CHAPTER 12 - Kiss

852 58 2
                                    

Xam's POV

Hindi ko magawang masikmura ang gagawin ko. Ito na iyon, ang araw na pinakaaayawan ko. Kasalukuyan akong pababa sa saksakyan habang nakaalalay sa akin si Matt. Tanaw ko na rin ang mga kumpol ng mayayaman at mga pakitanong tao naghihintay sa aking presensya.

Sabi nila ang kasal daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang babae dahil once in a lifetime lang ito. Ngunit parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ngayong ikakasal na ako.

"Khaleesi don't forget to act like you love him more than he do."

Naalala ko na naman ang sinabi ni Dad. Kaya naman kahit labag sa kaibuturan ng aking loob ay ngumiti ako. It won't be hard to me, I am a great pretender anyway.

Oh thinkin' about all our younger years

There was only you and me

We were young and wild and free

Biglang tumugtog ang paborito kong kanta. Tuloy ay gusto ko lalong magmaktol dahil bakit sa dinami-dami ng kanta ay iyon pa ang pinatugtog.

Now nothin' can take you away from me

We've been down that road before

But that's over now

You keep me comin' back for more

Sinalubong ako ni daddy para alalayan. "You're so beautiful, my daughter." Papuring bulong niya. Nakangiti ko siyang sinabayan maglakad. Masasabi kong ito ang pinakamagandang nangyari ngayong araw ang purihin ka ng sarili mong ama.

Patuloy kaming naglakad ni daddy habang nakangiti sa mga tao. Sabay naming sinasalubong ang sariwang hanging humahampas sa aming mga mukha. Dito kami ikakasal sa pinakamahal naming resort na pinasadya para lang sa mga Hurst.

Beach wedding ang nangyari at talaga namang hahanga ka ng sobra. Mula sa mga bulaklak na nagkalat kasama ang pino't puting mga buhangin. Hindi mo mahahalatang minadali dahil animo'y pinagplanohan talaga.

Namataan ko pa sila mom at kuya. Nakangiti sila habang pinagmasdan ako. Pati si Jade na parang naiiyak pa. Umangat ang gilid ng labi ko nang maisip na may atraso pa siya sa akin kahapon.

Baby, you're all that I want

When you're lyin' here in my arms

I'm findin' it hard to believe

We're in heaven

Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko si Jeydiel suot ang kaniyang tuxedo. Maaliwalas ang kaniyang itsura gaya ng normal na kinakasal hindi mo mababasa sa kaniyang mukha na ayaw rin niya sa ginagawa.

Hinatid lamang ako ni daddy kay Jeydiel bago tumayo sa lapit ni kuya. I almost rolled my eyes. Isinabit ko ang kamay ko sa kaliwa niyang braso. Hinatid niya ako sa kinaroroonan ng magkakasal samin. Si Moksanim na kaibigan din ni daddy, koreano siya.

Moksanim ang tawag sa pastor sa korea.

Hindi pa nakaligtas sa pandinig ko ang kinikilig na ingit ni mommy at Jade.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now