30. The Last Warning

4.9K 299 63
                                    

Tinanong ko na si Mr. Phillips kung bakit sobrang gaan ng trabaho ko bilang personal secretary niya kahit na ang ine-expect ko ay malulunod ako sa paperworks, pero natawa na lang ako sa sinagot niyang hindi ko naman daw kasi pinili ang corporate secretary na trabaho, kaya kung ano lang ang maiiwan sa kanyang trabaho sa bahay na dadalhin ni Eul, iyon lang ang gagawin ko. At ang iba ko pang gagawing trabaho ay related na sa mga gawaing-bahay at pag-aasikaso sa kanya.

"E di sana naghanap ka na lang ng bagong asawa," sabi ko pa habang inaayos ang gamit ko sa sling bag. "Dapat yung nasa flyer: Wanted: New Wife; hindi Wanted: Secretary."

"Have you ever imagined the number of ladies falling in line just to apply if I did that?"

Ay, grabe siya. Tinawanan ko na lang siya at saglit na sumulyap sa frame ng pintuan ng kuwarto ko kung saan siya nakasandal. Nakakrus lang ang mga braso niya habang pinanonood ako.

"Ang guwapo mo naman, Mr. Phillips. Talagang confident ka na pipilahan ka ng mga babae, ha?"

"I'm rich, what's not to pursue?"

Oo nga naman. Mayaman nga naman siya, bakit ko ba kinukuwestiyon?

Natatawa pa rin ako nang isuot ang sling bag ko habang inaayos ang pullover kong itim pababa sa jogging pants.

"I like you better without clothes on."

"Hoy! Bibig mo, ha," singhal ko sa kanya habang dinuduro siya. "Matulog ka na nga! Maya-maya, nandito na sina Mrs. Serena. Hindi ko siguro siya maaabutan."

Nilakad ko na ang palabas ng kuwarto at siya na ang nagsara ng pinto.

"Ipasusundo na lang kita kay Lance."

"Huwag na, Mr. Phillips. Mamamasyal din naman ako para sa teddy bear mo kaya baka maabala ko lang si Lance." Napatingin ako sa kanya nang sabayan niya ako sa pagbaba sa third floor. "O? Saan ka pupunta?"

"Sasamahan ka sa may pinto."

"Pinapagod mo lang ang sarili mo, akyat-baba ka."

"I can go to my room within a few seconds, don't bother thinking about it."

"Hmmp!" Minata ko lang siya sa kanan ko kasi mabilis nga naman pala siya. Bakit ko nga ba pinoproblema. "Wala kang ibang iuutos?"

"None so far."

Ay, buti naman. Hindi pa naman ako naka-formal, ayokong pumunta ng Prios.

"Mr. Phillips?"

"Yes?"

"Makakagising ka ba mamaya before sunset?"

"Why?"

"Anniversary kasi ngayon ng town declaration sa Helderiet."

"And what about it?"

"Hihiramin ko sana yung piano sa indoor garden."

"Alright. And why should I wake up earlier?"

Huminto ako sa tapat ng malaking pinto paghinto namin doon. Hanggang doon lang kasi siya sa may lilim. Naka-smile ako nang harapin siya habang nakapamaywang.

"Tutugtog ako ng town's hymn!"

"Okay?" Nalilito siyang tumango. "And do you want me to listen to it?"

"Siyempre, tutugtugan din kita! Kung wala lang monster sa labas, gabi-gabi kitang tutugtugan doon e."

Kasabay ng pagtaas niya ng mukha ang paglapad ng ngiti niya.

Ang ganda rin talaga minsan makita ng smile ni Mr. Phillips, lalo na kapag kitang-kita yung buong set ng ngipin niya na lampas pa sa pangil.

"Alright. I'll set an alarm for that." Naka-smile lang din siya habang tumatango.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum