CHAPTER 3

114 6 0
                                    


CHAPTER 3

"Uy ano yun?" ngingiting tanong ni Bea. Agad ko itong tinignan pagkatapos nya itong tanungin. May panunudyo itong nakatingin saakin. Ibinalik ko ulit ang tingin sa gamit ko at agad ng umalis sa classroom pagkatapos kong ligpitin ang gamit sa desk ko.

"What do you mean?" tanong ko dito habang tinatahak namin ang cafeteria.

"Anong 'what do you mean?' wag munang i deny dawn. Nakita ko yung titigan nyo ni Keiran" tili nitong sabi habang kinikilig sa gilid ko. Napailing nalang ako rito, kapag naalala ko ang titigan namin ni Keiran ay hindi ko maiwasang mahiya. Tinitigan ko ito ng matagal na hindi ko ginagawa sa ibang lalaki. Yan ang hindi ko maintindihan.

"Hindi ko na ito sinagot at agad na kaming pumasok sa loob ng cafeteria. Pumwesto na kami banda sa may gilid at nag order na.

"Papasok kaba mamaya sa part time job mo? Doon sa restaurant?" Tanong ni Bea habang nakapila kami. Tumango lamang ako dito. Kung hindi ako magtratrabaho, ano nalang kakainin ko at ang ipapang-tuition ko?

"Hay sayang, birthday ngayun ng pinsan ko at mamayang gabi ang party, iimbitahan sana kita" naka pout nitong saad. "Pede ka naman kasi saamin muna tumira, para di mo na problemahin ang upa sa tinitirhan mo"

Nag order muna kami ng pagkain bago ko ito sinagot. "Ano kaba, kaya ko na ito. Enjoy the party nalang at wag masyadong uminom, baka malintikan ka nanaman sa papa mo" pagbibiro ko rito at umupo na kami.

Ngumiti lang ito ng nakakaloko at nagsimula na kaming kumain. Nag-uusap kami paminsan-minsan ni Bea pag may importante syang sasabihin at sasagutin ko lang ito habang kumakain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Bea ng may dumating na dalawang waiter sa harapan namin dala ng napakarami at iba't-ibang klase ng pagkain. Inilagay nila ito sa mesa kung saan kami ni bea nakaupo bago nagsalita.

"Pinapabigay po, ang sabi ay kumain kayo ng madami miss Ayesha." saad ng dalawang waiter at naglakad na paalis. Pero agad ko itong hinabol at tinanong kung sino ang nagpapa bigay.

"Hindi po pinapasabi miss Ayesha." saad ng dalawang waiter bago umalis.

Pinagtitinginan na kami ng tao habang nagbubulungan. At hindi nakatakas sa paningin ko ang matalim na tingin ni Reign.

"Ang dami nito, parang may pa fiesta. Sino ba nagbigay nito?" takang tanong ni bea. Napakagat labi ako sa kaba.

Isa lang ang tumatawag saking Ayesha. Pero imposible, hindi sya yun.

Naramdaman ko ulit ang pares ng tingin na nakatingin sa direksyon ko.

Hindi pwede ito.

The Vampire Prince ObsessionWhere stories live. Discover now