CHAPTER 9 - Tigilan

1K 99 29
                                    

A/N: This story is under editing so if you happened to experienced glitching. It's better if you'd remove this story from your library and add it again. You can also refresh it for better reading. Ain't professional but I'll try my very best. Stay safe and blessed!

Someone's POV

"Ano pinuruhan niyo ba?" Malaking boses na tanong ni Bossing.

Hindi kami nakasagot. Tiningnan kami ni Bossing na may nanlilisik na mata. "Wag niyong sabihing bulilyaso na naman?" Tiim bagang niyang asik. Tumungo naman kami at hindi nakasagot dahil oo nabulilyaso.

"Tanga! Bobo! Mga inutil kayo!" Ilang suntok at tadyak ang natanggap namin mula sa galit na galit na si Bossing.

"B-Bossing hindi namin alam pero hindi si Mr. Hurst ang pumunta sa meeting kundi si Mr. Cruise.." Putol ko. "Kaya sasakyan ni Mr. Cruise ang nabangga imbes na kay Mr. Hurst." Paliwanag ko. Mukha namang medyo kumalma na si Bossing.

Agad na humalakhak si Bossing ng nakakaloko. "May pakinabang din pala ang mga inutil na gaya niyo.." Pagpapatungkol niya sa amin. "Mukhang mababawasan ang mga sagabal sa dadaanan ko!" Nakangisi niyang asik.

Jeydiel's POV

Darn it! Darn it!

Paulit-ulit kong bulong. Malamig ang panahon at basa rin ako ngunit pinagpapawisan nang husto ang mga palad ko. Kinakabahan ako para sa aking ama. Anong nangyari at naaksidente siya bigla? Magkasama lang kami kanina. Maging ang dibdib ko ay mabilis na rin ang kalabog.

Naglalakad kami papunta sa loob ng hospital. Nakasunod sa aming dalawa nitong babaeng ito si Herson na personal driver ni dad at ang isa pa nitong body guard.

"Ma'am Khaleesi!" Tinig ng isang lalaking papalapit sa amin.

"Matt nasaan si daddy?" Daliang tanong nitong babaeng kasama ko.

"Nasa kwarto po ni sir Zander." Sagot ni Matt saka tumingin sakin. "Ihahatid ko po kayo sa kwarto kung nasaan ang Dad niyo." Anyaya niya saming dalawa.

Sumunod agad kami sa kaniya. Sumakay pa muna kami sa elevator. Walang namuntawing salita sa aming lima. Tila ba may kaniya-kaniyang malalim na iniisip ang bawat isa. Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na kami ng kwarto kung nasaan si dad.

"D-Dad!" Pagsalubong ko nang makitang ayos lang si dad at nakaupo sa kaniyang higaan.

"You're wet, change your clothes first, Son!" Niyakap ko agad siya.

"Wala bang masakit sa inyo?" Puno ng pag-aalalang tanong ko. Isa-isa ko pang sinuri ang bawat parte ng katawan niya. Nag-aalala kong hinawakan ang kaniyang kamay na may benda. Ngumiti lang naman siya sakin at umiling. Tila sinasabing ayos lang siya.

"How's my Dad, Doc?" Tanong ko sa doctor na chine-check si dad.

"He's fine," Nakangiting anunsyo ng Doctor. "Maliban sa injury niya sa kanang braso ay wala siyang iba pang natamong kahit na ano. Mabuti nalang at madulas ang daan.." Baling niya kay Dad. "Kaya madaling sumabay ang gulong kotse sa pagpapaliko ng nagmamaneho nito. Naiwasan nila ang truck na dapat ay babangga sa kotse ng dad mo. Ngunit bumangga naman ang kotse ng Dad mo sa malaking puno and sad to say his driver got a severe head injury at maaari siyang ma-comatose."

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now