CHAPTER 1 - Gulo

4.3K 188 69
                                    

Xam's POV

"Two minutes left," Bulong ko habang buryong na buryong nakikinig sa professor namin.

Gusto ko ng matapos itong klaseng ito dahil gutom na talaga ako. Hindi ko tuloy maiwasang pagkunutan ng noo. Kahit naman sino hindi matutuwa kapag gutom.

"Hoy, Xam, ayos ka lang?" Pabulong na tanong sa akin ni Jade habang kinokopya ang assignment na nakasulat sa board. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Oh ba't ang sama mo maningin diyan?" Takang tanong niya pa. Tanging pagsinghal lamang ang sinagot ko sa kaniya. Hindi nalang pagsusulat ang atupagin.

Kapag ganitong nagugutom ako hindi ko habit na magsalita pa. Naiirita lang ako lalo na para bang nakakaubos ng enerhiya ang pagkuda. Kaya hindi ko nalang siya pinansin.

"Na pu-pu poo ka, 'no?" Nakangising tanong niya na talaga namang may nang-aasar na itsura.

Pinakasama ko ang tingin sa kaniya. Iyong tingin na may pagbabantang tumahimik na siya.

"Nagugutom na nga tapos ma pu-pu poo pa? Ano pa kayang mailalabas ko?" Nakangiwing umiling-iling nalang ako kasabay nang pagpapakawala ng malalim na hininga.

"Okay class, DISMISSED!" Ang pinaka inaabangan kong sasabihin ng aming professor. Matunog muna akong humikab at bahagyang nag-inat.

Matapos ay dali-dali ko nang inayos ang mga gamit ko.

"Tara kain tayo." Aya ko kay Jade nang tuluyan na kaming makalabas ng classroom.

Kaileigh Jade Allen is a closest friend of mine. Well, hindi ko masabing bestfriend. Ang mahalaga ay magkaibigan kami.

"Himala ah, ano't naisipan mong kumain?" Nagtatakang tanong niya.

Ito ang unang pagkakataong kakain ako sa school canteen. Napabuntong hininga ako nang sumagi sa isipan kong hindi ako nakakain kagabi. Napairap nalang ako sa dahilan niyon.

"Malamang nagugutom na ako." Asik ko.

Pinagkunutan niya lang ako ng noo. "I mean bakit biglaan yata? Hindi mo naman kasi gawi na kumain sa Canteen." Paliwanag niya.

Kahit na may point naman si Jade. Tumigil pa rin ako para lingunin siya.

"Ang dami mong tanong e 'no? Kung ayaw mo akong samahan, ayos lang!" Seryosong ani ko bago siya tuluyang tinalikuran. Hindi rin kasi niya hilig kumain though minsan bumibili rin siya doon.

Hindi ako galit. Sadyang ganito lang talaga ang ugali ko. Aaminin kong maiksi lamang ang pasensiyang mayroon ako. Si Jade lang ang nakakaintindi niyon. Siya lamang ang nakakasabay sa pabago-bago kong mood. Siguro ay dahil na rin sa matagal na kaming magkaibigan.

"Ang sungit naman nito, parang nagtatanong lang e," Habol niya sakin.

Sininghal lang ang sinagot ko sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay natatawa ako. Ang dami pa kasing sinasabi. Magkasabay na nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang Canteen.

"Doon tayo," Turo ko kay Jade sa isang bakanteng puwesto nang makarating kami sa canteen. Gusto ko roon sa gawing iyon dahil para sa akin ay perfect spot ito. Ang komportableng kumain. Mas ayos kapag doon nalang kami pupuwesto.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now