ni Chevy. Is he jealous of him? Kanina ko pa 'yon napapansin. Hindi na niya rin binitawan ang kamay ko. Kapag may magpapa-picture sa akin, dapat kasama siya o kaya naman dapat hindi ako lalayo sa kanya.

I am not his territory pero bakit feeling protektadong-protektado niya ang property niya at ayaw niyang maagaw ng iba? But if it's me who's going to choose, magpapaagaw ako kay Chevy any time, anywhere.

"Veuillez passer à la pose suivante", the photographer demanded, waving his hand to maneuver us to our next pose. "Embrasser les uns les autres."

"Anong sabi niya? Hindi 'ko naintindihan. Ang bilis magsalita," usal ko at hindi naman ako agad sinagot ni Cashel. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko saka niya ako iniharap sa kanya. "Next pose na ba?"

Tinanguan niya ako. Inayos ko naman ang pagkakatao ko at hinawi ang buhok ko  sa balikat ko.

"Anong pose?" tanong ko pa.

Mabilis na lumipat ang kamay ni Cashel sa baywang ko at inilapit niya ang katawan namin sa isa't isa. Ang sunod niyang ginawa ay inilapit ang kanyang mukha sa akin at nagdikit ang mga labi namin.

It's the kissing pose!

Napadilat pa ang mata ko pero ipinikit ko naman ayon sa pose na napag-usapan. The photographer's taking a few shot habang si Cashel ang nagpapasimunong halikan ako ng mariin. 

"Bite my lower lip," mahina nitong utos sa akin. I hesitated at first pero sinunod ko ang gusto niyang gawin. Inihaging ko ang labi sa labi niya. Malambot iyon, palagi naman. Marahan kong kinagat at hinila saka ako pumikit. Rinig ko ang pagpuslit ng mga litrato galing sa photographer.

"Posture suivante!" he ordered and we quickly pose for him. Magkayakap kaming dalawa ni Cashel at kung ano-ano pang angle hangga't sa makuha namin ang approval nila. "Fait!"

Biglang bumigay ang balikat ko dahil sa pangangalay na kailangan straight lamang ang tayo so it would be perfect in any angle.

Naagaw naman ni Chevy ang atensyon namin ng matapos kaming kuhaan. The staff attended us at sinabihan kami ng mga gagawin namin before leaving the shoot. Hindi rin umalis si Cashel sa tabi ko hangga't sa lapitan kami ni Chevy.

"Bravo, Cosy," aniya, saka niya ako hinalikan magkabilang pisngi. Nang matapos gawin iyon ni Chevy, sinilip ko ang reaksyon ni Cash at umiigting ang kanyang panga. Bumaba rin ang paningin ko sa kanyang kamay. Nakapasok ang isa sa bulsa kaya hindi ko sigurado kung nakayukom iyon o hindi. "Tu as bien fait aussi, Cashel."

And they were about to handshake pero tumango na lamang si Cashel.

"Merci, Chevy," tipid niyang sagot.

"So are you guys will come to hang out with me tonight? Celebrate our new friendship?"

"Of course!" ang lawak ng ngiti kong sumagot sa kanya.

"You're busy," biglang singit ni Cashel sa akin. Sinimangutan ko naman siya. 

"I'm not busy Cash," depensa ko. Nandito na naman kami at magtatalo na naman. "Saka it would be my first time to hang out with him. Okay lang naman 'di ba? Wala ka naman dapat ikaselos. Hindi naman nila alam na mag-jowa talaga tayo."

French Kiss in ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon