CHAPTER 15 - Jeydiel

971 76 2
                                    

Xam's POV

"Sumama ka sa akin at wala ng  madadamay pa."

Napalunok ako sa narinig ko mula sa lalaki. Halos hindi ako makagalaw dahil alam kong isang maling galaw ko lang ay maaari na niya akong mabaril. Mariin kong ipinikit ang mga mata bago sinuko ang dalawang kamay na may hawak na baril.

"Isang maling galaw mo lang, mamamatay siya." Banta ng lalaki nang lumingon sa gawi ko si Jeydiel na nakatutok ang baril niya sa gawi namin.

"Ibaba mo ang baril mo." Utos ng tauhan ni Bigboss sa akin. Pinanatili ko lang ang tingin kay Jeydiel. Tila ba nababasa ko ang sinasabi ng mga mata niyang nasa akin ang tingin.

Bigla akong lumingon sa lalaking nasa likuran ko dahilan upang  magulat at mapaatras siya. Dahilan din ng pagkawala niya sa pokus.

Kasunod niyon ay ang malakas niyang pagbagsak. Pinaputukan agad siya ni Jeydiel sa noo. Hindi ko ikakailang bumilib ako sa kaniyang paraan ng pakikipaglaban. Nang aksidente kong nasulyapan ang nakahandusay na lalaki inalis ko agad ang tingin dahil sa likidong lumalabas doon.

Matapos ay nginisihan ako ni Jeydiel para sabihing mahina ako at magaling siya. Nginiwian ko lang ang kayabangan niya. Hindi pa man ako nakaka-dalawang hakbang ay may usok na lumabas mula sa iba't ibang parte ng bahay. Pinilit kong takpan ang ilong gamit ang braso ngunit hindi ko kinaya. Masyadong marami ang usok na lumalabas galing sa hindi ko malamang bagay na iyon.

Pinilit kong hindi huminga pero dahil sa kaunting usok na nasinghot ko ay nagawa nitong panghinain ang buong katawan ko at pasikipin ang dibdib ko. Bigla nalang nanglambot ang aking tuhod matapos ay nagdilim ang aking paningin. Narinig ko pa ang matunog na pag-ubo ni Jeydiel bago ako tuluyang bumagsak at nawalan ng malay.

Babagsak bagsak ang ulo ko nang magising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Isang malaking silid na wala maski isang bintana, iisang pinto lang ang mayroon ito. Napalingon ako kay Jeydiel na kunot ang noo habang diretsong nakatingin sa akin.

Tulad ko ay nakagapos din ang kamay at paa niya sa steel chair na aming inuupuan. Pinilit kong kumawala sa pagkakagapos ngunit ayaw. Masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin.

Bigla ay napaisip ako nang maalala ko si Bigboss. Siya kaya ang may pakana nito? Who could it be? Bakit niya ito ginagawa?

"Gising ka na pala Ms. Hurst." Nakangising salubong sa amin ng kapapasok lang na lalaki. "Mrs Cruise pala." Pagtatama niya. Binanggit niya ang Cruise ng may diin.

"Who are you?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "What do you need?"

Tila ba nag-isip pa siya. "Hmm sa totoo lang," Kumunot ang noo ko sa pangbibitin niya. "Ikaw lang ang kailangan ko." Matapos ay nilingon niya si Jeydiel na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya. "Kaso nakisali pa ang isang 'to."

"Iba ang nakisali sa napasali." Sarkastikong sagot ni Jeydiel. "Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nandito." Aniya na ginaya ang paraan ng pagsasalita ng lalaki.

Lumapit bigla sa akin ang lalaki saka hinaplos ang aking pisngi. "Dahil dito," Inis kong tinabig ang kamay niya gamit ang aking ulo. Ngumisi siya na parang baliw. "Kung hindi mo sana siya minahal, hindi ka madadamay." Humakbang siya palayo sa akin ng iiling-iling. "Kaso pinakasalan mo pa."

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now