CHAPTER 4

106 7 0
                                    


CHAPTER 4

Last subject na namin ito at malapit na din ako pumasok sa part time job ko.  Karamihan sa mga kaklase ko ay hindi na pumasok. Kagaya nalang ni keiran.

"Class dismissed" saad ng prof namin at lumabas na sa klase. Tumayo na rin ako at niligpit na ang gamit, lumapit na si Bea sa pwesto ko at hinihintay ako.

"Di kapa uuwi? Baka ma late ka sa party ng pinsan mo." saad ko rito at nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom.

"Sabay na tayo palabas ng paaralan. Susunduin naman ako ni daddy, ahm sumabay ka nalang kaya?" pag aya nito saakin habang nakangiti. I shook my head sign of disagree before I speak.

"Iba yung daan sa bahay nyo at sa pinag-t-trabahuan ko, makaabala pa ako. Enjoy the party" I said as I kiss her cheeks. Ngumiti na ito saakin at kumaway na ng makita ang sasakyan ng dad nya sa parking lot ng university.

Bumuntong hininga na ako at nagsimula ng maglakad papunta sa restaurant kung saan ako nag pa-part time job. Hindi naman ito medyo malayo sa university na pinapasukan ko, talagang iba lang ang direksyon ng bahay nila Bea, kaya tinanggihan ko ang alok nito.

Mag gagabi na kaya binilisan ko ang paglalakad ng maramdaman ko ang pares ng tingin na yun. Palagi akong nakakaramdam nito sa tuwing mag isa akong naglalakad.

Kahit palagi ko itong nararanasan ay hindi ko parin maiwasan na matakot.

Nararamdaman ko ang mga yabag nito senyales na sinusundan ako, na mas lalong ikinatakot ko. These is a little strange, hindi naman sya nag paparamdam sa paraan ng pagsunod saakin. Ang alam ko ay kaya lang ako nitong tignan at hindi lapitan, pero ngayun ay iba na, talagang sumusunod na ito saakin!

Binilisan ko ang pag lakad at nakikita ko na ang restaurant kung saan ako mag pa part time kaya medyo na ako napalagay.

Agad na akong nakarating sa restaurant sa pagmamadali. Pumunta na ako sa staff room at kinuha ang damit na pang trabaho sa locker, nagbihis na ako at nagsimula ng magtrabaho.

Naroon na ang iba kong kasamahan na busy sa kanilang mga trabaho. Pupunta na sana ako sa counter para magtrabaho na, nang may magsalita.

"Dawn" tawag saakin ng anak ng may ari ng restaurant. Agad ko itong nilingon at nginitian.

"Sir Zuriel" pagbati ko rito. He smiled at me. Sir Zuriel is handsome, especially when he's smiling. Showing his cute smile. He's friendly and handsome that makes the girls fall for him.

Karamihan sa nagtratrabaho rito ay pinagpapantasyahan sya. Lalo na at hindi ito snob. Maraming nag kaka-crush dito at kasama na ako ro'n, pero simpleng atraksyon lamang ang nararamdaman ko dito.

"Ahm can you tutor me on math?" He ask shyly. Kumakamot ito sa batok habang nakayuko. Parehas lang kami ni Sir Zuriel ng university na pinapasukan, pero madalang ko lang itong makita dahil maliban sa sikat ito ay lagi din itong busy sa basketball.

"Oo naman, kung kailan ka pwede." pagsagot ko rito.

"Really? I'm free on this weekend. I can fetch you on your apartment if you want. Since dad is already know you, you can tutor me on the house."

Sasagot na sana ako dito ng maramdaman ko ulit ang pares ng tingin na yun. Pero sa pagkakataon na ito ay naramdaman ko ang talim ng tingin nito. Mukhang napansin ni Sir Zuriel ang kaba ko kaya agad itong nagtanong.

"Hey Dawn are you okay?" He ask worried. I just nodded before I hurriedly go to the counter and start working, hindi ko na nasagot ang tanong ni zuriel dahil sa pagmamadali at sa kaba.

Agad din naman nawala ang kaba na yun ng magsimula na akong magtrabaho. Panandalian ko munang nalimutan ang tungkol doon dahil na divert na ang atensyon ko sa mga costumer.

Inilaan ko na ang atensyon ko sa pagtratrabaho, at hindi na kami nag usap pa ni Sir Zuriel dahil sa dami ng costumer.

Namalayan ko na lang ang oras ng inilagay na ni Jeff ang close sign sa pinto ng restaurant. Isa din si Jeff sa mga katrabaho ko.

"Ang daming costumer ngayun kapagod" saad ni Kyla habang umuunat dahil sa pagod. Agad syang nilapitan ni Jeff at niyakap. Mag kasintahan si Jeff at Kyla kaya ganun nalang ang dalawa ka sweet sa harapan namin.

Tinukso lang ng ilan naming katrabaho sila kyla. Agad na kaming nagbihis at naghanda na pauwi, alas nuwebe na rin ng gabi kaya kailangan ko ng makauwi.

Nagsimula na akong maglakad pauwi habang umuunat sa pagod. Hindi na ako sumakay dahil malapit na ang bayaran para sa tuition fee, kailangan ko ng mag-ipon.

At habang naglalakad ako ay naramdaman ko ulit ang pares ng tingin na yun. Bakit ba hindi ako nito nilulubayan?

Nakaramdam ulit ako ng takot kaya binilisan ko ang paglalakad, halos tumakbo na ako dahil sa takot at kaba. Medyo malayo ang restaurant at apartment kung saan ako nakatira. Kaya ganito nalang ang kaba na aking nararamdaman.

I heard his footsteps again behind me so I run as fast as I can. I don't care anymore what direction I been taken. The important is I can run away from him.

Ilang minuto rin akong tumakbo at naramdaman kong hindi na ito nakasunod pa saakin. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung anong kailangan nito saakin at kung bakit ako nito laging sinusundan.

Nagpahinga muna akong ilang sandali bago nagsimula ulit maglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may tumigil sa harap ko, agad akong kinilabutan. Nakasuot ito ng dark hood at hindi ko makita ang mukha nito. Idagdag mo pa na nasa madilim kaming eskinita.

"S-sino k-ka?" kinakabahan saad ko rito habang umaatras. Even he is wearing his dark hood. I can feel his smirk infront of me.

Tatakbo na sana ako sa takot ng alisin nito ang suot nyang hood. Nakayuko pa din ito at hindi ko makita ang mukha nito, pero kahit harapin ako nito ngayun ay hindi ko makikita ang mukha nito. Lalo na at nasa madilim kaming eskinita.

"We met again, mon amour."

The Vampire Prince ObsessionWhere stories live. Discover now