1. Application Process

11.7K 571 178
                                    

"Next applicant, please."

Kabadong-kabado na 'ko, nakakasampu na kasi silang tawag sa mga applicant, alas-siyete na ng gabi. Ako na lang yung natitira sa waiting area.

Buti sana kung yung waiting area, hindi mukhang creepy. Ang tahimik tapos puro pa salamin. Paglingon mo, parang ang daming nakatingin sa 'yo.

Alas-diyes pa 'ko nang umaga rito sa building ng Jagermeister, biskuwit lang yung pinananghalian ko, super kawawa ko naman talaga, oo.

"Wait po!" Pinaiwan lahat ng gamit namin sa security. Ang nadala ko lang, yung kaluluwa ko.

Ang haba ng hallway na color white ang sahig tapos glass wall na sa paligid. Nasa 30th floor ang building ng CEO, at hiring kasi ng corporate secretary niya. At dahil siya ang final interviewer, siya ang kailangan kong harapin ngayong gabi.

Nagtataka ako, lahat ng pumasok sa opisina niya sa dulo ng hallway, hindi na nakakalabas. Inisip ko nga na baka may iba pang exit sa loob ng office niya na hindi lang visible sa labas.

Grabe yung mga kasabayan ko kanina, sobrang ang gaganda saka ang se-sexy. Mayaman daw kasi yung CEO. E obvious naman kasi CEO siya kaya mayaman siya. Pero sa aming mga aplikante kanina, ako lang yung mukhang chimimay. Samantalang sila, mukhang mga model ng Victoria's Secret. Ang tatangkad saka ang papayat. Hindi ako sobrang matangkad, pero hindi rin naman ako maliit. Saktuhan lang. Hindi ako mataba, pero hindi rin naman ako sobrang sexy. Saktuhan lang din. Nakaabot ng last applicant na ako pa yata. Ibig sabihin ba n'on, wala silang natanggap sa lahat ng sexy kanina?

Napaka-choosy naman ng CEO, ayaw sa maganda. O baka naghahanap siya ng pangit? Sobra naman sa pangit, mukha naman akong tao kahit paano, grabe naman siya.

"Ack! Cardio is real!" Halos hingalin ako makalapit lang sa pinto ng CEO's office. Napakalayo naman sa waiting area! Akala ko, malapit lang kanina! Nakakapeke yung mga salamin a. Issa scam.

Lumunok muna ako bago nagbukas ng malaking pinto.

Akala ko, magtutulak ako. Magaan naman pala yung pintuan kahit gawa sa makapal na salamin.

"Hello . . . sir?" Sumilip ako sa loob ng opisina. Ang lawak. Parang tennis court ang sukat. Mas malaki pa sa apartment unit ko. Iyon lang, walang laman maliban sa mesa sa dulo na may lampshade na nakabukas. "Sir?" Tumingala pa 'ko kasi madilim, walang nakabukas na ilaw. Pero tanaw sa kabilang glass wall yung night city view ng buong Metro. May nakatalikod na upuan doon sa table paharap sa overlooking ng 30th floor.

Loner ba yung CEO? Ay, grabe siya.

Naghanap ako ng ibang exit sa loob. Wala akong ibang makitang daan maliban sa pintong pinanggalingan ko.

Isinara ko na ang pinto at nag-ayos ng suot kong pencil skirt.

"Sit down."

"Whoah." Nandilat agad ang mga mata ko kasi boses demonyong . . . ewan? yung boses ng CEO. "Y-Yes, sir."

Wala akong ibang makitang upuan kundi yung wooden arm chair sa harap ng table. E di naupo na 'ko kahit natatakot na.

"You're the last applicant."

"Y-Yes, sir."

Grabe, seryoso ba siya sa boses niya? Paos ba siya? Para siyang limang Vin Diesel na pinagsama-sama sa iisang katawan. Wow, grabe. Mas malalim pa sa Mariana's Trench yung boses niya.

"What's your name?"

Nag-e-echo yung boses niya sa buong office. Naninindig ang balahibo ko. Nakakatakot na nakaka-amaze.

"I'm Chancey Revamonte . . . sir."

"Chancey."

Napapikit ako pagkabanggit niya ng pangalan ko. Shit, habang tumatagal, nakakasanayan ko na yung boses.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now