CHAPTER 20 - That's final

322 11 0
                                    

Xam's POV

"Hey!" Nakangiting bati ni Kaizer sa akin habang nakaakbay kay Axel. Tango lang ang sinagot ko sa kaniya.

Napalingon ako kay Jeydiel dahil naramdaman ko ang titig niya. Hindi nga ako nagkamali dahil kunot noo siyang nakatingin sa akin. Nang sandaling tapunan niya ng tingin si Dash ay pasiring niyang inalis ang mga mata dito.

Nakapamulsa siyang umupo sa kadalasan niyang p'westo. Bali magkalapit ang pwesto namin. Nasa kanang bahagi namin sila. Kahit nasa gilid ay nakikita ng mata ko ang ginagawa nila. Umupo silang tatlo maliban kay Shawn. Mukhang siya ang o-order para sa pagkain nila.

Narinig ko pa ang pagtikhim ni Axel para makuha ang atensyon ko pero hindi siya nagtagumpay dahil walang lumingon sa amin maliban kay Dash.

"He's your husband right?" Pabulong na tanong ni Dash sa akin. Napaatras ako ng kaunti dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Yeah." Kunot noong aniko.

"Then bakit magkahiwalay kayo?"

"Hindi naman required na tabi palagi kapag kumakain." Inis kong baling.

"Chill." Nakangisi niyang giit.

"Ikaw Dash kailan ka pa naging abogado?" Napatingin kami kay Jade. "Puro ka tanong!"

Bahagyang tumawa si Dash. "Interesado lang talaga ako sa lahat ng bagay na tungkol kay Xam." Hindi ko alam pero naiilang ako sa mga tingin ni Dash.

Tuloy ay nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Kahit pa sa asawa niya?"

"Oo naman." Hindi niya pa rin inaalis ang paningin sa akin.

"Lakas mo rin 'no? Ngayon pa.." Bulong ulit ni Jade. Siniko ko naman siya.

"May naaamoy ka ba?"

Kung ibang tao lang ako, aakalain kong bakla si Kaizer dahil sa lakas ng boses niya. Kalapit niya lang ang kausap niya pero ang lakas ng bunganga parang babae.

"Oo eh." Pagsagot naman ni Axel.

For pete's sake mga pinaglihi sila sa microphone.

"I think something.." Nakangising putol ni Axel sa sasabihin. "No, I mean someone is jealous." Aniya kasabay ng bungisngisan nilang dalawa.

"Jealous? Is it a kind of food? I really smell it and it smells so good!" Sisinghot singhot na usal ni shawn bahang inaamoy ang kalapit na si Jeydiel.

Palihim akong ngumiwi.

Ano 'yon? Friendship goals nila ang pagiging abnormal?

"Ano raw?" Usisa ni Jade.

"Ganda mo raw!" Nakasiring kong sagot.

Napakatsismosa.

"I know right, hindi na nila kailangang sabihin dahil napakaobvious naman."

Di talaga mawawala sa kaibigan natin ang kakapalan ng mukha.

"I think your husband doesn't want my presence here. I better go." Tumayong ani Dash. "I'll send you home, nagsabi na ako sa kuya mo. Nakausap ko siya kanina. See you later." Paalam niya saka ginulo ang buhok ko bago tuluyang naglakad paalis.

Nakamaang ko siyang sinundan ng tingin.

"Ganda ka?" Natatawang bulong ni Jade. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nagulat ako nang bigla ay patakbong umupo si Kaizer at Axel sa upuang nasa tapat ko. Awtomatikong kumunot ang noo ko.

Anong trip nila?

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now