33. The Family

4.4K 335 22
                                    

Ang lamig. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Ang hangin sa labas ng Grand Cabin tuwing gabi kaya hindi ko na masabi kung gawa ba ng takot o ng hangin ang panginginig ko.

Nakasubsob ako sa damuhan. Hingal na hingal ako. Parang may malaking bara sa lalamunan ko na ayaw maalis ng paglunok.

Nakatitig lang ako sa harapan. Ang dami nilang nakaitim. Babae, lalaki . . . lima? Pito? Sampu?

"So, it's you. The unknown human."

"Ha?" Napagapang ako paatras habang nakatingin sa lalaking . . . mahaba ang buhok at mahaba ang pangil. Nakasuot siya ng black suit na may ruffles na puti sa panloob na blouse. OMG, ang weird ng itsura niya. Mukha siyang buhay na taga-Victorian era. "Huwag kang lalapit . . . sisipain kita, huwag kang lalapit sa akin!"

"Oh, poor thing." Natawa siya nang mahina at lumingon sa likuran niya. "Donovan, is this your new pet?"

"Chancey, save yourself!"

Lalo akong hiningal habang nakikita si Mr. Phillips na nakaluhod. Hawak siya sa magkabilang braso ng dalawang malalaking lalaking nakasuot ng black T-shirt.

"We asked you to bring us food, Van." Napatingin ako sa isa pang lalaking blonde at matapang ang itsura. May hawak-hawak siyang punyal—yung punyal na kamukha ng ibinato sa akin ni Mr. Phillips noon.

"Chancey, run! Please, save yourself, please . . ."

Lalong nagtindigan ang mga balahibo ko habang naririnig ang pag-angil ni Mr. Phillips, pero hindi na nakakatakot pakinggan ang sigaw niya. Mas nangingibabaw sa boses niya ang takot kahit sobrang lalim.

Napalunok ako at kusa nang tumulo ang luha ko habang nakikita siyang nagmamakaawang tumakbo ako. Nanginginig ang labi ko nang kagatin iyon para lang awatin ang takot kong lumabas.

"How many times do you want us to warn you, Van?" sabi ng bampirang ginto ang buhok habang nakatingin sa akin. "Was that human not enough to teach you your lesson?"

Dahan-dahan akong umatras at napahinto ako nang maalalang nasa likuran ko ang panggagalingan ng mga halimaw na laging nilalabanan ni Mr. Phillips tuwing gabi.

"Don't hurt her! Please, I'm begging you, Edric!" pagmamakaawa ni Mr. Phillips doon sa bampirang kausap niya.

"Ah! Beg! Van, until now, still not done with the begging?"

Saglit na tumalikod ang may hawak ng punyal para harapin si Mr. Phillips. Hindi ko alam kung paano ako tatakbo, saan ako tatakbo, o kung may matatakbuhan pa ba ako.

Ang dami nila. Napalilibutan nila kami.

"You are keeping a cursed mortal inside this land, Donovan," sabi n'ong Edric habang nakatalikod sa akin at ipinaiikot sa kamay niya ang punyal na hawak. "You are here to learn from your mistakes of choosing a reckless human, brother. Not to repeat what you did."

"Her mother killed Marius, Edric," sabi ni Morticia kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang ayos niya. Mukha sana siyang maganda pero ang sama talaga ng pakiramdam ko sa kanya.

"Her mother?" Mabilis na tumalikod sa akin ang nagsasalitang bampira at kunot-noo akong tiningnan. "What an interesting sight to see tonight. The cursed child of Quirine . . ." Nagtaas siya ng mukha na parang hindi niya gustong nakikita ako sa harapan niya.

"Arck! Aarrcck!"

Napalingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong putik na papalapit na sa direksyon ko.

"You should learn from our cousin's mistake, Donovan," sabi ng Edric na iyon habang bahagyang nakalingon kay Mr. Phillips sa likod. "Loving a Dalca means death. You kill them or you die because of them."

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now