CHAPTER 21 - Oftenly

873 66 11
                                    

Xam's POV

“There still next time.” Paalam ni Dash bago tuluyang sinara ang bintana ng kaniyang kotse saka ito mabilis na pinaandar palayo.

Sabay-sabay namin siyang tinanaw hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Agad na nagtungo kay Jeydiel ang aking nalilitong mga mata. Nalilito ako kung bakit niya iyon ginawa.

He even call me baby and it gives me all goosebumps. Sinabi iyon ni Jeydiel sa paraang ako lamang ang makakarinig. Ang eksaktong pakiramdam niyon sa sistema ko ay hindi ko magawang pangalanan.

Napunta sa mga kasamahan ko ang aking paningin nang magtulakan si Isla at Jeryl. Si Jade naman ay nagpipigil ng ngisi habang palitan ang tingin sa amin ni Jeydiel.

“Hi.” Malanding bati ni Jeryl kay Jeydiel.

Aksidenteng nakagat ni Jeydiel ang mga labi bago bahagyang ngumiti. “Yeah. Hi.” Anito.

Bigla nalang ay naghampasan si Jeryl at Isla. “Bakit naman may pag-lip bite, kuya?” Kinikilig pa na usal ng bakla na para bang ginawa iyon ni Jeydiel para sa kaniya.

“Did I?” Tanong pa ni  Jeydiel.

“Yes naman. Kitang kita ng aking mata!” Ani pa nito bago tumingin sa akin.

Kita ko agad ang mapang-asar na mga mata ni Jeryl.

“Taray talaga ng napakagandang nilalang, biruin mo may prince charming na maghahatid!” Putol pa nito bago muling nilingon si Jeydiel. “Pogi magpapakilala ako, ah? Need 'yon kasi wifey mo ang friend namin. So, I’m Binibining Jeryl Mae Elizabeth Madaline Theresa Margarett Picones.”

Nag-isang linya ang mga kilay ni Jeydiel. “Pretty long.” Natatawang anito. Tinutukoy ay ang pangalan ni Jeryl.

“Hindi lang name ko ang long.” Pambihiro niya pa. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nagbaba ng tingin si Jeydiel sa zipper ni Jeryl.

Napaawang ang labi ko.

“Oh my gosh pogi hindi 'to ang tinutukoy kong long kundi ang height ko!” Malanding saad ni Jeryl saka tinakpan ang kaniyang alaga.

Napailing nalang si Jeydiel. “Xam ayos ayusin mo 'tong asawa mo baka ipasok ko ito sa bag ko.” Giit pa ni Jeryl.

“Bakla ang landi!” Hinatak siya ni Isla.

“Isabelle Laureen. Isla for short.” Pakilala ni Isla kay Jeydiel. Mabilis naman siya nitong tinanguan.

Matapos ay bigla namang sumingit si Jade. “In short sa kaniya ka sasabay?” Tanong niya sa akin habang nakaturo kay Jeydiel.

Hindi ako nakasagot. Saglit ko pang sinulyapan si Jeydiel na ngayon rin ay nakatingin sa akin.

“Malamang te! Tinatanong pa ba yan!” Si Jeryl ang sumagot.

“Oh, edi kailangan na naming sumibat kung gano’n! Bye, Xam! See you tomorrow!” Aniya saka tumingin sa kalapit ko.

“Ikaw na ang bahala kay Xam. Be good.” Baling naman niya kay Jeydiel bago mapang-asar akong nginitian. Hinila niya pa si Isla at Jeryl bago tuluyang naglakad palayo.

“Let’s go.” Maya-maya’y kaswal na usap ni Jeydiel bago lumapit sa kaniyang kotse.

Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin. How could he act normally after what he did and said. Mas lalo pang napaawang ang labi ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Bagay na ngayon lang niya ginawa.

“Get in.” Aniya saka minuwestra ang pinto ng kotse. Nakamaang ko siyang tinitigan nang naglakad siya sa kabilang side para umupo sa driver’s seat.

Accidentally In Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora