2. Personal Secretary

9.9K 542 150
                                    

Ang sabi ni Mr. Phillips, dapat seven in the morning, nasa Jagermeister na. Six pa lang, nasa building na 'ko. Ayoko namang sa unang araw ko sa trabaho, may record na agad ako ng tardiness.

Sobrang sikat ng Jagermeister bilang insurance company. Sobrang tagal na nila sa industry. Lampas na sa isang siglo ang kompanya, at kahit yung parents ko, insured sa kanila. Doon ko nga nakuha yung pension nila. Iyon lang, parehas na silang patay gawa ng katandaan. Pero ganoon talaga ang buhay, lahat naman mamamatay.

30th floor ang taas ng building ng Jagermeister. Gawa sa glass ang exterior ng buong building kaya kapag nasa malayo, para 'yong nagko-camouflage sa langit, depende sa anggulo. Minsan, kapag maganda ang araw, hindi 'yon makikita agad-agad kasi parang salamin.

"Manong, good morning!" masayang bati ko kay Manong Guard na matangkad. Kahapon sa application, halos lahat ng taong nasa company, mga naka-smile. Nagbago lang pagkatapos ng final interview.

"Good morning, Ma'am!" Naka-smile din siya tapos nag-salute pa. Sobrang welcoming pa nilang lahat, parang hindi kapani-paniwala.

Dumiretso ako sa lobby. Sobrang lawak ng ground floor. Ang ingat ko pa sa paglalakad kasi naka-doll shoes lang ako na color brown at may ribbon. Yung mga kasabayan kong naka-stiletto, puwede nang deadly weapon yung heels e. Dinig na dinig sa sahig. E sobrang linis pa naman ng tiled floor ng JGM. Isang maling tapak lang talaga, sesemplang agad ang kahit sinong tanga.

"Hi, Eul! Good morning!"

Akala ko, maaga na 'ko. Mas maaga pala si Eul sa 'kin.

"Good morning, Miss Chancey," bati niya na sobrang hinhin para sa isang lalaki. Hindi siya high-pitch, parang kahit masaya siya, kalmado pa rin siya.

Inayos ko ang suot kong sling bag at nginitian siya. "Ang early mo naman, Eul. Natutulog ka pa ba?"

Hindi yata marunong sumimangot si Eul. Ang charming ng neatly cut na gupit niya. Tapos kung ano yung suot niya kagabi na black and maroon suit, 'yon pa rin ang suot niya.

"Uuwi na ako before seven," sabi niya.

"Uy! Sayang naman, e di hindi pala kita makikita kapag nag-start ako today."

"I know you can handle it well," sabi niya tapos ngumiti na naman. "Hazel."

"Yes, Mr. Willis."

Lumapit yung Hazel na tinawag niya. Naka-black coat and maroon na blouse din ang babaeng maganda ang pagkakalugay sa wavy na buhok. Naka-smile din siya gaya ni Eul. Parang ang saya naman nila rito sa JGM.

"Ikaw muna ang mag-handle dito sa lobby," utos ni Eul.

"Okay, Mr. Willis."

Umalis sa front desk si Eul tapos nilapitan ako. Napatingala agad ako sa kanya kasi mas malaki pala siya kapag wala sa desk. Nakaupo siya roon, hindi ko naman inaasahan na matangkad din pala siya.

"This way, Miss Chancey." Inilahad niya ang palad sa kanan. Sumunod naman ako sa kanya.

Compare sa ibang building, paikot-ikot ang hallway sa lobby. May mga round office kasi na makikita ang meeting room sa loob—yung ibang mga conference room. Naroon din ang acquisition sa dulong parte ng pangalawang hallway na nilikuan namin. Doon kami pumasok.

Malamig sa loob—klase ng lamig na nakakapanigas ng baga. Baka paglabas ko rito, frozen delight na 'ko. Kung alam ko lang na sobrang lamig sa loob, nagdala sana ako ng jacket at hindi lang white blouse na bakat pa ang bra. Kaya halos mamaluktot ako at yakapin ang sarili habang nakakrus ang mga braso pagkaupo ko sa swivel chair sa mahabang table.

"Miss Chancey, may offer akong ibibigay para sa 'yo." Sinundan ko ng tingin si Eul. Nagsuot na siya ng salamin sa mata, at mas mukha na siyang manager pa lalo sa ayos niya. Mga good-looking sila rito sa company, nahihiya na talaga ako sa mukha ko. May dala siyang dalawang folder at inilapag 'yon sa harapan ko.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now