CHAPTER 5

109 6 0
                                    


CHAPTER 5

Masakit ang ulo ng magising ako. Muli ko nanaman naalala ang misteryosong lalaki na sumusunod saaakin papauwi dito.

Agad akong napabangon bago nanghihinang niyakap ang dalawa kong tuhod. Pagkatapos nitong sambitin ang hindi ko maintindihan na lenggwahe ay nawalan ako ng malay.

Napabuntong hininga ako bago napatingin sa bintana kung saan bukas ito, na animo'y kanina pa may nakamasid saakin habang natutulog. Hindi ko maiwasang matakot, bakit ba hindi ako makapamuhay ng normal kagaya ng ibang tao?

Tumayo na ako at napagdisisyunan na maghanda na para sa klase. Walang maidudulot ito saakin kung magmumukmok lamang ako dito sa apartment.

Papasikat palang naman ang araw, kaya maraming oras pa para ako ay mag-asikaso.

Agad na akong naligo at nagbihis. Sa cafeteria nalang siguro ako mag aagahan.

At habang naglalakad papunta sa university na pinapasukan ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot, paano kung magkita ulit kami ng estranghero na lalaking iyun? At baka sa ngayun ay gawan na ako ng masama.

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip at itinuon nalang ang atensyon sa paglalakad, pero hindi pa man ako nakakalayo galing sa apartment ay may narinig akong nag beef na kotse sa gilid ko.

Agad ko itong tinignan para malaman kung sino ito, pero laking gulat ko na si sir zuriel ito habang nakangiti na nakatingin saakin.

"Dawn, come here. I will give you a ride, you're class is about to start." Sir zuriel smiled as he waved his hand. Matagal akong napatitig sa mukha nito, his new haircut really suit on him, and his pointed nose. Brown hazel nut eyes, a pinkish thick lip. And his adam apple. Agad akong napaiwas ng tingin ng malaman kung pinag papantasyahan ko na pala si sir zuriel.

"Wag na po, malapit lang naman ang university dito sa apartment ko." Pagdadahilan ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"Come on, we will go on the same university." pag aya pa ni sir zuriel, wala na akong nagawa kundi lumapit dito at sumakay sa kanyang kotse.

"Fasten your seatbelt dawn" ngingiting saad nito habang nakatingin sa kalsada. Agad kong sinunod ang sinabi nito na hindi pa din makatingin sakanya dahil sa kahihiyan.

Naramdaman ko na ang andar ng sasakyan kaya itinuon ko nalang ang tingin sa bintana sa gilid ko. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin habang binabaybay ang daan patungong university.

"Tommorow is weekend, and you promised me that you'll tutor me right?" pagbasag ni sir zuriel sa katahimikan. Tumango lang ako dito habang nakatingin pa din sa bintana.

Narinig ko ang buntong hininga nito bago ulit nagsalita "Are you uncomfortable around me?" Agad ko itong nilingon pagkatapos nyang sabihin yun, nakatutok ang paningin nito sa kalsada habang nagmamaneho. Pero nakatiim ang bagang nito.

"Po? Hindi naman po sir zuriel. Bakit nyo naman po naisip yan?"

"Drop the sir when we are not in the work, it's kinda awkward. I just want you to call me zuriel" pagsulyap nito bago ibinalik ulit ang paningin sa kalsada.

"Okay po"

"And drop the 'po' and 'opo.' I'm not that old enough" mahihimigan mo ang inis sa tono nito habang sinasabi yun, kaya hindi na ako nagsalita. Baka kung ano nanaman ang sabihin nito.

Agad na akong bumaba sa kotse nito pagkarating namin sa university. At nilingon ito, nakababa na ito habang nakatiim parin ang bagang, mukhang masama talaga ang timpla nito ngayun.

"Thank you for the ride z-zuriel" Pagngiti ko dito, hindi pa din ako sanay na tawagin ito sa pangalan na walang 'sir'

"Don't mention it. Don't forget on weekend i'll fetch you on your apartment" he messed my hair as he bid his goodbye.

