23. The Shifters

4.6K 353 25
                                    


Noong nalaman kong mag-isa lang si Mr. Phillips sa Grand Cabin bago pa ako dumating, nalungkot talaga ako. Kaya kahit alam ko nang bampira siya, bumalik pa rin ako para lutuan siya ng hapunan kasi alam kong walang gagawa n'on para sa kanya.

Akala ko, hanggang doon lang ang awang mararamdaman ko para sa kanya. Mas malala pala yung ideyang parusa niya ang maging mag-isa sa Cabin. At kapag nagpapasok siya ng sasamahan siya, kung hindi mamamatay dahil sa kanya, siya ang mapapahamak para lang sa taong iyon.

Limang gabi na ako sa Cabin, at kung magtatagal ako hanggang anim na buwan, ibig sabihin, anim na buwan ding pahihirapan ni Mr. Phillips ang sarili niya dahil sa akin. Gaya na rin ng sinabi niya, hangga't hindi naaamoy ng mga monster sa labas na may tao sa loob ng mansiyon, hindi sila susugod. Pero nasa loob ako, at ako ang pakay nila.

Binalaan na ako ni Johnny. Kaya ko namang protektahan ang sarili sa paraang alam ko. Pero hindi ko lang sigurado kung kaya ko bang mabuhay pagkatapos. Kahit din naman kumilos ako at hindi, mukhang doon din naman ang bagsak ko: mapapahamak pa rin ako.

At hindi ko naman inilaban ang buhay ko paglabas ko ng lone town pagkamatay nina Papa para lang magpalapa sa mga monster.

Sobrang laking pabor ng ibinigay sa akin ni Mr. Phillips, at nagpapasalamat ako sa lahat. Trabaho, bahay, pagkain, pera, kahit mga damit at bagong gamit, ibinigay niya. At ngayon, inililigtas niya ako sa kung ano man ang mga kalaban niya tuwing gabi. Ayokong umabuso. Ayoko ring ipasan sa kanya lahat ng problema ko dahil lang bampira siya at mas malakas siya kaysa sa akin. Iniisip ko pa lang lahat ng effort niya para lang mabuhay ako, hindi na ako makatulog. Pakiramdam ko, sobrang sama kong tao para ipabuhat sa kanya lahat ng mabigat sa buhay ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano yung mga shifter maliban sa mga piraso ng karneng nakikita kong kinakain ng mga soro. O kahit yung mga malalaking hayop na nakikita ko tuwing gabi. Pero kung ganoon lang ang itsura nila, tingin ko kaya kong gawin ang ginagawa namin noon ni Mama kapag nasa gubat kami.

Alas-dose, wala nang bukas na ilaw maliban sa kuwarto ko. Hindi ako nakakatulog kapag madilim. At alam ni Mr. Phillips na hindi ako nagpapatay ng ilaw, pero nagpatay ako pagsapit ng hatinggabi.

Maaga akong natutulog, madalas tulog-mantika pa. Pero nagtitindigan ang balahibo ko pagkarinig ko sa mga ingay sa labas. May pumapagaspas, may nagkakamot sa kahoy, may naglalakad sa wooden floor. At hindi ko na sigurado kung magpapasalamat pa ba ako na matalas ang pandinig ko para marinig ang mga bagay na ayokong marinig ngayong gabi. Sumilip ako sa peephole ng pintuan ko at nakita kong pumasok si Mr. Phillips sa loob ng black door.

Mabilis kong isinuot pahilig sa katawan ang lalagyan ng mga carbon arrow saka ko binuhat sa tabi ng pinto yung aluminum bow na bigay sa akin ni Johnny.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Lalo kong naramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ako natutuwa. Bumibigat ang ulo ko sa pressure.

Pero hindi puwedeng mag-back out. Kahit dito man lang makatulong ako kay Mr. Phillips. Ayokong gabi-gabi, parati na lang siyang ganito.

Marahan akong nagbukas ng pinto at pumuwesto ako sa dingding katabi ng black door.

"Shit, ayoko pang mamatay. Ayoko pang mamatay. Hindi pa ako sumasahod, gosh. Bakit ko ba kailangang gawin ulit 'to?"

Para akong timang na bubulong-bulong habang nag-iisip kung bubuksan ko na ba yung pinto.

"Whooh . . . kaya mo 'to, Chancey. Kapag namatay ang boss mo, wala nang magpapasahod sa 'yo. Hindi mo puwedeng hayaang magaya siya sa Marius na 'yon."

Napalunok na lang ako saka desididong tumango. This is it. This is really is it.

Binuksan ko na ang black door at kumuha agad ng palaso saka itinutok sa loob.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon