Prologue

362 7 0
                                    


Mama bakit ba tayo tumatakbo?" I ask while were running on the forest. She didn't answer me and just continue running while gripping my hands tightly.

Kanina pa kami tumatakbo ni mama sa loob ng gubat na parang may humahabol saamin. Basta nagising nalang ako na nag mamadali si mama na makaalis.

Takbo lang kami nang takbo hanggang sa napatid ako sa nakaharang na malaking sanga na sa tinatakbuhan namin.

"Mama" umiyak na usal ko habang namimilipit sa sakit dahil sa pagkapatid. Agad akong dinaluhan ni mama at tinignan ako ng may pag alala.

"Kaya mo pa bang tumakbo?" natataranta nitong tanong habang tumitingin tingin sa paligid, umiling ako habang umiiyak.

Agad ako kinarga ni mama at tumakbo muli pero hindi pa kami nakakalayo ng may humarang saamin.

Agad akong naibaba ni mama at mas ikinagulat lo ang pagluhod ng aking ina sa harapan ng istrangherong lalaki habang nagmamakaawa, hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil sa dilim ng paligid.

"Parang-awa nyo na, iwan mo na kami ng anak ko," umiiyak na saad ni mama habang nakaluhod parin. Kaya napaiyak na rin ako sa takot. May masama ba si mama na ginawa para mag makaawa sya ng ganito?

Nakita ko ang pag alis ng istrangherong lalaki ng kanyang hood bago tinignan si mama. At hindi mapag kakaila na gwapo ito.

Tinignan lang ng lalaki si mama habang nagmamakaawa bago lumipat ang tingin nito saakin.

Agad akong kinilabutan sa paraan ng pagtingin nito bago ito dahan dahan na naglakad sa direksyon ko.

Agad na tumayo si mama para pigilan sana ang lalaki sa paglapit saakin ng malakas nitong tinulak si mama dahilan para mawalan ito ng malay.

Agad akong napaatras sa takot ng makitang naglalakad muli ang lalaki sa direksyon ko. Umiiling ako rito habang umiiyak para sabihin na wag itong lumapit saakin.

Tinitigan lang ako nito bago lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko. Napakalamig ng kamay nito na parang malamig na bangkay.

May sinabi ito na ibang lenggwahe bago ako nawalan ng malay.

---

All right reserved. No part of this story may reproduced, distributed or transmitted in any forms or by any means, without the prior permission from the author.

The Vampire Prince ObsessionWhere stories live. Discover now