Napabuntong hininga ako habang tinatahak kung saan ang first subject namin. Bakit ganoon nalang ang ikinilos ni zuriel? Nakakapagtaka dahil hindi naman sya ganun dati, friendly ito pero hindi ko inaasahan na pati ang pagtawag ko ng sir sakanya ay ipagbabawal nya.

Napailing nalang ako at pumasok na sa classroom, pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng may bumangga saakin. Pagtingin ko ay si reign ito. Magkasalubong kilay nito na nakatingin saakin.

"Bakit ba nakaharang ka sa dinadaanan ko ha?!" Pabulyaw na saad nito habang masama na nakatingin saakin. Nagsimula ng magbulong bulongan ang mga kaklase ko habang nakakatawa akong tinignan.

"Sino ka sa inaakala mo ha? Akala mo hindi ko kayo nakita ni zuriel sa parking lot? Napakalandi mo. Akala mo kung sino kana porket nag-usap lang kayo ni zuriel" pa ulit ulit na pagduro nito sa noo ko papasok ng klase. Nahihilo na ako pero alam kung wala akong laban. Sya ang kakampihan ng lahat.

Nakita ko ang pagtayo ni bea ng makita akong ginaganon ni reign, pero agad syang pinigilan ng mga kaklase namin.

"Ano ha? Tatahimik ka nalang dyan? Napaka loser mo. At ang landi mo pa. Kaya hindi na ako magtataka kung inabandona ka ng sarili mong ina" pagduro nito hanggang sa hilahin nito ng malakas ang buhok ko. Pero parang wala akong naramdamang sakit pagkatapos nitong banggitin ang ina ko.

Agad akong nag-angat ng tingin habang walang emosyon na nakatingin dito, nagulat ito sa binigay kung tingin pero agad nakabawi at mas nilakasan pa ang pagkakahawak ng buhok ko. Pero hindi ako napaaray o napaigik sa sakit na iyun, parang wala lang iyun saakin.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin, parang may nag-iinit sa loob ko na gustong saktan si reign hanggang sa makuntento ako.

"Aba lalaban kana ah?" pagkatapos nitong sabihin ay agad na ako nitong inambahan ng sampal. Pero bago pa makadapo ang palad nito sa mukha ko ay agad kong hinawakan ang kamay nito ng mahigpit dahilan para mapaigik at mapasigaw ito sa sakit.

"A-aray n-nasasakatan ako" naiiyak na saad nito habang pilit na inaagaw ang kamay mula sa pagkakahawak ko. I show her my evil smirk as i grip his hair with all my force, causing her to shout in pain.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, basta ang alam ko ay nasisiyahan ako sa ginagawa ko kay reign. Madami ng umaawat saakin pero hindi nila ako mapigilan, may umiiyak na at tumatawag ng gwardya pero heto ako. Nakangiti kay reign habang paulit ulit ko iyun ginagawa.

"Enough." Boritonong saad sa gilid ko. Nang tignan ko ito ay si keiran ito habang nag aalala akong tinignan. Hawak ako nito sa kamay habang hinihila kung saan. Napatingin ako sa labas ng classroom kung saan may nagtipon tipon. At doon nakita ko si reign na walang malay habang may bahid na dugo.

Napatingin ako sa kamay ko at may parte saakin na nasasayahan pero mas nananaig ang pag alala ko sa nagawa ko kay reign. Bigla ay para akong nagising sa isang malalim na panaginip, paano ko nagawa iyun?

Napatingin ako kay keiran na seryuso ang tingin sa nilalakadan namin habang hawak ang kamay ko.

"B-bakit?" pagsimula kong pag iyak habang nakatingin sa duguan kong kamay. Naramdaman kong tumigil kami bago ako napatingin kay keiran.

"It's not your fault, don't cry please."

"K-kasalanan ko yun, p-paano k-ko iyun ginawa? H-hindi ko m-maintindihan." paghagulgol ko habang nakatingin pa din sa kamay ko. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni keiran na kahit papaano ay nagpapakalma saakin.

"It's not your fault, i'm sorry" bago pa ako makapag react sa sinabi ni keiran ay nawalan na ako ng malay.

The Vampire Prince ObsessionWhere stories live. Discover now