36. The Final Contract With Mr. Phillips

6.7K 369 47
                                    


Kung ano man ang batas nila sa pamilya na nilabag ni Mr. Phillips, kung ano ba ang dapat nilang ginagawa na hindi ginagawa ng boss ko, kung ano ba ang parusa niya kaya nila ginagawa ito sa kanya—kung ano man ang mga iyon, hindi ko talaga iyon kahit kailan maiintindihan.

"I told you to run . . ." mahinang sermon ni Mr. Phillips habang nakikitang hindi siya nagagalit. Mukha siyang nalulungkot at nadidismayang makita ako sa harapan niya. "When will you listen to me, Chancey?"

Nanginginig ang labi ko habang pinipigilang huwag humagulhol habang nakatitig sa mga mata niyang kagaya na ng mata ng mga bampirang nakapalibot sa kanya. Palipat-lipat na ang tingin ko sa kanya at sa babaeng dilat sa sahig at hindi na kumikilos.

Siya ba ang may gawa n'on sa babaeng nasa harapan niya? Pinatay ba niya ang babaeng iyon?

"This is getting really interesting, Van."

Lumakad sa pagitan namin ang lalaking bampirang nagpupunas ng labing may mantsa pa ng dugo. Ang daming mantsa ng dugo maging sa puting damit nitong mahaba ang manggas. Siya rin yung kagabing maraming sinasabi sa akin. Hindi ko alam kung sino siya, pero parang kahawig niya si Morticia at magkasing-edad lang sila ni Mr. Phillips.

"You see, Van, this rodent here is braver than we thought. Am I right, Father?"

Gumapang ako papunta sa direksiyon ng dining area sa kanan habang napalingon silang lahat doon sa lalaking bampirang pinakamatanda sa kanila. Kailangan kong makapagtago.

"Where are you going, mortal?"

"Hah! Aahh! Bitiwan mo ako!" Pumalag agad ako nang pumalag.

"Chancey!"

"Oh, Donovan, you should be grateful for this mortal. We're not going to find a new one for you to eat."

"Bitiwan mo ako!"

Naramdaman ko na lang na umangat ako sa sahig habang pumapalag nang yakapin ako mula sa likod ng malaking lalaking bampira. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buong katawan ko sa bandang tiyan na halos hindi na ako makahinga. Ipit na ipit ang mga braso ko kaya kumalansing sa sahig ang punyal na ibinalik sa akin ni Helene.

"Mr. Phillips!"

"Theo, leave her alone!"

"Van, you only have one job! One!" galit na sigaw ng isa pang bampirang kanina pa nagsasalita habang nakataas ang hintuturo.

Lalong naubos ang lakas ko kapapalag dahil sa kakulangan ng hangin. Sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin ng bampirang ikinukulong ako sa matigas na bisig.

"Mr. Phillips . . ." Naghabol ako ng hangin habang nauubusan ng lakas para kumilos pa.

"All you have to do is to bring us those applicants! You bring the family our food. And here you are, keeping your food to yourself!" Naglakad siya papalapit kay Mr. Phillips at hinawakan niya ito sa panga para patingalain sa kanya. "And we don't keep our food as our pet, Van. You're supposed to eat your food, not play with it! Where are your manners?"

Ayaw tumigil ng pagtulo ng luha ko habang naririnig ang lahat sa bampirang sinesermunan si Mr. Phillips.

Iyon ba ang ibig sabihin ni Eul sa sinabi niya?

"The company will handle them."

"You've been warned not to keep someone like this mortal, Donovan," narinig kong sinabi ng pinakamatanda sa kanila. "You're a family's disgrace. You and Marius."

"I know . . . Marius didn't regret doing the same for that Dalca," mariing sinabi ni Mr. Phillips sa kanila.

"Weak."

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now